Alex Diaz not filing complaint against fitness coach who outed him

by Arniel C. Serato
Oct 25, 2019
Alex Diaz grateful for the huge support he's getting after coming out: "International publications from all over the world have picked up the story and im getting messages and stories from all over the world."
PHOTO/S: Courtesy: @alexandermcdizz on Instagram / Alex Diaz on Facebook

Hindi magsasampa ng reklamo ang actor-VJ na si Alex Diaz laban sa fitness coach na si Miguel Lagman Chanco.

Si Miguel ang nagbuko sa social media na nag-direct message si Alex sa kanya nang dalawang beses tungkol sa "indecent proposal."

Pagkaraan ng isang linggo, binasag ni Alex ang kanyang pananahimik at, indirectly, umamin itong isa siyang bisexual.

Sa Instagram post ni Alex nitong Huwebes ng gabi, October 24, may isang netizen ang umengganyo sa kanyang magsampa ng reklamo laban kay Miguel.

"Cyberbullying" daw kasi ang ginawa ng fitness coach laban sa kanya.

Ayon kay @pogiyuprans (published as is): “If i wer u magssampa ko ng kaso... cyberbullying un... tsaka wala ka nmn sinabi directly sa kanya eh... he should learn his lesson too...”

Tugon dito ng 25-year-old Star Magic artist (published as is): “@pogiyuprans my friend @d_laurel told me that hurt people hurt people.

"Im sure hes going through his own struggles. but thanks for the support my friend”

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy na "@d_laurel" ni Alex ay ang aktres na si Denise Laurel.

Nagkomento ang netizen sa post ni Alex na naglalaman ng pasasalamat sa mga taong hindi siya iniwan kahit nabulgar na sa publiko na miyembro siya LGBTQIA community.

Sa nasabing post, sinabi ni Alex na magtatrabaho pa rin siya paminsan-minsan dahil may mga brand pa ring nagtitiwala sa kanya.

Continue reading below ↓

Gagamitin din daw niya ang social media para ipalaganap ang mga isyu tungkol sa LGBTQIA community.

Isa sa mga emoji na ginamit ni Alex sa kanyang post ay ang seedling—na tila pagpapahiwatig na isa siyang papasibol na halaman sa bagong mundong ginagalawan.

Caption pa ng ex-MYX VJ host (published as is): “whats up everyone.

"just wanted to post a short message.

"Im still going to take some time off but I’m so fortunate to still he working with brands

"I believe in and who believe in whats happening and in the bigger picture of all of this.

"so just wanted to tell you guys that I’m not finished, i will continue to use this platform to spread awareness, visibility and understand on issues that matter.

"International publications from all over the world have picked up the story and im getting messages and stories from all over the world.

Continue reading below ↓

"and i promise. I refresh them and read all of them. you are valid.

"but for now, trabaho muna tayo (I gotta continue working, gotta get that bread) Have a great day all.

"ps. sorry bout the spelling on the IGS, I was typing fast out of excitement."

Continue reading below ↓

JOEY MEAD KING WELCOMES ALEX TO LGBTQIA COMMUNITY

Maraming supporters at kaibigan si Alex ang nagkomento ng heart emojis sa post niyang ito.

Naghayag din sila ng suporta sa binata sa bagong kabanata ng kanyang buhay.

Continue reading below ↓

Ang kilalang event host na si Joey Mead King ay wini-welcome pa siya sa kanilang komunidad.

Ani Joey, “High Five! Welcome to the LGBTQIA+ community.”

Ang asawa ni Joey na si Ian King ay umamin noong July 2016 na isa siyang transwoman, at mula noon ginamit na niya ang pangalang Angelina Mead King.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alex Diaz grateful for the huge support he's getting after coming out: "International publications from all over the world have picked up the story and im getting messages and stories from all over the world."
PHOTO/S: Courtesy: @alexandermcdizz on Instagram / Alex Diaz on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results