Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Joem Bascon opens up about breakup with live-in partner Crisha Uy after eight years

by Arniel C. Serato
Dec 18, 2019
Joem Bascon on third-party rumor over breakup with Crisha Uy: "Walang third party. It’s all on me lang talaga.”
PHOTO/S: Arniel Serato ? Courtesy: @basconetti on Instagram

Tila may panghihinayang ang aktor na si Joem Bascon, 33, sa hiwalayan nila ng live-in partner na si Crisha Uy, 31.

Naghiwalay sila pagkatapos ng walong taong pagsasama.

Saad ng Kapamilya actor nang usisain tungkol dito, “Paano ko ba sasagutin ‘to... eight years.

“Nagkaroon lang siguro ng… hanggang doon lang talaga siya.

“Kasi kapag pinilit, lalo na on my side, siguro mas gugulo pa. Mas magiging magulo.

“So, I guess, hanggang doon ko lang talaga kaya at hindi na i-continue.”

Sa kabila nito, umaasa si Joem na mananatili silang magkaibigan ni Crisha.

“Pero siyempre, kasi fresh pa, e. So I’m hoping na maging friends, kasi maayos naman yung pag-uusap.

“Pero kasi, wala namang hiwalayang hindi masakit. Masakit pa rin for both of us.

“Siguro lang ngayon, nakakausap niyo ako nang maayos, kasi I’m very busy with work na madami akong kasamang mga tao.

“Well, talagang dina-drown ko yung sarili ko with trabaho and friends para hindi mo maisip masyado yung nangyayari.”

Continue reading below ↓

Sa panayam kay Joem noong January 31, 2019, excited pa ang aktor sa pagsasabing balak na nilang magpakasal ni Crisha.

Ngayong taon sana nila balak lumagay sa tahimik.

Nanghinayang ba siyang hindi ito natuloy?

Tugon ni Joem, “Inisip ko na lang, at least ngayon, ito yung nangyari.

"Kasi kung pinatagal ko or natuloy yung mga plano with everything, siguro mas mahihirapan kami, at mas masakit for both.

"Lalo na masakit kung madami pang involved—kung may baby, kung may kasal na involved.

“Yun nga, e, sabi nga ni Yeng, mahirap ang buhay may asawa," pagtukoy niya sa kanyang co-star sa Write About Love na si Yeng Constantino.

Patuloy ng aktor, “Hindi naman siya parang mainit na kanin na kapag nainitan ka, iluluwa mo lang.

“Kailangan mo siyang ayusin talaga.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media si Joem sa presscon ng Write About Love kahapon, December 17, sa Delgado.112 Restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City.

Continue reading below ↓

NO THIRD PARTY

Paano nauwi sa hiwalayan ang walong taong relasyon nila ni Crisha? Sino ang nagsabing tama na?

Ayon kay Joem, “It’s a mutual thing nung nag-usap na kami.

“Pero kailangan kong aminin sa lahat din para hindi na din maging tanong, it came from me talaga.

“Hanggang dun lang talaga.”

Nagsawa ba siya?

“Hindi nagsawa," pagtanggi ng aktor.

"Meron lang siguro, may problema ako with myself, personal na hinahanap para sa sarili ko.

“And, I guess, I really had to decide kaysa masaktan ko pa yung tao.”

Mariin namang itinanggi ni Joem na may third party sa hiwalayan nila.

Lumutang kasi ang pangalan ng ex-girlfriend niyang si Meryll Soriano na katrabaho niya sa isang pelikula.

Diin ni Joem, “Walang third party. It’s all on me lang talaga.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joem Bascon on third-party rumor over breakup with Crisha Uy: "Walang third party. It’s all on me lang talaga.”
PHOTO/S: Arniel Serato ? Courtesy: @basconetti on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results