Boy Abunda not surprised by clash of Barretto sisters; wishes for their reconciliation

by Rey Pumaloy
Oct 25, 2019
Boy Abunda on Barretto sisters ongoing feud: "Alalahanin niyo lang na ang pinanggalingan nito, lalo na si Marjorie at si Gretchen, they’re coming from a relationship of love... I may not be making sense, but one day, I hope they find it in their hearts that they just love each other."
PHOTO/S: Jet Hitosis / Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Nagbigay ng reaksiyon at opinyon ang veteran talk show host na si Boy Abunda kaugnay ng lumalalang sigalot sa pagitan ng Barretto sisters.

Nagsimulang sumiklab ang away ng mga Barretto sa burol ng kanilang ama na si Miguel Barretto noong nakaraang linggo.

Malapit na kaibigan ni Boy si Gretchen Barretto.

Naging co-hosts sila sa dating GMA-7 talk show na Show & Tell (1994-1995).

Pagpapatunay pa ni Boy, “She’s one of my best friends.

“Though I haven’t seen her in years, she’ll always be an important part of my life.

“She will always be important to me and always be a part of my life.”

Nalulungkot daw si Boy sa nangyayaring gulo ngayon sa magkakapatid na Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto.

“Nalulungkot ako, nalulungkot talaga ako,” sambit niya.

“And Marjorie is also a friend.

“Hindi man kami nagsama katulad ng pagsasama namin ni Gretchen, but I’m really hoping…

Continue reading below ↓

“Ito ang alalahanin natin, dahil wala rin naman akong alam na hindi niyo alam, what I know is what you know…

"Ang alam ko lang ay nababasa at naririnig ko.

“Alalahanin niyo lang na ang pinanggalingan nito, lalo na si Marjorie at si Gretchen, they’re coming from a relationship of love.

“They were so close to each other sa mga magkakapatid. It’s coming from there.

“So, pag sinabi kong ako ay umaasa that one day they will find it in their hearts…

“I may not be making sense, but one day, I hope they find it in their hearts that they just love each other.

“Yun ang aking wish.”

Gaya ng ibang mga malalapit kina Gretchen at Marjorie, hindi rin masabi ni Boy kung kailan matatapos ang sigalot ng magkapatid at kung magkakapatawaran pa ang mga ito.

Continue reading below ↓

Aniya, “Sometimes, it takes two years for others, ten years for others. Sometimes, it’s a lifetime.

“But you will not take it away from me to pray and hope na maayos.

“Kasi ang pinanggalingan nila is sobrang pagmamahal nila sa isa’t isa.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Boy sa launch ng pinakabagong reality talent search ng ABS-CBN, ang Your Moment, na ginanap sa Dolphy Theater sa ABS-CBN compound nong October 21, Lunes.

Isa si Boy sa hurado ng show kasama sina Nadine Lustre at Billy Joe Crawford. Hosts ng programa sina Luis Manzano at Vhong Navarro.

FRIENDSHIP WITH GRETCHEN

Ayon kay Boy, taon na ang bibilangin mula nang huli silang magkausap ni Gretchen.

“Ay, matagal na, as in years and years and years. I haven’t spoken to her lengthily.

“The last time that she was really in touch with me was six years ago or five… when I got sick. When she used to come to the hospital.

Continue reading below ↓

“Kahit hindi kami nagkikita, [she] prepared food for me, etc. etc.

“May mga hindi nagbabago kahit kami nagkikita. And one of them is friendship.”

Sa pagkakakilala ni Boy kay Gretchen at sa mga kapatid nito, lagi itong may opinyon.

“She has always had an opinion, as all of them have opinions.

"These are very strong girls.

“I wish I know more,” na ang tinutukoy ay ang pinag-ugatan ng away ng magkakapatid.

Sabi pa ni Boy, “Ang talagang prayer ko, when I was watching all these things on social media, sana maayos.”

Pero hindi na raw nagulat si Boy sa matinding away na namamagitan sa Barretto sisters.

Saad niya, “The Barretto sisters are strong.

“They’re very beautiful, they’re highly opinionated. They’re very, very strong.

“I’m not surprised, eto, with the clashes.

“Pero ako, ang pinanghahawakan ko, nagmahalan nang todo ‘yan. Hindi ko binibitawan ‘yan.

Continue reading below ↓

“When I first heard the news, hindi ko binibitawan yun.”

BUROL SERYE

Binabatikos ang mga Barretto, partikular na sina Gretchen at Claudine, dahil sa pagu-post nila ng video sa Instagram ng mga kaganapan sa lamay ng kanilang ama at iba pang anggulo sa away nilang magkakapatid.

Reaksiyon dito ni Boy, “It’s now a tool, e, not just Gretchen, everybody… but all of us.

“Ako, I’m stalker, I’m a professional troll, but I go to social media.

“Ako, ang pananaw ko sa social media, I will not make friends by social media.

“I’m an old soul. I will still go… I like touching. I like making friends. I like knowing.

“I will only use the internet in terms of research and the things that are relevant.

“Pero yung pamamaraan sa buhay na kinakailangang personal, hindi ko babaguhin.”

Continue reading below ↓

Para sa lahat ang mensahe ni Boy sa gulo ng Barretto sisters at sa mga nakasubaybay sa sinasabing “burol serye.”

Pahayag niya, “Sa lahat, let’s take a few steps backward and be kind.

“Hindi ko sinisisi ang nagri-react. Iba-iba tayo.

“It has now become part of our lives—the power to say anything, the power to do anything.

“Pero huwag nating kalimutan na we have the power to be kind, not just to other people, but to ourselves.”

Kung makakausap ni Boy sina Gretchen at Marjorie, ano ang sasabihin niya sa magkapatid?

Ayon sa veteran TV host, “Trust in the Divine. Surrender certain things to Him, to know what is right, and that’s enough.

“Di ba, sa buhay natin, in difficult situation like that, take a few steps backward.

“Be still, quiet, and know that someone up there knows what’s best for all of us.

Continue reading below ↓

“Kasi hindi mo puwedeng palalain ito, e.

“Ako, naniniwala ako na with love, nothing is impossible.”

Sa pakiramdam ni Boy ay may pagmamahal pa rin sina Marjorie at Gretchen sa isa’t isa.

“Suspetsa ko, kaya ganun na lang ang disagreement.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boy Abunda on Barretto sisters ongoing feud: "Alalahanin niyo lang na ang pinanggalingan nito, lalo na si Marjorie at si Gretchen, they’re coming from a relationship of love... I may not be making sense, but one day, I hope they find it in their hearts that they just love each other."
PHOTO/S: Jet Hitosis / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results