Alexa Ilacad accuses Nash Aguas of spreading false rumors about her

by Gorgy Rula
Oct 25, 2019
Alexa Ilacad to former loveteam partner Nash Aguas: “Ang kapal ng mukha mo to talk about that ‘thirteen years thing,’ pero ikaw naman ang may kasalanan."
PHOTO/S: Noel Orsal

Inilabas ni Alexa Ilacad, 19, ang lahat ng kinikimkim niyang sama ng loob laban sa dating ka-love team na si Nash Aguas, 19.

Sa presscon ng pinagbibidahan niyang pelikula na Santigwar, na ginanap sa Max’s Restaurant sa Quezon Avenue, Quezon City, kahapon, October 24, nakarating kay Alexa ang balitang nag-trending siya dahil sa kanyang interview sa Tonight With Boy Abunda (TWBA) ng ABS-CBN.

Naungkat sa panayam na iyon ang tungkol sa kanila ni Nash, at sinabi ni Alexa na gusto na niyang ilabas ang sarili sa relasyon ng binata at ng girlfriend nitong si Mika dela Cruz, 18.

Napaisip daw si Alexa sa Instagram post ni Nash kung saan sinabihan nito si Mika ng “Thirteen years and I still love you.”

Sa 13 years daw kasing iyon ay nandun siya, at nagkaroon sila ng mutual understanding ni Nash.

Bahagi ng pahayag ni Alexa sa TWBA: “It was okay. It was fine with me.

Continue reading below ↓

“Kasi, Goin’ Bulilit, they were together, puppy love, they were the first ones.

“After that, LUV U, saka lang naman ako pumasok in the middle of that…

“Napaisip ako when I read that ‘thirteen years thing’ na… kasi inside that thirteen years, I was there.

“So, when you say na ‘thirteen years and I still love you,’ where was I?

“Maybe that or I cared, but I said to myself, ‘Hmmm, not worth your time, move on.’”

NEGATIVE REACTION

Dahil sa kanyang pahayag na iyon, nakatikim ng matinding pamba-bash si Alexa mula sa netizens na pinaniniwalaang fans nina Nash at Mika.

Nagulat nga siya sa presscon ng Santigwar kahapon nang sabihin sa kanyang nag-trending siya sa Twitter.

Kaya binigyan ng pagkakataon si Alexa ng entertainment press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na ipaliwanag kung ano talaga ang nangyari sa kanila ni Nash.

Continue reading below ↓

Saad ng Kapamilya young actress, “When I saw I was trending, it was because his camp or his fans were bashing me and were trying to spread rumors about me.

“The same rumors that they have been spreading all these years since, I think, 2017.

“Na parang sinasabi na, I have no right to talk about ‘thirteen years thing’ and all of that, because ako naman daw ang nanloko.

“That accusation was so funny, kasi ang tagal na nilang sinasabi na nanloko daw ako and all that, but where’s the proof?

“I dare them. Show me. Show me what you have against me.

“Hindi yung puro salita kasi… salita kayo nang salita, wala naman kayong mapakita.

“Sinabi ko nga, wala naman kasi talaga.”

Dito na binalikan ni Alexa ang ilang pangyayari sa kanilang relasyon ni Nash, kung saan napagtanto raw niyang hindi talaga puwedeng ituloy ang kanilang relasyon.

Continue reading below ↓

Lahad ng dalaga, “These all happened when I was… these all started before when I was starting in the music industry.

“I think, that was late 2016 or early 2017, something like that.

“Nash and I were still good.

"And since I was joining this new world of music, I was opening to new things, new experiences, new people, I was gaining new friends who are now my super best friends.

“And during that time, Nash became very jealous.

“He became very controlling.

"Especially, because he wanted me to be his girlfriend na, but I couldn’t say yes.

“I think that created insecurities? Insecurities of him, and it became so, so toxic na sabi ko, ayoko na.

“Parang he was making choose na ‘me or your music…’ And he was saying na he was supportive.

“So, sabi ko, ‘Ayoko ng ganito. Why would you make me choose?’

Continue reading below ↓

“When I perform, there are times na he’d make me feel na he’s not supportive, when he would turn around and all, like that.

“This is it where all started.”

ALEXA: IT ALL CAME FROM NASH

Diretsahan ding sinabi ni Alexa na ang lahat ng ibinibintang sa kanya, na ginagamit na pamba-bash sa kanya ng fans, ay galing daw kay Nash.

“So funny kasi, if you think about it, where would the fans get the idea na nanlalaki ako?

“Someone fed it to them, and who would that someone be, if not Nash?

“If you said you love me, would you do that to someone you love?” himutok ni Alexa.

Patuloy niya, “Sabi ko, what is happening? I was so surprised to all of these.

“Panay ang sabi nila, ‘Nanloloko ka, nanlalaki ka!’

“Wala nga akong dyowa, e. Asan? Sige, asan yung nanlalaki ako?

Continue reading below ↓

“I just say it right now, I’m keeping it inside, but I’m not comfortable speaking about it, but…

“Naghiwalay kami nang maayos, na it’s not working anymore.

“Wala nang mangyayari na di maganda rito.

“I didn’t wanna… hindi ko siya sinagot.

“Hindi ko kaya na ipagpatuloy ‘to.

“There’s no trust anymore… just the fact na nalaman ko when I went to ABS, sabi ng make-up artist sa akin, ‘Bes, sabi ni Nash na nanlalaki ka raw.’

“Sabi ko, So, ipinagkakalat niya yung assumptions niya.’

“It was purely assumptions… just because I was starting have new friends, and maybe I didn’t have much time for him as I did before…

“Na kaya hindi ko siya masagot, kasi ang theory niya before, ‘kasi may lalaki ka,’ which is unfair.

Continue reading below ↓

“That’s what the fans are blackmailing me ngayon, na ‘hindi mo maamin na nanlalaki ka, ganyan ganyan.’"

Buwelta pa ni Alexa kay Nash: “Ang kapal ng mukha mo to talk about that ‘thirteen years thing,’ pero ikaw naman ang may kasalanan.

“So, ano yung kasalanan ko?

“Please show me the proof you have before you talk about anything. Because I’m confident na there is nothing.

“Wala naman talaga silang malalabas talaga kahit ano pang gawin nila.”

Hindi raw nagawang kumprontahin noon ni Alexa si Nash tungkol dito dahil ayaw na raw sana niya ng gulo.

Aniya, “He would go to my house before with his mom, but I don’t really like confrontation and I can’t stand fighting.”

IT’S NOT ABOUT MIKA

Nilinaw ni Alexa na walang kinalaman sa isyung ito si Mika.

Continue reading below ↓

As much as possible, ayon kay Alexa, ayaw na sana niyang magsalita tungkol dito dahil baka may madamay pa raw na ibang tao.

“I just wanna clear din na… when I said what I did, I wasn’t insinuating na he was a cheater, na Mika was a third party.

“There’s nothing like that.

“It was purely our… just the two of us… our mutual decision.

“No third party or whatever,” diin niya.

Ito rin daw ang isa sa mga dahilan na, hangga’t maaari, ayaw niyang magka-boyfriend ng taga-showbiz.

“I’m traumatized… as much as possible,” bulalas ni Alexa.

Kaya hindi rin daw totoo ang tungkol sa kanila ni Joshua Garcia na kasama niya sa The Killer Bride.

“Yung kay Joshua naman, wala naman po kaming problem. We’re okay.

“I think, yung sa isyu po ni Joshua na parang nili-link kami together, na may secret relationship.

Continue reading below ↓

“Pero hindi naman po siya away or anything na negative, and okay lang po kami ni Joshua.

“Tinatawanan lang po namin yung mga ganung assumptions ng mga tao, and it’s not really something that bothers me or anything,” pahayag ni Alexa.

Sa October 30 na ang showing ng Santigwar, at inaasahan ni Alexa na hindi makaapekto sa pelikula ang isyung ito at ang mga bashing laban sa kanya.

“I’m sure kahit may sumubok na sirain yung blessing na ‘to, sabi nga, ‘you cannot put a good man down.’

“I think, at the end of the day, magiging okay pa rin.

“And I’m continuously praying and holding on to my faith na it will be good,” pagtatapos ni Alexa.

Bukas ang PEP.ph sa panig ni Nash Aguas kaugnay ng mga pahayag ni Alexa Ilacad.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alexa Ilacad to former loveteam partner Nash Aguas: “Ang kapal ng mukha mo to talk about that ‘thirteen years thing,’ pero ikaw naman ang may kasalanan."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results