Alex Diaz breaks silence on "indecent proposal" issue; comes out as bisexual

by Arniel C. Serato
Oct 22, 2019
Alex Diaz to take a break from showbiz after "indecent proposal" issue: "For now, I will rest, reevaluate and come back stronger and better than ever. I love you all, I have learned and I am growing. thank you."
PHOTO/S: Alex Diaz on Facebook

Humingi ng dispensa ang Kapamilya actor at MYX VJ na si Alex Diaz kaugnay ng “indecent proposal” na ipinadala niya umano sa fitness coach na si Miguel Lagman Chanco.

Sa pamamagitan ng Instagram ngayong Martes ng hapon, October 22, nag-sorry si Alex sa kanyang management, kapamilya, kaibigan, at supporters sa ginawa niya na hindi naman nito direktang tinukoy.

Ayon kay Alex, hindi niya intensiyong manakit ng ibang tao o iwasan ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao.

Bahagi ng pahayag ni Alex [published as is]:

“thank you for the thousands of messages of love and support all over twitter and my message requests here on instagram.

"I am going to release a full statement when the time is right but for now I would just like to say sorry and thank you.

"I ask forgiveness from my management, the brands, supporters, friends, my family and everyone else I let down by what I did and/or who I am.

Continue reading below ↓

"Im sorry, I was wrong in my actions and failed to uphold the values I so strongly try to convey online.

"It was not my intention to hurt anyone or elude the truth of who I am for all these years but rather a showbiz decisions based on the state of our nation in regards to acceptance and representation of who I am.”

TAKING A BREAK FROM SHOWBIZ

Sabi pa ng 25-year-old actor, hindi na siya magpapakulong sa takot kahit anuman ang sabihin tungkol sa kanya at maging kapalit man nito ay ang kanyang karera.

Magpapahinga raw muna siya ngayon upang magmuni-muni sa mga susunod niyang hakbang.

Babalik daw siya sa showbiz na mas malakas at may confidence.

Saad ni Alex [published as is]: “But I sincerely thank everyone for not failing to remind me that I am human and that I too am loved.

"—Never again will I be shackled by the fear of what might be said about who I am for fear of losing my career and instead, I will seek help, heal and champion change, acceptance and representation for the bisexual community and/or anyone who is met with prejudice in our society.

"I see now that my actions are not caused by but rather the effect of the unhealthy and toxic suppression of all of who I am as a human being.

Continue reading below ↓

"Im in a better place now.

"My passion is performing, making people happy & making people smile.

"My only hope is that I can continue to use this platform to do such in whatever new path this universe-given experience has opened up for me.

"For now, I will rest, reevaluate and come back stronger and better than ever.

"I love you all, I have learned and I am growing. thank you."

Continue reading below ↓

Ibinahagi rin ni Alex ang parehong mensahe sa kanyang Twitter account na @alexandermcdizz.

Kalakip nito ang mensaheng "Today we champion change."

Nilagyan din ito ni Alex ng seedling, sign of the horns, at rainbow flag emojis.

Ang rainbow flag ay simbulo ng mga miyembro ng LGBTQIA.

MESSAGES OF SUPPORT

Kaagad namang bumuhos ang mga mensahe ng suporta mula sa supporters, celebrities, at mga kaibigan ni Alex kaugnay ng kanyang pahayag.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

FITNESS COACH EXPOSES ALEX'S INDECENT PROPOSAL

Noong October 17 ay kumalat sa social media ang pambubuko ng fitness coach na si Miguel Chanco sa "indecent proposal" sa kanya ni Alex.

Sinopla raw niya ang aktor dahil may pera naman daw siya.

Dalawang beses na rin daw nag-direct message sa kanya si Alex tungkol sa nasabing indecent proposal.

Continue reading below ↓

Saad pa ni Miguel sa Facebook noong October 17: “2nd time na sya nag message ng ganyan.

“Nung una hinayaan ko lang kasi sayang lang sa oras pag pinatulan ang mga bastos.

“Kunwari magpapa online keto coach daw sya for fat loss then sabay banat ng ganyan.

“Pero second time na ito and ayoko ganyan tingin sa akin ng tao.

“It costs $0.00 to treat someone with respect.

“Kaming mga nasa Fitness Industry, nagtatrabaho kami ng maayos. We do our best para mag improve ang health and physique ng clients namin.

"Wag nyo gawin sa amin ang ayaw nyo gawin ng iba sa anak nyo, kapatid nyo or mga pinsan.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alex Diaz to take a break from showbiz after "indecent proposal" issue: "For now, I will rest, reevaluate and come back stronger and better than ever. I love you all, I have learned and I am growing. thank you."
PHOTO/S: Alex Diaz on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results