Lovi Poe, Joem Bascon say getting married is not about social media, societal pressures

by Jet Hitosis
Oct 25, 2019
The Annulment stars Lovi Poe and Joem Bascon believe that a person's decision to marry should be influenced by social media and societal pressures.
PHOTO/S: Jet Hitosis

Hindi tamang nakadepende sa dikta ng social media at ng ibang tao ang desisyon ng pagpapakasal.

Ito ang paninindigan nina Lovi Poe at Joem Bascon, ang mga bida sa pelikulang The Annulment, mula sa Regal Entertainment, Inc.

Ayon kay Lovi, 30, wala sa edad ang pagpapakasal, dahil hindi naman dito nakadepende ang “right choice” ng isang tao sa pagpili ng nais makasama habambuhay.

“Marriage is only an option for me when you find the right person for you,” ani Lovi.

“I wouldn’t wanna get married just because the society tells me to.”

Paliwanag ng aktres, “At the end of the day, you’re the one in a relationship, and you’re the one who’s gonna be living that life with that other person.

“You have to make the right choice before committing yourself to someone, not just because you’re of age.

Continue reading below ↓

“You can get married any time you want,” dagdag niya.

NO MARRIAGE PLANS FOR LOVI… FOR NOW

Ang Los Angeles-based na British medical scientist at movie producer na si Monty Blencowe ang boyfriend ngayon ni Lovi.

Pero sa interview kay Lovi ng entertainment reporters sa grand media launch ng The Annulment sa Quezon City nitong Miyerkules, October 23, sinabi ng aktres na hindi pa niya nakikita ang sarili na nagpapakasal sa ngayon.

Aniya, “I’m just enjoying what we have now, and everything is good.

“I just wanna enjoy that.”

Bukod sa “too soon” pa para malaman kung sa kasalan nga matutuloy ang relasyon niya kay Monty, sinabi ni Lovi na “there’s so much things that I wanna do as an individual,” kaya hindi pa niya iniisip ang pag-aasawa.

Giit naman ni Joem, hindi dapat nagpapa-pressure ang sinuman, kabilang na ang mga tulad niyang celebrities, sa social media pagdating sa wedding proposals at sa mismong pagpapakasal.

Continue reading below ↓

THE PRESSURE OF SOCIAL MEDIA

Ayon kay Joem, dapat na magpakasal ang tao, “When you find the right person, in spite of age, in spite of time.

“Hindi mo naman masasabi yun, mararamdaman mo lang naman talaga yun.

“Tama naman ang lahat ng panahon para magpakasal.”

Limang taon nang ka-live in ni Joem, 33, ang YouTube star na si Crisha Uy, 30 anyos.

Aminado ang aktor na nakaka-pressure ang social media para sa marami sa atin.

“Dapat lang talaga hindi ka ma-pressure, especially sa aming mga artista, sa aming mga celebrities,” ani Joem.

“Kasi nagiging platform na ang social media when it comes to… yung mga nagpo-propose, yung mga marriage proposals.

“So, parang nagiging pressure siya for everyone.

"Parang ‘gusto ko ganito, gusto ko maging ganito yung pagpo-propose ko.’

“I think dapat hindi nila iniisip na ganun. Dapat hindi nila ikino-compare yung sarili nila sa mga ganung bagay.

Continue reading below ↓

“Dapat yung sarili mong time, sarili mong diskarte sa buhay, kung ano yung gusto mong gawin when you want to marry,” dagdag pa ni Joem.

January ngayong taon nang sabihin ni Joem sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na desidido siyang pakasalan na si Crisha, kaya naman pinag-iipunan niya itong mabuti.

Samantala, highly relatable ang roles nina Lovi at Joem sa The Annulment, na tatalakay sa realidad ng mga problemang pinagdadaanan ng mag-asawa, hanggang sa dumating sa puntong nais na nilang tapusin legally ang kanilang pagsasama.

Tampok din sa The Annulment sina Laura Lehmann, Myrtle Sarrosa, JC Tiuseco, Dianne Medina, Erika Padilla, Nikka Valencia, Manuel Chua, Nico Antonio, Matt Daclan, Jon Leo, Naya Amore, Johnny Revilla, at Ana Abad Santos.

Sa November 13 ipalalabas sa mga sinehan ang The Annulment, sa direksiyon ni McArthur "Mac" Alejandre.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Annulment stars Lovi Poe and Joem Bascon believe that a person's decision to marry should be influenced by social media and societal pressures.
PHOTO/S: Jet Hitosis
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results