Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Julia Montes posts birthday message for Coco Martin amid showbiz hiatus

by Rachelle Siazon
Oct 31, 2019
Amid her showbiz hiatus, Julia Montes posts a picture of Coco Martin which she captioned with a kiss emoji on Instagram.
PHOTO/S: CTTO / @juliamontes08 Instagram

Hindi pinalampas ni Julia Montes ang pagkakataong batiin si Coco Martin, na nagdiriwang ng 38th birthday nito ngayong Biyernes, November 1.

Ito ang unang pagkakataong naglabas ng mensahe si Julia, 24, para kay Coco na itinuturong ama ng kanyang anak.

Simpleng "HBD" na may face blowing a kiss at birthday cake emojis ang caption sa Instagram post ni Julia bandang 12:30 A.M. ngayong Biyernes.

Kalakip nito ang framed picture ni Coco na makikita sa hallway ng ABS-CBN main building sa Quezon City.

Continue reading below ↓

Limited ang comments section sa Instagram feed ni Julia, na huling napanood sa ABS-CBN afternoon drama na Asintado, na umere noong January 15, 2018 hanggang October 5, 2018.

JULIA'S REPORTED PREGNANCY

Noong October 2018 din ay lumipad si Julia patungong Germany kunsaan nakabase ang kanyang ama.

Huling litrato ni Julia na ibinahagi niya sa kanyang Instagram ay noon pang January 2019, at makikita rito na nasa ibang bansa ang aktres.

Naging kapansin-pansin ang pagkawala ni Julia sa sirkulasyon sa showbiz.

Hanggang sa pumutok ang balitang lihim na nagsilang ng anak si Julia noong huling bahagi ng Marso, sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong April 8, nakasaad na kumpirmado ng showbiz insiders na nanganak nga si Julia, at si Coco ang ama ng sanggol.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi naglabas ng anumang pahayag si Julia hinggil dito.

Continue reading below ↓

RECENT SIGHTING OF JULIA

Nito lamang October 25, 2019 ay kumalat sa social media ang ilang litrato ni Julia na namataan sa isang supermarket sa Greenhills, San Juan City.

Base rito ay nagpaunlak si Julia na magpakuha ng litrato sa mga taong nakakita sa kanya roon.

Hindi malinaw kung hudyat ito na malapit nang magbalik-showbiz si Julia.

Ang huling impormasyong nakalap ng PEP Troika ay mula sa dating Mara Clara at Doble Kara co-star ni Julia na si Mylene Dizon.

Ang tanging sinabi lang ni Mylene ay nagkaka-Viber Chat sila ni Julia na minsang humingi raw sa kanya ng advice sa pagluluto ng isang chicken recipe.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Amid her showbiz hiatus, Julia Montes posts a picture of Coco Martin which she captioned with a kiss emoji on Instagram.
PHOTO/S: CTTO / @juliamontes08 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results