PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda charges dinner to "millionaire" best friend Coco Martin; are they updated on each other's love life?

Vice Ganda on chance encounter with Coco Martin at a restaurant: "Asa kabilang table si Coco, papabayaran ko!"
by Rachelle Siazon
Published Nov 13, 2019
Vice Ganda on chance encounter with Coco Martin at a restaurant: "Asa kabilang table si Coco, papabayaran ko!"
PHOTO/S: CTTO / @mr.cocomartin Instagram

Nagkrus ang landas ng magkaibigang sina Vice Ganda at Coco Martin nitong Martes ng gabi, November 12.

Lumalabas na hiwalay sila ng table at magkaiba ang kanilang mga kasama sa restaurant kung saan tila hindi inaasahang sila ay nagtagpo.

Pero ayon kay Vice, si Coco ang boluntaryong nagbayad ng mga inorder niyang pagkain sa restaurant.

Tweet ni Vice: "Nilibre ako ng dinner ng bespren kong milyonaryo!!! Ang sayaaaaaa!!! Love you Dengdeng!!!!!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dengdeng" ang palayaw ni Coco na madalas gamitin ni Vice bilang pagtukoy sa FPJ's Ang Probinsyano star.

Base sa videos na kumalat sa Instagram, nakipag-dinner si Vice sa dalawang kasamahan sa trabaho bandang 9 P.M.

Biruan nila, si Vice ang manlilibre ng dinner kaya nag-alala raw ang dalawa nitong kasama nang late siyang dumating sa restaurant.

Sabi ni Vice: "Alam mo parang gusto ko mang-playtime kanina. 'Huwag kaya ako sumipot?'

"E, biglang nag-text si Glorious, si Coco daw nasa kabilang table. Ay, sige na nga...

"Pabayaran natin kay Coco!"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Narito ang isa pang video kunsaan natatawang sinabi ni Vice na "Asa kabilang table si Coco, papabayaran ko!"

Hindi malinaw kung sino ang kasama ni Coco na nag-dinner, pero ang aktor nga ang sumagot ng kinain nina Vice base sa tweet ng huli.

NETIZENS' REACTIONS

Sa comments section, may ilang netizens ang nanunukso na dapat daw ay ipakilala na ni Vice ang boyfriend niyang si Ion Perez kay Coco Martin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kamakailan lang inamin ni Vice na isang taon na niyang karelasyon si Ion.

Unang nakilala si Ion bilang Kuya Escort sa ABS-CBN noontime show na It's Showtime kunsaan mainstay si Vice.

May isa ring netizen ang nanukso na si Julia Montes daw diumano ang namataang kasamang nag-dinner ni Coco.

Si Coco ang itinuturong ama ng sanggol na lihim na isinilang ni Julia huling bahagi ng Marso nitong 2019.

Pero hanggang sa kasalukuyan ay tikom ang bibig ng dalawa hinggil dito, maliban sa simpleng birthday greeting ni Julia kay Coco noong November 1.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

VICE AND COCO'S FRIENDSHIP

Magkaibigan na sina Vice at Coco bago pa man sila pumasok sa showbiz.

Noong May 2013, inamin ni Vice sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang reporters na overprotective si Coco pagdating sa mga nakakarelasyon ng It's Showtime host.

"Ayaw niya na may boyfriend ako. Feeling niya talaga lahat ng lalaki lolokohin ako," ani Vice.

Pagdating sa trabaho, madalas na nagkakatapat ang mga pelikula nina Vice at Coco sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Nakasabayan ng mga pelikula ni Vice na Fantastica (2018) at Gandarrapiddo! The Revenger Squad (2017) ang mga pelikula ni Coco na Jack Em Popoy: The Puliscredibles (2018) at Ang Panday (2017).

Ngayong MMFF 2019, magkakatapatan ulit ang M&M: The Mall & The Merrier ni Vice at Tripol Trobol: Huli Ka Balbon ni Coco.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda on chance encounter with Coco Martin at a restaurant: "Asa kabilang table si Coco, papabayaran ko!"
PHOTO/S: CTTO / @mr.cocomartin Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results