Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

President Rodrigo Duterte tells ABS-CBN owners to just sell the network

by Arniel C. Serato
Dec 30, 2019
President Rodrigo Duterte to ABS-CBN: "Kasi ang Filipino, ngayon lang makaganti sa inyong kalokohan. And I will make sure that you will remember this episode of our times forever.”
PHOTO/S: Courtesy: Presidential Communication / ABS-CBN News on Facebook

Muling iginiit ni President Rodrigo Roa Duterte na hindi niya papayagang makapag-renew ng prangkisa ang broadcast giant na ABS-CBN.

Sa March 30, 2020—eksaktong tatlong buwan mula ngayon—mag-e-expire ang franchise to broadcast ng Kapamilya Network.

Sa kanyang pagbisita sa evacuees ng lindol sa M’lang National High School sa Municipality of M’lang, Cotabato, kaninang umaga, December 30, 2019, sinabi ng Pangulo na dapat ibenta na lamang ng mga may-ari ng istasyon ang ABS-CBN.

Sa salita ni Pangulong Duterte: “O, itong ABS, mag-expire ang contract ninyo, mag-renew kayo aywan ko lang kung may mangyari diyan.

"Kung ako pa sa 'yo, ipagbili na ninyo ‘yan."

Dagdag niya: "Kasi ang Filipino, ngayon lang makaganti sa inyong kalokohan.

“And I will make sure that you will remember this episode of our times forever.”

Marami nang panukalang batas sa Kongreso at Senado tungkol sa franchise renewal ng istasyon, ngunit hindi pa ito naaaksiyunan ng mga mambabatas.

Marami namang media observers ang matagal nang naaasiwa sa ganitong pananalita ng Pangulo.

Continue reading below ↓

Bordering on "a display of power" ang tingin nila sa pagpupursigi ng pinakamataas na opisyal ng bansa na hindi na makapagpatuloy ang media network sa ilalim ng pamilyang nagmamay-ari nito.

May implikasyon din daw ang ganitong kilos ng isang presidente sa paglabag sa "freedom of the press" sa isang demokrasya.

Nagsimula ang galit ni Duterte sa pamilyang Lopez noong panahong nangangampanya ang nauna sa presidential race na naipanalo nito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
President Rodrigo Duterte to ABS-CBN: "Kasi ang Filipino, ngayon lang makaganti sa inyong kalokohan. And I will make sure that you will remember this episode of our times forever.”
PHOTO/S: Courtesy: Presidential Communication / ABS-CBN News on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results