Nadine Lustre apologizes for her father's social media rant

by Arniel C. Serato
Nov 1, 2019
Nadine Lustre apologizes for her father's rants on social media: "Kung sino man yung na-offend niya or nasaktan niya with what he said, ako, humihingi na po ako ng paumanhin."
PHOTO/S: Courtesy: @dookieducay on Instagram

Pinagsabihan daw ni Nadine Lustre ang kanyang ama na si Ulysses "Dong" Lustre dahil sa Facebook post nito noong October 9, 2019 na tila may pinasasaringang isang aktres.

Kalaunan, tinukoy ng fans ni Kathryn Bernardo na ang aktres diumano ang pinariringgan ni Ulysses sa kanyang post.

Nataon kasing ibinahagi ng ama ni Nadine ang nasabing post matapos hiranging highest-grossing Filipino film of all time ang Hello, Love, Goodbye na pinagbidahan nina Kathryn at Alden Richards.

Bahagi ng deleted post ng ama ni Nadine: “I'm Flop and you're High Gross, what are you afraid of. You feel so threatened, you're desperate to break US apart.

"I hope someday you get what you deserve. What comes around, goes around."

Kasunod nito, umusok ang galit ng fans ni Kathryn dahil daw sa pakikisawsaw ng ama ni Nadine sa showbiz issues.

Wrong career move daw ito para kay Nadine.

Ngunit nilinaw naman ni Ulysses na wala siyang partikular na taong pinatutungkulan, kundi personal opinion lamang daw ang kanyang ibinahagi sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam ni Boy Abunda kay Nadine kagabi, October 31, sa Tonight With Boy Abunda (TWBA), sinabi ng aktres na nalaman niya ang tungkol sa post ng ama pagkalipas ng mahigit isang linggo.

Lahad ni Nadine, “Nung nangyari kasi yun, I was off social media, kasi nga I’m taking a break, e, so…

“I saw that, I think, after more than a week, we talked about it.

“Pero before he did this, I haven’t talked to him [about] anything.”

Kaagad ding humingi ng dispensa si Nadine sa mga nasaktan o na-offend sa post ng kanyang ama.

“I’m not my dad, so I don’t... we don’t have the same brain, we don’t think alike.

“Kung sino man yung na-offend niya or nasaktan niya with what he said, ako, humihingi na po ako ng paumanhin.

“But I talked to him about it and I told him na that wasn’t right.”

Nakinig naman daw ang kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“We talked about it, wala namang hindi maayos sa magandang pag-uusap," sabi ni Nadine.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadine Lustre apologizes for her father's rants on social media: "Kung sino man yung na-offend niya or nasaktan niya with what he said, ako, humihingi na po ako ng paumanhin."
PHOTO/S: Courtesy: @dookieducay on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results