Michelle Dee admits pressure in her bid for Miss World 2019 crown

by Rommel Gonzales
Oct 24, 2019
Michelle Dee on competing for the Miss World 2019 in London, England: “I guess the most pressure lang po is to be able to deliver my message of beauty with a purpose."
PHOTO/S: Instagram

Excited si Michelle Dee sa paglaban niya sa Miss World 2019 na gaganapin sa December 14 sa London, England.

Pero kabado rin daw siya.

“I guess the most pressure lang po is to be able to deliver my message of beauty with a purpose," pahayag ni Michelle nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng Cara X Jagger nitong October 23, Miyerkules, sa La Chandelle Events Place sa Quezon City.

“Kasi, iyon yung pinakamalaking parte ng Miss World. So, doon talaga ako nagpo-focus.

"Pero there are also other aspects, like my pasarela [walk], my walk training and just everything in between.

“Kasi siyempre, pagdating sa pasarela, doon na yung comparison with my family.”

Dalawa ang beauty queens sa pamilya ni Michelle: ang ina niyang si Melanie Marquez na Miss International 1979, at ang pinsan niyang si Winwyn Marquez na kinoronahan bilang Reina Hispanoamericana noong 2017.

Maayos ba ang passport niya?

Continue reading below ↓

“Yes po!” mabilis na tugon ng dalaga.

MICHELLE ON SAMANTHA LO

Alam ng publiko ang eskandalong kinasangkutan ni Samantha Lo at ang isyu ng fake passport ng ating kandidata sa Miss Grand International 2019 sa Caracas, Venezuela.

Ano ang masasabi ni Michelle sa nangyari kay Samantha?

“Well, I feel bad for her. Na kailangan niya pagdaanan yun.

“I’m just happy na nakarating siya roon and now she’s representing our country very well.

“I feel like the organization did a good job in protecting her, making sure she gets what she needs and naalagaan din naman po siya doon sa bansa na pinuntahan niya.”

Hindi pa raw niya nakikita at nakakausap si Samantha matapos pumutok ang isyu.

G! LU FAILS TO MAKE THE CUT

Nalungkot naman si Michelle nang mabalitaang ligwak sa 45th Metro Manila Film Festival ang pelikulang G! LU (Go! La Union), kung saan isa siya sa leading ladies.

Continue reading below ↓

“Kasi, ine-expect ko nga pong lumabas siya,” sambit ni Michelle.

“I don’t know the reason behind that, pero iyon, na-sad ako kasi gusto ko siya talagang lumabas and ayun.

“Patience na lang.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michelle Dee on competing for the Miss World 2019 in London, England: “I guess the most pressure lang po is to be able to deliver my message of beauty with a purpose."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results