Ama ni Nadine Lustre, pinatutsadahan si Kathryn Bernardo?

by Jojo Gabinete
Oct 10, 2019
Patungkol nga ba kay Kathryn Bernardo (kanan) ang cryptic Facebook post na ito ng ama ni Nadine Lustre (kaliwa) na si Ulysses "Dong" Lustre (gitna): "I'm Flop and you're High Gross, what are you afraid of. You feel so threatened, you're desperate to break US apart."
PHOTO/S: Rose Garcia / Faceboook / Mark Atienza

Sumiklab ang galit ng fans ni Kathryn Bernardo laban kay Ulysses "Dong" Lustre dahil sa Facebook post nito noong October 9, 2019 na pinaniniwalaang patutsada niya laban sa aktres.

Si Ulysses o Dong ang ama ni Nadine Lustre.

Biglang nagulo ang buhay ng ama ni Nadine dahil sa kanyang post na ito noong October 9, Miyerkules (published as is):

“Facebook says, 'What's on your mind?'. I guess it means that I'm entitled to rant, once in a while.

"Here it goes;

"I'm Flop and you're High Gross, what are you afraid of. You feel so threatened, you're desperate to break US apart.

"I hope someday you get what you deserve. What comes around, goes around."

Continue reading below ↓

Naniniwala ang maraming fans ni Kathryn na patungkol sa kanilang iniidolong aktres ang Facebook rant ng ama ni Nadine, kaya matindi ang mga batikos laban dito.

Mga below-the-belt ang mga bira laban kay Ulysses, na nanatili sanang tahimik ang pamumuhay kung hindi nito inumpisahan ang isyu at hindi na siya nakisawsaw sa mga showbiz issue.

Isa itong wrong career move niya para kay Nadine.

Dahil sa kanyang Facebook post, kinukuwestiyon ang pagiging magulang ni Ulysses dahil sa akusasyon ng mga nagagalit na fans na hinayaan niyang makipag-live in si Nadine sa boyfriend nitong si James Reid.

Masakit para sa mga magulang na kuwestyunin ang kanilang kakayahan sa pagpapalaki sa mga anak.

Naiwasan sana ito kung pinag-aralang mabuti ng ama ni Nadine ang kanyang naging aksiyon at ang kahalagahan ng “think before you click.”

Hindi lamang ang pagiging ama ni Ulysses ang binabatikos ng mga tagapagtanggol ni Kathryn.

Pinararatangan din siyang sinisira ang career ni Nadine dahil parang inamin na rin niyang totoo ang paninirang "Flop Queen" ang kanyang anak dahil sa linyang “I’m Flop and you’re High Gross.”

Continue reading below ↓

Parehong mahina sa takilya ang huling dalawang pelikula ni Nadine, ang Ulan at Indak.

Habang ang huling pelikula ni Kathryn, katambal si Alden Richards, na Hello, Love, Goodbye, ay umabot sa mahigit P900 million ang kinita sa takilya. Ito ngayon ang may hawak ng record bilang highest-grossing Filipino movie of all time.

Mapagpanggap ang akusasyon kay Ulysses dahil sa pahayag nitong hindi siya apektado ng bashers pero nabilang niya ang mga nasty comment laban sa kanya.

“To all the bashers and haters, thank you for visiting my page and reading my posts.

"I don't even read hate comments. At the end of the day, you became affected I'm not. Kudos."

Continue reading below ↓

“(Well,) what do you know! 113 comments and 7 shares in just 3 hrs, first time ever in my page.

"Thank you haters for making me famous. Keep it coming. Hate me more.”

Base sa mga komento, na hindi raw niya binabasa, talong-talo ang ama ni Nadine ng mga basher dahil kinukuyog siya nang husto ng mga nainsulto at palaban na fans ni Kathryn.

Continue reading below ↓

UPDATE: Ngayong Biyernes ng umaga, October 11, ay binura na ni Ulysses Lustre ang mga kontrobersiyal niyang post sa Facebook.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patungkol nga ba kay Kathryn Bernardo (kanan) ang cryptic Facebook post na ito ng ama ni Nadine Lustre (kaliwa) na si Ulysses "Dong" Lustre (gitna): "I'm Flop and you're High Gross, what are you afraid of. You feel so threatened, you're desperate to break US apart."
PHOTO/S: Rose Garcia / Faceboook / Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results