Liza Soberano, Enrique Gil celebrate anniversary

by Arniel C. Serato
Oct 25, 2019
Enrique Gil to Liza Soberano on their anniversary: "Thank you for always making me smile baby i love you so much."
PHOTO/S: Paolo Pineda for YES! Magazine

Nagdiwang ng kanilang anibersaryo ang magkasintahang Enrique Gil, 27, at Liza Soberano, 21, nitong Huwebes, October 24.

Base sa kanilang fans na LizQuen kung tawagin, ika-limang anibersaryo na raw ito ng magkarelasyong Kapamilya stars.

Pero base sa mga ulat, 2016 lamang naging pormal ang relasyon nina Enrique at Liza—ang taon kung saan nagdiwang ang aktres ng kanyang ika-18 kaarawan.

Continue reading below ↓

Ibig sabihin, nasa legal age na si Liza.

Pero nito lang Pebrero 2019 sila umamin na dalawang taon na ang kanilang relasyon.

Sa kanilang Instagram, nagbahagi si Liza ng video at larawan nila ng nobyo.

Nakalagay sa caption: “This is to us. I love you always and forever.”

Labis naman itong kinakiligan ng kanilang mga tagahanga pati na ang mga kaibigang artista ni Liza.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Sa kanyang panig naman, nag-post si Enrique ng larawan ni Liza na kuha sa kanilang selebrasyon.

Caption niya: “My Always and forever. Happy anniversary (heart emoji).

"Thank you for always making me smile baby i love you so much (three kissing face emojis).”

Masaya naman ang mga tagasuporta ng dalawa sa mensahe ni Enrique.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

THE LIZQUEN LOVE STORY

Unang nagkatrabaho sina Enrique at Liza noong 2013 para sa pelikulang She's The One, kasama ang kapwa nila Kapamilya star na si Bea Alonzo at ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes.

Noong 2014, nagkasama muli ang dalawa para sa kanilang unang pinagtambalang teleserye, ang Forevermore.

Sa mga sumunod na taon, umamin ang dalawa na espesyal sa kanila ang isa't isa.

Ngunit ayon kay Enrique, hihintayin niyang tumuntong sa legal na edad si Liza para pormal niya itong maligawan.

January 4, 2016 nag-celebrate ng kanyang debut si Liza.

Katulad ng mga normal na relasyon, nagkaroon din ng mga bali-balitang nagkakalabuan ang dalawa.

Nito lamang June 2019, napabalitang naghiwalay na daw sina Enrique at Liza.

Ngunit kaagad itong pinabulaanan ng aktres.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Enrique Gil to Liza Soberano on their anniversary: "Thank you for always making me smile baby i love you so much."
PHOTO/S: Paolo Pineda for YES! Magazine
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results