Ruffa Gutierrez on Barretto family feud: "Hindi ako sumasawsaw."

by Arniel C. Serato
Oct 28, 2019
Ruffa Gutierrez on Gretchen Barretto's 'sawsaw pa more' post: "Napaka-peace loving ko. Napakabait ko. So, if ever na merong problema, silang nag-aaway sa akin. Never akong nang-aaway.”
PHOTO/S: Courtesy: Allan Diones / @stylelistinc on Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Labis na ikinagulat ni Ruffa Gutierrez kung bakit biglang ibinaling sa kanya ni Gretchen Barretto ang parunggit nito sa social media, gayong ang kaaway ng huli ay ang sariling kapatid na si Marjorie Barretto at pamangking sina Julia at Nicole Barretto.

“No comment, I have a great, preaceful, and happy life. I told you earlier, di ba, pati ako nagulat,” pahayag ni Ruffa nang tanungin ng entertainment columnist na si Allan Diones tungkol sa isyu.

Bagamat aminado si Ruffa na naging malapit sila ni Gretchen, umiwas na raw siya rito mula pa noong 2008.

Saad niya, “I mean, we’re not best friends anymore, matagal na akong umiwas sa kanya.

“2008 pa since na umiwas ako.

“So I just wanna maintain a peaceful life.”

Ikinagulat ng mga sumusubaybay sa Barretto family feud na biglang nagkomento si Gretchen na “sawsawera” raw si Ruffa dahil lamang sa pagkomento nito ng “fresh” sa selfie post ni Julia.

Continue reading below ↓

Ayon pa nga sa netizens, “harmless” at walang anumang negatibong pakahulugan ang komento ni Ruffa sa post ni Julia.

Nagkasama sina Julia at Ruffa sa isang proyekto noon sa ABS-CBN.

Pahayag ni Ruffa tungkol dito, “I know. Alam mo, wala akong kaaway na artista.

“Napaka-peace loving ko. Napakabait ko.

“So, if ever na merong problema, silang nag-aaway sa akin.

“Never akong nang-aaway.”

Kaya nabigla raw talaga siya nang biglang nadawit sa girian ng pamilya Barretto.

Saad ni Ruffa, “Just as you were shocked. Shocked na shocked.

“Nagulat lang ako pagkatapos kong kausapin yung friend ko sa phone, andami nang nagti-text sa akin.

"Yeah, nagulat din ako.

"So, kung kayo nagulat, nagulat din po ako."

STILL CLOSE TO MARJORIE

Samantala, kung umiwas man si Ruffa kay Gretchen, nanatili naman daw ang pagiging close nila si Marjorie, ina ni Julia, na hindi lang niya kababata kundi naging batchmate pa niya sa eskuwelahan.

Continue reading below ↓

Lahad ni Ruffa, “Actually, all of them naman talagang close ko noon. We had our own…

“Marjorie is my batchmate in San Agustin.

“I was section 1F, siya 1C with Direk Mae Cruz.

“So, Direk Mae Cruz and Marjorie were classmates... batchmates kami with Mikee Cojuangco.

“So, si Mikee din, naging ka-same section ni Marjorie.

“So we really all grew up together.”

Diin ni Ruffa, “Gusto ko lang linawin sa lahat ng tao na wala akong kinakampihan, hindi ako sumasawsaw.

"Ako’y nananahimik.”

May mensahe ba siya sa dating kaibigan?

Diretsong tugon ni Ruffa, “No, wala.”

ANNABELLE RAMA’S RESBAK

Sa gitna ng pagdawit sa kanya ni Gretchen sa away ng kanilang pamilya, hindi rin naman nagpahuli ang palabang ina ni Ruffa na si Annabelle Rama.

Sa kanyang cryptic post sa Instagram noong October 23—ilang oras matapos maglabas ng “sawsaw pa more” post si Gretchen sa kanyang Instagram Stories (IG Stories)—tila nagparinig naman si Ruffa sa dating kaibigan.

Continue reading below ↓

Mensahe ni Ruffa sa kanyang post, “The next time they try to put you down, just remember that confidence is silent but insecurities are loud AF.”

Nagkomento naman dito si Annabelle na huwag na raw patulan ang nasabing tao.

Saad ng Gutierrez matriarch, “Tama, huwag mo na patulan ‘yan.

"Don’t waste your precious time! Basta mahal ka namin ng family mo, ‘yon ang importante!”

Ngunit hindi pa rito natapos si Annabelle.

Bilang ina, hindi nito napigilang resbakan si Gretchen para sa anak.

Sa kanyang Instagram post noong Huwebes ng gabi, October 23, pinatutsadahan niya si Gretchen na diumano'y wala na halos kakampi at tila isinusumpa na ng buong mundo.

Buwelta ni Annabelle, “Kawawa ka naman. Halos wala ka ng kakampi. Halos buong mundo, isinusumpa ka.

“Nananahimik kami, bakit galit ka sa comment ng anak ko, masama bang magcomment ng positive?

"Bakit ka ba nagwawala, hindi naman tungkol sa’yo ang comment?!

Continue reading below ↓

“Dapat kang magalit sa mga nagpost ng pictures n’yong dalawa ng boyfriend mo na nasa airport kayo hanggang sa airplane.

“Ayaw kong pahabain pa itong sagot ko sa’yo. Magbasa ka na lang ng bad comments ng netizens about you at doon ka mag-react!”

Noong araw ring iyon ay nag-viral ang larawan ni Gretchen at sa nali-link ditong negosyante na si Atong Ang.

THE PAST CONTROVERSY

Medyo humuhupa na ngayon ang awayan ng magkapatid na Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto, matapos tumigil ang una sa kaka-post sa kanyang IG Stories ng mga parinig sa kapatid at mga pamangkin.

Sina Ruffa at Gretchen ay nasangkot sa infamous Manila Film Festival 1994 scandal.

Sa halip na si Aiko Melendez ang tawagin bilang Best Actress winner, si Ruffa ang binasa ng presentor na si Miss Mauritius 1993 Viveka Babajee.

Kasama ni Viveka na nag-present ng award ang kapatid ni Ruffa na si Rocky Gutierrez at si Gretchen, na kitang-kita sa camera ang pagkagulat nang ibang winner ang inanunsiyo.

Continue reading below ↓

Sa Best Actor naman, imbes na si Edu Manzano ay si Gabby Concepcion ang idineklarang nanalo.

Prized talent si Gabby noon ni Lolit Solis, na siyang nagmaniobra ng resulta.

Nagkaroon ng imbestigasyon sa nangyaring scam, at naging star witness pa si Gretchen.

Kalaunan, isinoli nina Ruffa at Gabby ang kanilang tropeyo.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruffa Gutierrez on Gretchen Barretto's 'sawsaw pa more' post: "Napaka-peace loving ko. Napakabait ko. So, if ever na merong problema, silang nag-aaway sa akin. Never akong nang-aaway.”
PHOTO/S: Courtesy: Allan Diones / @stylelistinc on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results