Atong Ang reacts to viral holding-hands-while-sleeping photo with Gretchen Barretto

by Jojo Gabinete
Oct 24, 2019
Businessman Atong Ang explains viral photo with Gretchen Barretto: "'Yan yung time na sabi ko... G ang tawag ko sa kanya. Sabi ko, 'G, tutulog na lang muna ako,' kaya ginanoon ko yung kamay niya. 'Tutulog muna ako.' Siguro stewardess yung kumuha ng picture."
PHOTO/S: Twitter / Screen grab from TV Patrol

#TheBarrettoFamilyFeud

Nagsalita na ang businessman na si Charlie "Atong" Ang tungkol sa litrato nila ni Gretchen Barretto habang natutulog at magka-holding hands sa loob ng eroplano.

"Ito kasi ang rules nila Tony sa family nila," pagtukoy ni Atong sa longtime partner ni Gretchen na si Tonyboy Cojuangco.

"Sabay silang nagta-travel, pero magkahiwalay lagi ng eroplano, kasi iisa ang anak nila.

"Baka madisgrasya… baka may mangyari sa isa kaya laging hiwalay.

"Si Gretchen is very close sa akin, parang kapatid ko talaga ‘yan.

"Kuwento nang kuwento, inaantok na ako. Ang daming sinasabi kasi makuwento talaga ‘yan, e.

“'Yan yung time na sabi ko... G ang tawag ko sa kanya.

"Sabi ko, 'G, tutulog na lang muna ako,' kaya ginanoon ko yung kamay niya. 'Tutulog muna ako.'

"Siguro stewardess yung kumuha ng picture."

"Hindi ko itinatanggi yun," pagtukoy niya sa larawan nila ni Gretchen.

“May mga lumalabas din sa social media na magka-holding hands kayo," sundot na tanong ni Noli de Castro sa exclusive interview niya kay Atong na umere sa TV Patrol ngayong Huwebes ng gabi, October 24.

Continue reading below ↓

Paliwanag ng negosyante, "Minsan siguro magkakasama kami, kasama naman lahat.

"Siguro bihirang-bihira ‘yan kung naglalakad.

"Gentleman tayo, tatawid tayo, maglalakad tayo, alangan naman hindi mo hawakan ang isang tao, maski yung kasama niya.

"Ang anak ko nga, lagi kong kaakbay, e."

BUSINESS PARTNERS

Nanindigan si Atong na business partners lamang sila ni Gretchen, kaya wala raw katotohanan ang paratang ni Marjorie Barretto na may relasyon sila.

Madalas daw silang kumakain sa labas at bumibiyahe sa abroad, kasama si Tonyboy.

"Unang-una, walang agawan dahil hindi naman kami ni Gretchen," depensa ni Atong sa akusasyon na inagaw siya ni Gretchen mula sa pamangkin nitong si Nicole Barretto.

"Nakikita ng tao na kumakain kami sa labas nila Tony. Sama-sama naman kami.

"Nagta-travel kami sa abroad kasi mahilig nga akong kumain, ganoon lang.

"Ngayon, kung ang tingin nila, kung sinasabi nila, kapareho ni Marjorie na tingin din ni Nicole na girlfriend ko si Gretchen, e, konklusyon lang nila yun," paglilinaw ni Atong.

Continue reading below ↓

Tanong ni Noli: "Kayo ba’y lumalakad dalawa lang ni Gretchen, nag-a-abroad?”

Sagot ni Atong: "Lagi kaming marami. Kasama lahat."

WHO IS NICOLE, CLAUDINE, GRETCHEN IN THE LIFE OF ATONG ANG?

Inulit ni Noli kay Atong ang tanong kung naging girlfriend niya si Nicole.

Sagot niya, "Basta sinabi niyang naging boyfriend niya ako, e, sinasabi ko nga, hindi ako puwedeng magsalita ng oo saka hindi.

"As is na lang siya, kasi hindi maganda sa side ko na ako pa ang magsasalita."

Si Claudine?

"Si Claudine, hindi. Yun lang yun," tanggi ni Atong.

Si Gretchen?

"Si Gretchen, hindi talaga," diin ng negosyante.

Ano ang reaksiyon ni Tonyboy?

"Wala!" bulalas ni Atong.

"Alam naman niya lahat ng nangyayari. Alam niya lahat, e.

"Nagkikita kami, nagpupunta ako sa bahay niya. Kumakain kami lagi sa labas."

Ni isa dun sa mga Barretto, wala siyang naging karelasyon?

"Basta idine-deny ko si Claudine saka si Gretchen."

Continue reading below ↓

E, si Nicole?

Pag-iwas ni Atong, "May anak na siya saka boyfriend. May asawa na ‘yan.

"Ayokong magsalita nang ganyan.

"Ang alam ko, maayos yung boyfriend niya, so nirerespeto ko yung relationship niya ngayon.

"Kasi five years actually na hindi ko nakikita si Nicole.

"Nakita ko nga siya sa patay na lang."

Ang tinutukoy ni Atong ay ang burol ng ama ni Gretchen at lolo ni Nicole na si Miguel Barretto sa Heritage Memorial Park noong October 16.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Businessman Atong Ang explains viral photo with Gretchen Barretto: "'Yan yung time na sabi ko... G ang tawag ko sa kanya. Sabi ko, 'G, tutulog na lang muna ako,' kaya ginanoon ko yung kamay niya. 'Tutulog muna ako.' Siguro stewardess yung kumuha ng picture."
PHOTO/S: Twitter / Screen grab from TV Patrol
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results