Atong Ang denies romantic relationships with Nicole Barretto, sisters Gretchen and Claudine

by Arniel C. Serato
Oct 22, 2019
Atong Ang on rumored affairs with sisters Claudine and Gretchen Barretto (center) and Nicole Barretto (right): "Unang una, hindi naman kami nagsasama sa mga bahay-bahay. Wala naman kaming mga bahay. May kanya-kanya kaming buhay.”
PHOTO/S: Courtesy: GMA News / @claubarretto on Instagram / Cole Barretto on Facebook

#TheBarrettoFamilyFeud

Muling pinabulaanan ng kontrobersiyal na negosyanteng si Atong Ang, 61, ang diumano’y relasyon niya sa tatlong miyembro ng Barretto family—sina Gretchen, 50, Claudine, 40, at Nicole, 26.

Sina Gretchen at Claudine ay nakababatang kapatid ng ama ni Nicole na si Jay-Jay Barretto, 57.

Si Nicole mismo ang nagsiwalat noong Sabado, October 19, na nagkaroon daw sila ng relasyon ni Atong, ngunit inagaw raw ito sa kanya ni Gretchen.

Mariin naman itong pinabulaanan ni Gretchen.

Ang sinabi niya, si Nicole daw ang nang-agaw kay Atong mula kay Claudine.

Sa panayam ng GMA News kahapon, October 21, hindi tuwirang inamin ni Atong ang mga ugnayan niya sa tatlong kontrobersiyal na Barretto.

Pahayag ni Atong, “Masasabi mo lang na girlfriend kapag nakapatong ka na diyan.

"E, bakit ko naman aaminin na ganun, e, wala namang ganun? May nakakita ba?

“E, wala naman ganun, di ba?”

Diretso niyang itinanggi ang nasabing akusasyon, lalo na't masaya raw siya sa kanyang sariling pamilya.

Continue reading below ↓

Saad ng businessman, “Well, ayoko magsalita sa ganyan.

“Totally, dini-deny ko lang talaga 'yan, kasi bakit ka magsasalita ng kung anu-ano?

“Basta ang sa akin, happy ako sa pamilya ko, sa asawa ko.”

Kung totoo man daw ang nasabing illicit affairs, hindi raw sana niya isinasama ang mga Barretto sa kanyang pamilya.

Sabi nito, "Maliwanag naman na isinasama ko sila sa pamilya ko.

“Ibig sabihin, makikita niyo doon na walang kalokohan.

"Kung ipagpapalit mo sa iba, dapat hindi ko sila ipinagsasama-sama nang ganyan, di ba?

“Unang-una, hindi naman kami nagsasama sa mga bahay-bahay.

“Wala naman kaming mga bahay. May kanya-kanya kaming buhay.”

ON ALLEGED AFFAIR WITH NICOLE

Tuwiran ding pinabulaanan ni Atong ang alegasyon ni Nicole na inagaw sa kanya ni Gretchen ang negosyante.

Ayon pa kay Atong, tumulong ang ina ni Nicole na si Marichi Barretto sa pagpapalago ng kanyang mga negosyo noon.

Continue reading below ↓

"Ang istorya naman diyan, siguro mga eight years ago or mga nine years ago, si Marichi na mommy ni Nicole, tumutulong sa negosyo ko 'yan, noong nag-i-istart pa lang ako.

“Di ba, lumabas ako ng kulungan? Tumutulong sila sa akin sa negosyo ko dati.”

Nag-aaral pa raw noon si Nicole.

Dagdag pa niya, “'Tapos nung grumaduate naman si Nicole, tumulong naman sa akin si Nicole—yung sa mga booking ko lalo na kapag may mga flight ako.

“Nakakasama ko na si Nicole noong naka-graduate na.”

Kuwento pa ng negosyante, naging maayos ang relasyon nina Marichi at Nicole sa kanyang pamilya kung saan nagba-bonding pa nga raw sila.

"Naging close sa mga anak ko, nagpupunta sa bahay ko, kami-kami nila Marichi, magkakasama kami dun sa restaurant nila Art Atayde before.

"So, naging close kami as family rin.

"So, nangyari yun, mga four years kaming magkakasama noon,” ang dagdag pa niyang kuwento.

Continue reading below ↓

Si Art Atayde ay ang mister ng aktres na si Sylvia Sanchez.

Parang anak na raw ang turing niya noon kay Nicole.

"Talagang very close ako kay Nicole, talaga naging parang anak ko na rin talaga 'yan,” sabi pa ni Atong.

Ngunit nagkaroon daw sila ng hindi pagkakaunawaan kaya nagkaroon sila ng falling out.

Simula noon, hindi na sila nagkikita pa.

Saad ni Atong, "Nagkarooon ng misunderstanding noon.

“At saka may asawa na siya at saka anak ngayon.

"Dapat hindi na siya nagsasalita ng ganyan.

“Nanahimik na, di ba?

"Hindi ko alam ano pinanggalingan niyang gulo na 'yan, nagtataka na nga ako."

ON ASSOCIATION WITH CLAUDINE

Nakilala naman daw ng negosyante si Claudine sa pamamagitan din ni Marichi, na inilapit sa kanya ang aktres noong nagkaroon ito ng problema kay Martin Castro.

Si Martin ang isa sa mga malapit na kaibigan ni Raymart Santiago, ang estranged husband ni Claudine, at ni Derek Ramsay, na boyfriend pa ni Angelica Panganiban noong 2010.

Continue reading below ↓

Dating magkaibigan sina Claudine at Angelica, pero nagkasira ang dalawa dahil sa isang malisyosong tsismis.

Pinaratangan ni Claudine si Angelica na siya diumano ang nagkakalat ng balitang may illicit affair sila ni Martin.

Dagdag pa ni Atong, “Si Claudine, dinala sa akin ni Marichi dahil meron silang away ni Martin Castro before.

“Yung wife niya nagkakagulo, magdedemandahan.

“Nagkataon si Martin kasi, anak ng kumpare ko si Pareng Ronnie Castro, yung mayor [ng Balagtas].”

Ayon pa kay Atong, dinala ni Marichi si Claudine sa kanya sa isang casino upang pag-usapan paano malulutas ang gusot nito kay Martin.

Lahad niya, “Dinala sa akin si Claudine. Ilang araw ko rin inayos yun.

“So, ibig sabihin, yung tungkol kay Claudine, nakikita kami ng mga tao.

“Nag-i-interpret lang sila or nag-conclude sila na may relasyon kami.”

Hindi na raw sila nagkita ni Claudine mula noon.

"Never. Nakakasama ko lang siya noon nung tinulungan ko sila nila Martin lang.

Continue reading below ↓

“Yun lang, that was six years ago.

"Natsismis ako, pinagdidikit-dikit nila ngayon,” saad ni Atong.

ON BEING LINKED TO GRETCHEN

Muli namang inulit ni Atong na pure business lamang ang relasyon niya kay Gretchen, na longtime partner ng isa pa niyang kasosyo sa negosyo na si Tonyboy Cojuangco.

Sa pahayag ni Atong noong Linggo ng gabi, October 20, sinabi niyang business partners lamang sila ni Gretchen.

Dagdag pang paliwanag ng negosyante, “Ngayon, nung pumasok ako sa casino, yung family ko 'tsaka sila Tonyboy Cojuangco, sila Gretchen, nagkaroon kami ng mga joint ventures.

"Magkakasosyo kami.”

Nakisosyo raw si Gretchen sa kanyang negosyo sa Okada.

Malapit din daw si Gretchen sa kanyang pamilya at sa kanyang asawang si Iris Ang.

Sabi ni Atong, “Sa Okada sila, sa Okada. May junket ako doon, yung grupo na 'yan meron akong mga junket diyan.

“Nag-invest din sila Gretchen sa negosyo namin, so pati sa sabong nag-invest din si Gretchen, magkakasama kami.

Continue reading below ↓

"So, naging close si Gretchen sa family ko. Naging close siya sa asawa ko sa lahat.”

Sabi pa ni Atong, kung makikita man sila ng mga tao na magkakasama sa mga sabungan o casino, wala raw itong ibang ibig sabihin.

“Kung nakikita man kami ng mga tao na magkakasama, maski sa sabungan o sa casino, yun ang ini-interpret nila, e, conclusion lang nila yun.

"Kini-clear ko lang na kung ano man yung iniisip nila, e, sarili na lang nilang isip nila yun."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Atong Ang on rumored affairs with sisters Claudine and Gretchen Barretto (center) and Nicole Barretto (right): "Unang una, hindi naman kami nagsasama sa mga bahay-bahay. Wala naman kaming mga bahay. May kanya-kanya kaming buhay.”
PHOTO/S: Courtesy: GMA News / @claubarretto on Instagram / Cole Barretto on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results