Marjorie Barretto posts happy photos with Mommy Inday, siblings amid family feud

by Bernie V. Franco
Oct 28, 2019
Amid the ongoing family feud among the Barrettos, Marjorie takes to Instagram and posts happy photos with the rest of her family, including mom Estrella "Inday" Barretto" (center, front row), and siblings Gia (second from left, front row) and Mito (extreme right, front row).
PHOTO/S: @marjbarretto on Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

“Yesterday was good.”

Bahagi ito ng caption ni Marjorie Barretto, 45, sa kanyang recent Instagram post na tila nagsasabing masaya pa rin ang kanilang pamilya sa kabila ng pinagdadaanang kontrobersiya nitong mga nakaraang araw.

Sa multiple photos na kanyang ibinahagi nitong weekend, mapapansin ang ngiti ni Marjorie, gayundin ang mga kasama sa larawan—kabilang ang ina na si Estrella "Inday" Barretto, mga kapatid na sina Mito at Gia, anak ni Marjorie na si Dani, at pamangkin nitong si Nicole Barretto.

Continue reading below ↓

Makahulugang caption dito ni Marjorie: “There are good days, and there are bad days... yesterday was good. Thank you Lord. [heart and praying emojis]”

Tila nais ipahiwatig ni Marjorie na sa kabila ng gulo at kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanilang pamilya, masaya at nagkakaisa pa rin ang ibang miyembro ng pamilya nila.

Continue reading below ↓

Muling pinag-usapan ang pamilya Barretto noong burol ng family patriarch na si Miguel Barretto na pumanaw noong October 15, Martes.

Bumisita sa burol ng ama si Gretchen, 49, na matagal nang may hidwaan sa kanyang mga magulang.

Dito ay nagkaroon ng emosyonal na pakikipagbati si Gretchen sa kanyang ina.

Subalit hindi naging maganda ang reaksiyon ni Marjorie sa tangkang pagbabati sa kanila ni Gretchen.

Ang sumunod na mga pangyayari ay mga eksenang naging laman ng mga balita.

Muling nabuhay ang away ng mga magkakapatid, partikular si Marjorie laban kina Gretchen at Claudine.

Hindi nagpapigil ang mga magkakapatid sa pagpu-post ng mga akusasyon nila laban sa isa’t isa, dahilan para pagpiyestahan ng mga netizen at sa mga balita ang kanilang personal na buhay.

Isiniwalat ni Marjorie ang diumano’y relasyon ni Gretchen sa negosyateng si Atong Ang, 62.

Inakusahan pa ni Marjorie na inagaw diumano ni Gretchen si Atong sa pamangkin nilang si Nicole Barretto, anak ng kanilang kapatid na si JJ Barretto.

Continue reading below ↓

Naungkat din ang pagkaka-link ni Atong kay Claudine noon.

Bunsod nito, naglabas ng kanyang statement at nagpa-interview si Atong upang sagutin ang mga paratang ni Marjorie, kabilang ang paglilinaw na kasosyo lang daw niya si Gretchen sa mga negosyo at walang katotohanang nagkarelasyon sila.

Itinanggi rin ito ni Gretchen.

Hindi naman malinaw ang sagot ni Atong tungkol sa naging ugnayan nila ni Nicole, na nanindigang naging magkasintahan sila noon ni Atong pero inagaw raw ito ng kanyang Tita Gretchen.

Nabalita rin ang pakikipag-away ng mga anak ni Marjorie, gaya ni Julia Barretto, sa mga tita nitong sina Gretchen at Claudine.

Gumanti naman si Gretchen sa pagsisiwalat ng matagal nang napababalitang relasyon ni Marjorie sa dating Caloocan City mayor na si Recom Echiverri.

Kalaunan ay inamin na rin sa wakas ni Marjorie na ang si Echiverri ang ama ng kanyang busnsong anak.

Inakusahan din ni Gretchen ang anak ni Marjorie na si Julia na may namagitan daw sa kanila ng businessman na si Ramon Ang, na mariin namang pinabulaanan na kakilala niya nang personal ang young actress.

Continue reading below ↓

Sa ngayon ay humupa na ang highly publicized na pag-aaway ng magkakapatid, pero ang tiyak ay hindi pa natatapos ang kanilang alitan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Amid the ongoing family feud among the Barrettos, Marjorie takes to Instagram and posts happy photos with the rest of her family, including mom Estrella "Inday" Barretto" (center, front row), and siblings Gia (second from left, front row) and Mito (extreme right, front row).
PHOTO/S: @marjbarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results