Amy Perez rushed to hospital for food poisoning

by Bernie V. Franco
Oct 25, 2019
Amy Perez is the second It's Showtime host to have suffered from poisoning. Her co-host Vice Ganda suffered from the same illness this week.
PHOTO/S: Noel Orsal / @amypcastillo on Instagram

Gaya ni Vice Ganda, naging biktima rin ng food poisoning ang kanyang co-host sa It's Showtime na si Amy Perez.

Base sa kanyang social media posts, isinugod si Amy sa ospital noong Miyerkules ng umaga, October 23.

“Wednesday morning i was rushed to the hospital due to vomiting and acute diarrhea.

"Still need to rest and recover. Thanks for all your prayers and support,” tweet ng 50-year-old TV host nitong Huwebes, October 24.

Continue reading below ↓

Ngayong Biyernes, October 25, muling nag-tweet si Amy hinggil sa kanyang estado at bigyang linaw ang ilang detalye tungkol sa kanyang pagkakaospital.

Aniya, “The Yoga routine i did last tuesday is not the reason why na hospital po ako.

“Dat is my reg exercise kasabay ng Pilates which is good 4 my back.

“Last Tues.after our performance may nakain po ako that caused d vomitting & diarrhea kaya dinala ako sa hosp.”

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy na performance ni Amy ay ang presentation ng kanyang grupo para sa "Magpasikat" segment noong Martes, October 22, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 10th anniversary ng ABS-CBN noontime show.

Sunud-sunod din ang posts ni Amy sa Instagram Story bilang pagbibigay-update sa kanyang kalagayan.

Sa isang larawan, makikita ang kanyang kamay na may nakakabit na dextrose.

Caption niya: Worst diarrhea I’ve ever had”

Continue reading below ↓

Sumunod naman dito ay larawan ng medical devices na mino-monitor ang kanyang kalagayan.

“Need to be hydrated,” caption niya.

Sa isa pang post ay makikita ang holding hands nila ng asawang si Carlo Castillo, na pinasalamatan ni Amy.

Continue reading below ↓

Isang araw matapos mag-post ni Vice tungkol sa kanyang food poisoning ay nakapasok na siya sa It’s Showtime kinabukasan, samantalang ngayong Biyernes ay absent pa rin sa noontime show si Amy.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Amy Perez is the second It's Showtime host to have suffered from poisoning. Her co-host Vice Ganda suffered from the same illness this week.
PHOTO/S: Noel Orsal / @amypcastillo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results