Marjorie Barretto admits Recom Echiverri is the father of her youngest child

by Erwin Santiago
Oct 22, 2019
Marjorie Barretto on former Caloocan Mayor Recom Echiverri being the father of her youngest child: “Hindi ako perfect... I’m very strong in many ways, pero sa pag-ibig, talagang mahina ako. Ako’y talagang… sorry, I’m not very proud of it. That is the reason why I was not announcing to the public."
PHOTO/S: Screen grab from TV Patrol / YouTube

#TheBarrettoFamilyFeud

Sa unang pagkakataon ay inamin ni Marjorie Barretto, 45, sa publiko na ang ama ng kanyang bunsong anak ay si dating Caloocan City Mayor Recom Echiverri, 64.

Noong February 2018 ay ginulat ni Marjorie ang marami nang ipakilala niya, sa pamamagitan ng Instagram, ang kanyang bunsong anak na si Erich, 7.

Ngunit hindi niya binanggit kung sino ang ama nito.

Bukod kay Erich, ang iba pang mga anak ni Marjorie ay sina Dani, Julia, Claudia, at Leon.

Si Dani ay anak ni Marjorie sa dati nitong boyfriend na si Kier Legaspi.

Sina Julia, Claudia, at Leon naman ay anak ng aktres sa dati nitong asawa na si Dennis Padilla.

Sa exclusive interview sa kanya ni Karen Davila para sa TV Patrol na umere ngayong Martes ng gabi, October 22, sinabi ni Marjorie kung sino ang ama ng kanyang bunsong anak.

“Recom Echiverri is the father of my youngest daughter. That’s all I have to say,” deklara niya.

Continue reading below ↓

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na may asawa’t mga anak si Echiverri, kaya posibleng husgahan siya ng publiko.

Ito raw ang dahilan kung kaya’t sa napakatagal na panahon ay hindi ito inaanunsiyo ni Marjorie.

Saad niya, “Hindi ako perfect, Karen.

“I’m very strong in many ways, pero sa pag-ibig, talagang mahina ako.

“Ako’y talagang… sorry, I’m not very proud of it.

“That is the reason why I was not announcing to the public.

“I wasn’t claiming to be perfect, pero ayoko nang makasakit ng ibang tao pa.

“Maraming masasaktan, e, kung magiging garapal ako, e. That’s the reason why I kept it.”

Dagdag ni Marjorie, “I’m sorry, I’m not perfect.

“Mali po talaga and I fell in love with a married man, pero ito na po yun, e.”

Continue reading below ↓

MOLESTATION CHARGES

Ang pag-aming ito ni Marjorie ay bahagi ng tumitinding away nila ng kanyang mga kapatid na sina Gretchen at Claudine Barretto.

Hinamon ni Gretchen si Marjorie na sabihin kung sino ang ama ng kanyang bunsong anak.

Ito ay bilang sagot ni Gretchen sa pahayag ni Marjorie na isisiwalat niya ang buong katotohanan sa kabila ng nanganganib ang buhay niya at ng kanyang mga anak.

Isa pa sa pasabog ni Gretchen laban kay Marjorie ay magsasampa raw ang bunsong kapatid nilang si Claudine ng molestation charges laban kay Echiverri.

Pahayag ni Marjorie tungkol dito, “This is not new to me.

“Kasi si Gretchen, tuwing gusto niyang mang-torture sa pamilya, she sends people texts, yung pamilya ko, mga sister-in-law ko, she sends texts.

“Nung March pa lang, nagte-threaten na siya niyan. Na, ‘You molested Claudine,’ si Recom nga daw.

“Pati mga anak ko, namolestiya na.

“But you know, Karen, that’s Gretchen’s favorite word.

Continue reading below ↓

“She said my father molested her when she was young.

“Now she’s saying that even my children, who are perfectly okay in their lives, sasabihin niya namolestiya.

“That’s their favorite word, e. Ano nila ‘yan, e, hugot nila.

“I don’t know what fantasy that is.”

May kinalaman daw sa pera kung bakit pinararatangan ni Claudine si Echiverri.

Lahad ni Marjorie, “Sometime before March, Claudine asked financial help from Recom, okay?

“I was against it, because we were really not on good terms with Claudine.

“I said delikado. Delikado to associate with her.

“She’s unstable, she’s… unstable. I will not say more, okay?

“But he said, ‘Pag hindi naman natin tinulungan, baka sa iba pa humingi ng tulong at mapahamak.’

“So, with a heavy heart, I let him. So, tinulungan niya sa Claudine.

Continue reading below ↓

“To our surprise, we never thought it was a set-up, and it was intended to hurt me, harm me, and destroy his person when all along, all he really wanted to do was to help her.

“After that, hindi ko na alam.

“Maybe… I think Mayor Echiverri is perfectly capable, he is a lawyer also, to answer that.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marjorie Barretto on former Caloocan Mayor Recom Echiverri being the father of her youngest child: “Hindi ako perfect... I’m very strong in many ways, pero sa pag-ibig, talagang mahina ako. Ako’y talagang… sorry, I’m not very proud of it. That is the reason why I was not announcing to the public."
PHOTO/S: Screen grab from TV Patrol / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results