Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Julia Montes promotes Coco Martin's MMFF 2019 movie

by Arniel C. Serato
Dec 20, 2019
Julia Montes, still on a self-imposed showbiz hiatus, uses Instagram to endorse Coco Martin's Metro Manila Film Festival 2019 entry 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.
PHOTO/S: Courtesy: @montesjulia08 on Instagram / Noel Orsal

Muling nagpabatid ng kanyang pagtatangi kay Coco Martin ang aktres na si Julia Montes sa pamamagitan ng pag-promote ng upcoming movie ng aktor, ang 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.

Ang nasabing pelikula ng ABS-CBN Primetime King ay entry sa 45th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Kahapon, December 19, dalawang magkasunod na posts sa Instagram ang ibinahagi ni Julia sa kanyang followers.

Una rito ay ang poster ng pelikula ni Coco kasama ang co-stars nitong sina Ai-Ai delas Alas at Jennylyn Mercado.

Nakalagay sa kanyang caption ang Christmas tree emoji.

Continue reading below ↓

Pangalawa naman ay ang video endorsement ng isa sa cast members ng pelikula na si John Prats.

Nakalagay sa caption ng 24-year-old Kapamilya star: “Yeah! Anim na araw na lang mga KA-LAFFABOL! Excited na ang buong tropa para sa INCREDIBOL bondingan ngayong pasko! #3POLTROBOLHULIKABALBON.”

Hindi na sorpresa sa netizens ang mga simpleng pagpaparamdam na ito ni Julia tungkol kay Coco dahil sa hindi pa rin mamatay-matay na isyu tungkol sa kanilang tagong relasyon.

Continue reading below ↓

Noong April 1, 2019, lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang balitang isinilang ni Julia ang anak niya kay Coco.

Ayon pa sa report, nanganak si Julia noong huling bahagi ng Marso sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Ngunit hanggang ngayon, wala pang pagtanggi o pag-amin mula sa magkabilang kampo ukol dito.

Noong November 1, 2019, sa ika-38 kaarawan ng Ang Probinsyano actor, hindi pinalampas ni Julia na batiin ang napababalitang ama ng kanyang naging anak.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Montes, still on a self-imposed showbiz hiatus, uses Instagram to endorse Coco Martin's Metro Manila Film Festival 2019 entry 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.
PHOTO/S: Courtesy: @montesjulia08 on Instagram / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results