Priscilla Almeda opens up about relationship with Jomari Yllana: "I'm happy with him."

by Arniel C. Serato
Dec 9, 2019
Priscilla Almeda on first love Jomari Yllana: "Jom has always had a special place in my heart ever since we were 15. That has never gone away.”
PHOTO/S: Courtesy: @abby_viduya on Instagram / Arniel Serato

“We just mutually decided that it’s time for us to be happy.”

Ito ang pahayag ng comebacking actress na si Priscilla Alemda, 43, tungkol sa pagbabalikan nila ng aktor at Parañaque First District councilor na si Jomari Yllana, 43.

Dagdag pa niya, “I’m happy with him.”

Ito ay bilang pagsang-ayon sa pahayag ni Jomari na nagsasama na sila ngayon.

Sabi pa ni Priscilla, “First love ko si Jom and we are given a chance to finally be together.”

Kalagitnaan ng dekada ‘90, halos magkasabay sumikat sa showbiz sina Abby at Jomari.

Si Jomari ay bahagi ng sikat na grupong “Guwapings” kasama sina Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuoso.

Si Priscilla naman ay unang nakilala sa kanyang screen name na Abby Viduya at tinagurian noon bilang "Babaeng Guwaping"

Una silang nagkaroon ng relasyon noong mga bata pa sila.

Kasabay ng pagpapalit ng kanyang screen name—mula Abby Viduya ay naging Prsiclla Almeda—ni-repackage siya bilang sexy star at sumabak sa "Titillating Films" ng Seiko Films.

Continue reading below ↓

Nakasabayan niya noon sina Rosanna Roces, Anton Bernardo, Leandro Baldemor, Rodel Velayo, at Leonardo Litton.

Masasabi ba niyang “first love never dies” talaga sa kanila ni Jomari?

Natatawang sagot ni Priscilla, “Is that what it is?

“Jom has always had a special place in my heart ever since we were 15.

Continue reading below ↓

“That has never gone away.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Priscilla sa pamamagitan ng direct messaging (DM) sa Instagram kahapon, December 8, at ngayong umaga, December 9.

“I NEVER GOT MARRIED.”

Sa panayam ng PEP.ph kay Joy Reyes, ang dating kinakasama ni Jomari, sinabi nitong may asawa ang bagong kinakasama ng aktor at mayroon itong mga anak.

Ayon pa kay Joy, noong umuwi raw sa Pilipinas ang babae upang magtrabaho ay sinusustentuhan pa diumano ito ng kanyang asawa.

Itinigil na lamang daw ng lalaki ang pagpapadala ng pera noong nalamang ginagastos lang diumano ito ng babae kay Jomari.

Hindi pinangalanan noon ni Joy kung sino ang kinakasama ni Jomari.

Pero kalaunan ay lumabas ang pangalan ni Priscilla.

Ayaw namang magkomento ni Priscilla tungkol dito.

Pero paglilinaw niya, "I never got married.

"I'm single. I just had kids with my ex."

Pagdating naman sa kanyang dating partner, sabi ni Priscilla, “I don’t want to go into details because out of respect din sa family ng ex ko.

Continue reading below ↓

“I don’t want to say anything that would hurt them.”

May dalawang anak si Priscilla sa huling partner niya, at isa sa naunang naging karelasyon niya.

Tungkol naman sa kanyang mga anak, aniya, “My kids are okay and taken cared of.”

RECONCILIATION WITH HER FIRST LOVE

Pag-amin ni Priscilla, kahit noong nasa Canada pa siya ay nag-uusap na sila ni Jomari.

Noong umuwi siya noong July 2019, nagpatuloy ang naudlot nilang relasyon noong dekada ’90.

Sabi ni Priscilla, “I am staying for good na. I’m happy here.

“I will just go back and forth to Canada to see my kids.”

Sa pagkakaalam daw ni Priscilla, noong 2018 pa hiwalay sina Jomari at Joy.

May dalawang anak na lalaki sina Jomari at Joy.

Si Priscilla naman ay matagal na rin daw hiwalay sa dating kinakasama.

Saad niya, “I really don’t want to comment on that.

“All I know is he loves his kids very much.

Continue reading below ↓

“They have been separated for over a year na when I came back into Jomari’s life.

“We are both very much single... well, not single anymore.

“We are back together na kasi.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Priscilla Almeda on first love Jomari Yllana: "Jom has always had a special place in my heart ever since we were 15. That has never gone away.”
PHOTO/S: Courtesy: @abby_viduya on Instagram / Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results