Gretchen Barretto speaks up about viral photo with Atong Ang

by Bernie V. Franco
Oct 24, 2019
Gretchen Barretto takes to Instagram to explain photo of her and businessman Atong Ang that circulated on social media.
PHOTO/S: @juansarte on Instagram (Gretchen photo)

#TheBarrettoFamilyFeud

Nagsalita na si Gretchen Barretto, 49, tungkol sa kumakalat na larawan nila ng businessman na si Atong Ang, 62.

Batay sa undated photo, nasa loob ng eroplano ang dalawa na parehong natutulog at magkahawak-kamay.

Nakasandal si Gretchen sa may bandang dibdib ni Atong at makikitang magkahawak ang kanilang mga kamay.

Ni-repost ni Gretchen sa kanyang Instagram Story ang screenshot ng larawang ito na ipinadala raw sa kanya.

Nakasulat sa larawan ang reaksiyon ng aktres.

Caption ni Gretchen (published as is):

“Unaware.

“I crossed s bit over a bit much.

“This photo was sent through direct message

"It is clear i was asleep on a plane ride."

Continue reading below ↓

Maliban dito, ipinost din ni Gretchen ang screenshots ng series of photos nila ni Atong na lumabas sa Twitter.

Sa unang larawan, makikita sila ni Atong na nasa loob ng eroplano habang nakatayo.

Sa sumunod na larawan ay magkaharap sila habang nasa airline lounge.

Sa ikatlong larawan ay makikita silang nakapila sa airline counter.

Sa pang-apat na larawan, may kuha ng dalawang tao na magka-holding hands, pero hindi kita kung sino ang mga ito.

Reaksiyon dito ni Gretchen: "Nothing wrong with these photos.”

Pinatamaan pa niya ang kapatid na si Marjorie, na kasalukuyang kagalit niya.

Ani Gretchen (published as is): “Fully clothed, no naked photos like of ( Marjorie itchie -very”

Continue reading below ↓

May 2013 nang kumalat sa social media ang nude photos ni Marjorie na itinanggi niya noong una, pero pagkalipas ng isang araw ay inako ito ng dating aktres sa ipinadala niyang pahayag sa PEP.ph.

ALLEGED RELATIONSHIP WITH ATONG

Ang mga larawan nina Gretchen at Atong ay lumabas matapos ang rebelasyon ni Nicole Barretto na naging boyfriend niya ang negosyante at inagaw umano ito sa kanya ng kanyang Tita Gretchen.

Si Nicole ay anak ng nakatatandang kapatid ni Gretchen na si Joaquin “JJ” Barretto.

Sa kanyang exclusive interview sa TV Patrol noong October 22, kinatigan ni Marjorie ang pahayag ni Nicole na naging magkasintahan sila ni Atong sa loob ng limang taon.

“That I have personal knowledge of,” ani Marjorie.

Naglabas ng statement si Atong tungkol dito.

Itinanggi niyang nagkaroon sila ng relasyon ni Nicole at nagkomento rin sa isyung may namamagitan sa kanila ni Gretchen.

Nagsalita rin ang negosyante sa pag-uugnay sa kanila ni Claudine, bunsong kapatid nina Gretchen at Marjorie.

Continue reading below ↓

Narito ang bahagi ng naging pahayag ni Atong sa ABS-CBN News tungkol sa isyu:

"Si Gretchen kasosyo ko sa casino at saka sabong. Si Tonyboy Cojuangco, kasama ko rin sa casino.

"May junket ako sa mga casino, si Tony kasosyo ko sa Okada.

"Kung nagkahiwalay kami nila Nicole, walang kinalaman si Gretchen.

"Ang relasyon namin ni Nicole, parang taga asikaso ng mga flights ko and schedule ko noon.

"Iyong relasyon kay Claudine, ako ang nag-ayos nang nagkaproblema sila ng anak ni Mayor Martin Castro—yun lang ang naging relasyon namin.

"Si Nicole, pinag-aral ko 'yan, ang nagtrabaho sa akin yung nanay niya.

"Si Gretchen, malapit siya sa asawa ko."

Si Gretchen ay kasalukuyang nasa San Francisco, North California, U.S.A. para bisitahin si Dominique Cojuangco, ang anak nila ng kanyang longtime partner, ang business tycoon na si Antonio “Tonyboy” Cojuangco.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gretchen Barretto takes to Instagram to explain photo of her and businessman Atong Ang that circulated on social media.
PHOTO/S: @juansarte on Instagram (Gretchen photo)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results