Marian Rivera reconciles with former manager Popoy Caritativo

by Rachelle Siazon
Oct 25, 2019
Marian Rivera meets up with former talent manager Popoy Caritativo and posts this sweet message: "Mahal kita mula noon, hanggang ngayon."
PHOTO/S: @marianrivera Instagram

Masayang ibinahagi ni Marian Rivera ang pagkakaayos nila ng dating manager na si Popoy Caritativo.

Sa kanyang Instagram post kagabi, October 25, makikitang magkatabing nakaupo sa sofa ang dalawa at nakangiti sa harap ng camera.

"Happy to see you, my momsie," saad ni Marian patungkol kay Popoy.

"Mahal kita mula noon, hanggang ngayon. @popoycaritativo"

Continue reading below ↓

Nag-post din si Popoy sa sarili niyang Instagram ng litrato kasama si Marian.

Kalakip nito ang caption niyang Bible verse mula sa Isaiah 60:22:

"When the time is right, I, the Lord, will make it happen."

Sabi pa ni Popoy, first time niyang ma-meet ang dalawang anak nina Marian at Dingdong Dantes na sina Zia at Ziggy.

Continue reading below ↓

WHEN THEY PARTED WAYS

Hindi malinaw kung bago ito ay nagkaroon na ng pagkakataong magkrus ang landas nila.

Pero mahigit anim na taon na ang lumipas mula nang kumalas si Marian sa Luminary Talent Management na pag-aari ni Popoy.

Marami ang nagulat sa desisyon ni Marian dahil bago iyon ay walang naiuulat na may hindi pagkakaunawaan ang dalawa.

Continue reading below ↓

Pero sa isang presscon noong April 26, 2013, nagpahiwatig si Marian kung ano ang isyu nila ni Popoy.

"Hindi na nagiging productive yung relationship namin bilang talent manager at kaibigan.

"Isa lang ang sinabi ni Popoy: 'Rerespetuhin ko anuman ang nais mo.'"

Kinumpirma rin ni Marian ang kanyang paglipat noon sa Triple A Talent Management na pinamumunuan ni Tony Tuviera, na siya ring pinuno ng APT Entertainment at TAPE Inc.

Unang nabigyan ng break sa telebisyon si Marian sa mga afternoon soap na iprinodyus ng APT at TAPE Inc. para sa GMA-7: Kung Mamahalin Mo Lang Ako (2005), Agawin Mo Man Ang Lahat (2005), at Pinakamamahal (2006).

Si Popoy naman ay pitong taong naging manager ni Marian bago sila naghiwalay ng landas noong 2013.

HAPPY FOR MARIAN AND POPOY

Ngayong magkaayos na sila, bumuhos ang pagbati mula sa ilang kasamahan nila sa industriya.

Kabilang dito ang kapwa Kapuso stars ni Marian na sina Jennylyn Mercado, Diana Zubiri, at Jerald Napoles.

Continue reading below ↓

Natuwa rin ang Kapamilya actress na si Iza Calzado, GMA Films President Annette Gozon-Valdes, at GMA Corporate at VP for Corporate Affairs and Communications na si Angel Javier-Cruz.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera meets up with former talent manager Popoy Caritativo and posts this sweet message: "Mahal kita mula noon, hanggang ngayon."
PHOTO/S: @marianrivera Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results