Alexa Ilacad not afraid to face Nash Aguas; reveals involvement of Sharlene San Pedro in their rift

by Rose Garcia
Oct 25, 2019
Alexa Ilacad on speaking up about her issue with Nash Aguas: “It’s been so tiring, it’s been so long. And the fact that they’re still grilling me about it, done, I’ll finish it once and for all. Para tapos na. Kung hindi sila titigil, hindi ko na lang papansinin, bahala sila. I’m done."
PHOTO/S: Mark Atienza

Hindi raw natatakot si Alexa Ilacad sakaling pagharapin sila ni Nash Aguas ng Star Magic, na nangangalaga sa kanilang career, kaugnay ng isyung kinasasangkutan nila.

Mula kasi nang lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang panayam ni Alexa, tungkol sa saloobin niya sa naging relasyon nila ni Nash at relasyon ngayon ng binata kay Mika dela Cruz, ay inulan na siya ng batikos.

Mas lalo pang lumaki ang isyu sa pagitan nila nang isiwalat ng 19-year-old actress na si Nash, 19, diumano ang nagpakalat ng balitang nanlalaki siya kaya naudlot ang kanilang relasyon noon.

“Okay lang, wala naman akong kasalanan, e, so bakit naman ako matatakot?” sagot ni Alexa nang tanungin kung handa siya kung sakaling ipatawag at pagharapin sila ni Nash ng Star Magic.

Paglilinaw ni Alexa, kung siya lang ay ayaw raw niya talaga ng may kaaway.

“Ito ang nag-iisang tinik sa lalamunan ko, kasi ayoko po ng may conflict.

Continue reading below ↓

“Of course, I wish na peace na lang for everyone.

“So, ako, okay lang po.

“Ayoko lang na lumaki yung away namin kasi wala naman ‘to, hindi naman siya big deal.”

Nakausap ng PEP.ph at iba pang reporters si Alexa sa mediacon ng pelikulang Santigwar na ginanap sa Max’s Restaurant, Quezon City, nitong Huwebes, October 24.

RUMOR THAT ALLEGEDLY CAME FROM NASH

Ilang taon din naging magka-love team sina Nash at Alexa bilang NLex.

Ayon sa young actress, hindi sila naging opisyal na magkarelasyon, pero may mutual understanding sila.

Masakit daw para kay Alexa na malamang si Nash ang nagkalat na nanlalaki siya at niloko nito ang binata noong panahong sila pa ang magka-love team.

Pagsisiwalat ni Alexa, “Kaya ako nasaktan kasi hindi lang niya sinabi sa akin, pinagkalat niya.

“Yung make-up artist na ka-close namin, nagulat na lang ako nang sabihin niya na, ‘Totoo ba, bhe, yung sinabi niya na nanlalaki ka raw?’

Continue reading below ↓

“Nalaman ko rin sa assistant director namin.

“Doon ako pinaka-na-hurt. Okay, talagang pinagkalat niya.”

Iyon ba ang dahilan ng falling out o pagkasira ng samahan nila?

“It’s his reason, his assumption,” pakli ni Alexa.

“The reason I don’t want anymore is may lalaki ako. Yun ang pinilit niyang paniwalaan.

“And it’s so hard to tell someone the truth when he already had something stuck in his head, and sure na sure na siya na yun yun.”

Maging buong pamilya raw ni Nash ay pinaniniwalaang nanlalaki si Alexa.

“Just because I’m making new friends, nagkakatuwaan kami.

“Inaaway niya lang naman sa akin, nakikita niya kaming nagko-comment sa isa’t isa sa Facebook.

“And I never tagged the guy, just him, it’s always the whole barkada.”

Kapatid daw ng matalik na kaibigan ni Alexa at miyembro ng banda ang itinuturo ni Nash na naging lalaki diumano niya.

Continue reading below ↓

Pero ayaw na raw niya itong pangalanan at idamay pa sa isyu.

“I don’t wanna name him.

“Ayoko sanang i-drag sila rito, that’s why I never spoke about it dahil hiyang-hiya ako na madamay sila.”

Napag-usapan naman na raw nila ni Nash ang isyung ito noon.

Lahad ni Alexa, “Naalala ko, MYX Music Awards, noong manalo siya because of my song, nag-text pa siya sa akin noon.

“Parang it was a year after we went our separate ways, nag-text pa siya sa akin. Nagte-thank you pa siya and all the stuff, pati ako.

“We said our well wishes to each other.”

Ang tinutukoy ni Alexa na napanalunang award ni Nash sa MYX Music Awards, noong 2017, ay bilang Favorite Guest Appearance In A Music Video para sa music video ni Alexa na “Pakipot Suplado.”

Pagpapatuloy ng young actress, “Okay naman, kaya lang, hindi siya tumitigil talaga.

Continue reading below ↓

“Kasi, palaging may fans na nangba-bash at patuloy na pinagkakalat.

“And I noticed, when I’m doing good, it keeps popping all the time.

“Yun lang, nagugulat ako.”

BULLIED BY SHARLENE SAN PEDRO AND GOIN’ BULILIT CO-STARS?

Sa pagpapatuloy ng panayam ng press kay Alexa, lumabas ang pangalan ni Sharlene San Pedro at iba pang co-stars nila ni Nash sa dating kiddie gag show na Goin’ Bulilit at sa teen-comedy series na LUV U.

Ayon kay Alexa, pinagtulungan daw siya ng mga ito.

“Pati yung tweet sa kanila nila Sharlene before...

"I was so surprised na I woke up one day using my Twitter, and I saw that they were teaming up against me.

“Actually, yung iba naman talaga dun, Goin’ Bulilit pa lang, binu-bully na ako.

“Pero, I was really pinaka-hurt kay Sharlene because I thought we were friends.

Continue reading below ↓

“Nagulat ako one day na, ano ‘to, inaaway nila kami ni Jairus [Aquino], pinagtutulungan nila kami.

“So, sabi ko, ‘Saan ito nagsimula?’

“And then, I found out sa anak ni Direk Bobot [Mortiz] na inutusan daw ni Nash si Sharlene.”

IS ALEXA READY FOR NASH’S ANSWER?

Dahil sa pagsasalita niyang ito sa mediacon ng Santigwar, puwedeng mag-react si Nash.

“Nag-react nga si Mika sa past interview ko, e!” natawang reaksiyon ni Alexa.

Puwede kasing ikasira ni Nash ang ilan sa rebelasyon niya, lalo na’t hindi naman ganun ang pagkakakilala rito, lalo na ng mga tagahanga nila.

Nakahanda ba siyang harapin kung anuman ang maging pambawi o sagot ni Nash sa mga naging pahayag niya?

Tugon ni Alexa, “Well, I don’t really wanna do this, pero hindi sila tumitigil...

“Kanina lang, when they saw kasi that I was ranting about these things, they started to bash me again and again.

Continue reading below ↓

“Ano ang ire-react nila? The reason they’re saying that because that’s what he fed them. So, the root cause still goes to him.

“I don’t understand bakit need ipagkalat ang bagay na hindi naman totoo and, of course, they’re his fans, they will believe him. Idol nila yun, e.

“So, I guess, I didn’t speak up about it for so long, all these years I’ve been feeling guilty about this that I didn’t do, kasi napapaniwala nila sa akin that it’s my fault, everything is my fault.”

Himutok pa niya, “Nanlalaki ako? Hanggang ngayon wala akong dyowa, what’s your proof?

“You keep on trying to pull me down pero, really, hanggang salita lang, e.

“So unless you show me something, which is none.”

Kung itanggi ni Nash na siya ang nagkakalat ng mga paninira sa kanya?

Continue reading below ↓

“That’s so coincidence naman na kung ano ang pinag-awayan namin, yun ang alam ng fans!” natawang sabi ni Alexa.

“It’s only him and his family. Hindi ko naman ‘to nilabas sa iba, nakakahiya.”

Bakit nagsasalita siya ngayon?

“Because I’m so tired,” mabilis na sagot ni Alexa.

“It’s been so tiring, it’s been so long.

“And the fact that they’re still grilling me about it, done, I’ll finish it once and for all. Para tapos na.

“Kung hindi sila titigil, hindi ko na lang papansinin, bahala sila. I’m done.”

Unang pagkakataon ni Alexa na maging bida sa pelikula, sa pamamagitan ng Santigwar na idinirek ni Joven Tan at ipalalabas sa mga sinehan simula sa October 30.

Paano kung sabihin na kaya lang siya nagsasalita ngayon ay para maging maingay at promotion na ng pelikula niya?

Continue reading below ↓

Sagot dito ni Alexa, “The only reason why I talked about it…

“Well, I never spoke about it, kahit nag-start na ang Killer Bride, never, just now, kasi yun ang napag-uusapan at tinatanong ako.

“Pero kung hindi naman po ako natanong, hindi naman ako magsasalita lalo na, yun nga, ang daming dumadamay.

“Pero tini-trigger nila ako.”

Kung sabihan siyang bitter pa rin?

“Oh, my god, no!” natawang reaksiyon ng dalaga.

“You know, I can have a boyfriend if I want to, but I don’t want to.

“It’s my choice not to dive into a relationship.

“I’m not bitter, my gosh, they can live happily ever after, the end.

“Sabi ko nga, I just want to exclude myself, and this is the last time I’m speaking.

“And it’s once and for all, everything out there.”

Continue reading below ↓

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa lahat ng nabanggit sa artikulong ito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alexa Ilacad on speaking up about her issue with Nash Aguas: “It’s been so tiring, it’s been so long. And the fact that they’re still grilling me about it, done, I’ll finish it once and for all. Para tapos na. Kung hindi sila titigil, hindi ko na lang papansinin, bahala sila. I’m done."
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results