Alexa Ilacad on Nash Aguas being in love with Mika dela Cruz: "Inside that 13 years, I was there."

by Jet Hitosis
Oct 22, 2019
Alexa Ilacad (right) explains why she got confused after reading former love team partner Nash Aguas' post about loving Mika dela Cruz (left) for the past 13 years: "Napaisip ako, kasi inside that 13 years, I was there. So when you say na ‘13 years, and I still love you,’ where was I? I have four to five years in those 13."
PHOTO/S: @zackwey, @alexailacad on Instagram

Nilinaw ni Alexa Ilacad na wala siyang sama ng loob kina Nash Aguas at Mika dela Cruz, bagamat inamin niyang “napaisip” siya kung ano ang naging lugar niya sa puso ng aktor sa maraming taon na espesyal sila sa isa’t isa.

Sa kanyang interview sa Tonight With Boy Abunda nitong Lunes ng gabi, October 21, para sa pelikula niyang Santigwar, nagpaliwanag si Alexa sa mga nabanggit niya sa interview sa kanya kamakailan tungkol sa past nila ni Nash.

Ilang taong magka-love team sina Alexa, 19, at Nash, 21, hanggang sa tuluyang mabuwag noong 2018 ang tambalan nilang “NLex.”

Dati nang nilinaw ni Alexa sa mga naunang interviews na bagamat tumagal ng ilang taon, unofficial ang naging relasyon nila ni Nash dahil kapwa pa sila menor de edad noon.

Gayunman, maayos daw na naghiwalay sina Nash at Alexa, at wala silang naging away.

Sa ngayon, si Mika, 20, ang girlfriend ni Nash.

Continue reading below ↓

ALEXA REACTS TO NASH’S POST FOR MIKA

Sa interview sa Tonight With Boy Abunda, nagkuwento si Alexa kay Boy Abunda tungkol sa pagdalaw sa kanya ng ilang entertainment reporters sa set ng Santigwar sa Bulacan, noong October 1.

“They were asking me something about if I’m okay ‘ata na si Nash and Mika na.

“And I said, yes, I’m okay.

“Then, may nabanggit lang ako na… because I saw this post and I saw Nash’s comment saying to Mika na, ‘thirteen years and I still love you.’

“So what I said was… I was kind of shocked… actually, no. I was not really shocked.

"Like I said, I knew in my heart na they’ve never really lose connection, that there’s a special place in Nash’s heart for Mika.

“I always knew. It was okay, it was fine with me.”

Continue reading below ↓

Paliwanag ni Alexa, noon pa mang panahon nila sa Goin’ Bulilit ay malapit na sa isa’t isa sina Nash at Mika, at ang dalawa, aniya, ang orihinal na “puppy love” team ng defunct Kapamilya kiddie gag show.

JUST CONFUSED

Patuloy ni Alexa, “Napaisip ako. Yun, hindi na-shock, pero napaisip ako.

“Kasi inside that 13 years, I was there.

“So when you say na ‘13 years, and I still love you,’ where was I?

“I have four to five years in those 13. Something like that… or three to four."

Kalaunan, may realization si Alexa para sa kanyang sarili.

“Maybe that hour I cared, but I said to myself, ‘Hmmm, not worth your time, move on.’”

Kasunod nito, nilinaw ng young actress na hindi masama ang kanyang intensiyon sa mga nabanggit niya sa interview, at lalong wala siyang planong magsimula ng away o kontrobersiya.

Continue reading below ↓

“Theirs was history, kumbaga. And I will never and can never change that.

"So it’s something that I respected.

“So when I said na napaisip ako, reading that, I didn’t mean it to sound like sinisiraan ko siya, or masama siya. I just said it as it was.”

Kasabay nito, binigyang-diin din ni Alexa na “civil and very professional” ang relasyon nila ngayon ni Nash, at nananatili ang respeto nila sa isa’t isa, bagamat hindi na sila nag-uusap.

ALEXA WANTS TO EXCLUDE HERSELF FROM NASH AND MIKA’S LIVES

Direkta namang tinanong ni Boy kung may “tension” sa pagitan nina Nash at Alexa, at mabilis na “no” ang isinagot ng young actress.

Kasunod nito, itinanong ni Boy kung may tensiyon ba sa pagitan nina Alexa at Mika.

Sagot ni Alexa, “I haven’t seen her in so long, but I think there would be more tension with her than with Nash.”

Continue reading below ↓

Mabilis din niyang idinagdag, “I’m not mad or anything. I don’t wanna fight; that’s the last thing…

“Actually, I wanna exclude myself from them, from their lives. I just wanna cut it and leave it in the past,” sabi pa ni Alexa.

Sa interview ng entertainment reporters kay Alexa nitong October 1, sinabi niyang nagkaroon sila ni Nash ng mutual understanding, na “wala lang kaming label… pero minahal namin ang isa’t isa, wow!”

Inulit din ni Alexa ang dati na niyang sinabi na hindi si Mika ang dahilan ng hiwalayan nila ni Nash.

MIKA’S CRYPTIC POST

Samantala, nitong October 12, naging palaisipan sa maraming Instagram followers ni Mika ang kanyang cryptic post sa Instagram Story tungkol sa isang taong nanakit sa nagmamahal dito, at ngayon ay nagsisisi dahil masaya na ang taong nasaktan nito.

Nasa porma ng open letter ang post, pero walang pangalang binanggit si Mika, kaya hindi malinaw kung sino ang pinatutungkulan ng mensahe.

Continue reading below ↓

Bahagi ng post ni Mika (published as is): “ayaw mong aminin yung totoo.

“papakabitter ka nalang kasi alam mong kahit anong gawin mo, hindi mo na siya mababalik.

“hindi mo na maibabalik yung tao. yung dati.

“kasi alam mo sa sarili mo kahit anong ibang rason pa ang halungkatin mo..

“sa pagkakataon nayun ikaw yung naging rason.

“ikaw yung nagkulang.

“ikaw yung nagbigay ng kalahati hindi buo.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alexa Ilacad (right) explains why she got confused after reading former love team partner Nash Aguas' post about loving Mika dela Cruz (left) for the past 13 years: "Napaisip ako, kasi inside that 13 years, I was there. So when you say na ‘13 years, and I still love you,’ where was I? I have four to five years in those 13."
PHOTO/S: @zackwey, @alexailacad on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results