Congress will not tackle ABS-CBN franchise renewal bills until year-end

by Arniel C. Serato
5 days ago
Congress, according to House Speaker Alan Cayetano, will definitely tackle bills regarding renewal of ABS-CBN franchise next year: "We have more than enough time, more than enough time to tackle it in January, February, dahil March pa naman yung expiration ng franchise.”
PHOTO/S: Courtsey: House of Representatives / ABS-CBN News on Facebook

Hindi na matatalakay sa Mababang Kapulungan ng Kongreso hanggang sa katapusan ng 2019 ang ilang panukalang batas ukol sa pagpapalawig ng prangkisa ng ABS-CBN.

Sa ulat ng Philstar.com ngayong araw, December 4, sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na sa 2020 na nila ito mapagdidiskusyunan sa Kamara kasama ang ilan pang mambabatas.

Sabi ng pinuno ng Lower House, “I reiterate that Congress would be fair.

“We'll always have a fair hearing.

"Alam naman ito din ng management ng ABS-CBN na inuna namin yung budget at saka mga revenue bills.

"Pero, we have more than enough time, more than enough time to tackle it in January, February, dahil March pa naman yung expiration ng franchise."

Sabi naman ni Speaker Cayetano sa panayam ng Philippine News Agency (PNA),

“Mari-renew kaya sila by that time? Depende sa kalalabasan ng hearing.

“I cannot preempt the committee or the issues that will be taken.”

Continue reading below ↓

Ayon naman kay House Committee on Legislative Franchises Chairman Franz Alvarez, sa ulat ng CNN Philippines ngayong araw, wala talaga sa kalendaryo nila ang tungkol dito para sa mga nalalabing pagdinig bago ang kanilang Christmas break sa December 20.

Lalong umingay ang usapin tungkol sa renewal ng franchise bill ng ABS-CBN matapos ulitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang banta nitong haharangin niya ang anumang panukalang batas na magpapalawig sa prangkisa ng broadcast giant.

Tugkol naman sa panibagong banta ni Pangulong Duterte, nirespeto daw ito ng House Speaker.

Saad pa niya, “As you know he’s the President at meron siyang stand sa mga issues so nirerespeto natin yan.

“Having said that nirerespeto rin ng ating pangulo yung proseso so hintayin na lang natin yung proseso na yun but even the President admits that there has to be a fair process.”

May nalalabing tatlong buwan na lamang ang istasyon bago mapaso ang kanilang license to broadcast sa March 2020.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Congress, according to House Speaker Alan Cayetano, will definitely tackle bills regarding renewal of ABS-CBN franchise next year: "We have more than enough time, more than enough time to tackle it in January, February, dahil March pa naman yung expiration ng franchise.”
PHOTO/S: Courtsey: House of Representatives / ABS-CBN News on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results