Lars Pacheco's boyfriend asks netizens to stop spreading video of nip-slip incident

by Rachelle Siazon
Oct 27, 2019
Miss Q&A 2018 second runner-up Lars Pacheco and her boyfriend Clyde Vivas issue statement about her accidental boob exposure during It's Showtime's live telecast last Friday, October 15.
PHOTO/S: @jai_murcillo / @pachecolars Instagram

Usap-usapan pa rin ang naganap na nip-slip incident sangkot si Lars Pacheco, ang trans woman na unang nakilala bilang Miss Q&A 2018 second runner-up sa sa ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

Noong Biyernes, October 25, naganap ang accidental exposure ng right boob ni Lars sa gitna ng live opening number ng It's Showtime.

Kaugnay nito, umalma ang boyfriend ni Lars na si Clyde Vivas sa netizens na nagpapakalat ng videos at gumagawa pa ng memes tungkol sa insidente.

"Kung nirerespeto at tinitignan nyo pa kame, please wag nyo na ishare ang nakita nyo," saad ni Clyde sa kanyang Facebook post noong October 25.

Dagdag niya (published as is), "Ako napo humihingi ng pabor na kung sino man ang nag upload or napadaan sa timeline nyo, paki report nyo nalang para hindi na lalong kumalat maraming salamat po."

Continue reading below ↓

LARS PACHECO'S STATEMENT

Bago ito ay naghayag na rin ng mensahe si Lars sa kinasangkutang wardobe malfunction.

Pahayag niya (published as is): "PATAWAD PO SA HINDI INAASAHANG PANGYAYARI KANINA.

"HINDI KO PO GINUSTO AT WALA PONG SINUMAN ANG MAY GUSTO SA NANGYARI.

"KUNG MAYROON MAN PONG NA OFFEND SA NANGYARI PAUMANHIN PO. PATAWAD PO.

"GODBLESS EVERYONE."

Continue reading below ↓

NETIZENS' REACTIONS

Sa kabilang banda, bumuhos ang suporta ng ilang netizens na kusang umapela na tigilan na ng iba na gawing katatawanan ang insidente.

Giit pa ng ibang netizens, mali ang mentalidad na okay lang na kumalat sa social media ang nip-slip incident ni Lars dahil "bakla naman" daw ito.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Q&A 2018 second runner-up Lars Pacheco and her boyfriend Clyde Vivas issue statement about her accidental boob exposure during It's Showtime's live telecast last Friday, October 15.
PHOTO/S: @jai_murcillo / @pachecolars Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results