Derek Ramsay reveals marriage with Mary Christine Jolly declared null and void

by Rachelle Siazon
Jan 2, 2020
Derek Ramsay confirms annulment of his marriage to Mary Christine Jolly whom he married in 2002. The two got entangled in a legal battle in 2014, but it ended with them engaging in a compromise
PHOTO/S: File / Rachelle Siazon

Inamin ni Derek Ramsay, 43, na pinawalang-bisa na ang kasal nila ng estranged wife niyang si Mary Christine Jolly, 39.

Kinumpirma ito ni Derek sa isang netizen na nagsabing sana ay ma-annul na ang kasal ng aktor para mas maging maligaya ito sa piling ng nobyang si Andrea Torres.

"I hope Derek will be annuled legally para Mas lalong masaya," komento ng netizen sa isang Instagram post ni Derek.

Sagot ng Kapuso actor, "i am dear."


Continue reading below ↓

Ikinagulat ito ng ilang netizens na napaisip pang baka gusto lang daw ipahiwatig ni Derek na masaya ang estado ng buhay nito ngayon.


Continue reading below ↓

DEREK NO LONGER MARRIED

Pero mismong legal counsel ni Derek na si Atty. Josabeth "Joji" Alonso ang sumagot na matagal nang idineklarang "null and void" ang kasal ng aktor kay Mary.

Sabi ni Atty. Joji, "Derek’s marriage has long been declared null and void."


Ipinaliwanag din ni Atty. Joji na mas angkop ang "null and void" kaysa sa salitang "annulled" sa pagtukoy sa legal na pagsasawalang-bisa ng kasal.

Continue reading below ↓

Sagot pa ng abogada sa katanungan ng dalawang netizens:

"Yes po, nothing negative in your comment. I just wanted to clarify that when @ramsayderek07 replied 'I am dear', he wasn’t referring to his state of being happy.

"He was confirming the fact that he is no longer married to anyone.

"His marriage has not been annulled. That is an incorrect term.

"His marriage has been declared null and void. #Peace"

Nag-reply naman ng heart emojis si Derek sa paliwanag ni Atty. Joji tungkol sa pagiging legally single ng aktor.


Continue reading below ↓

DEREK'S LEGAL BATTLE WITH MARY

Sina Derek at Mary ay ikinasal sa Balagtas, Bulacan noong April 2002.

Pero naghiwalay sila makalipas ang limang buwang pagsasama sa iisang bubong.

Inilihim ni Derek ang tungkol sa nakaraan nila ni Mary, hanggang sa mabunyag ito nang lumantad sa publiko si Mary noong August 2014.

Ibinunyag din noon ni Mary na mayroon silang 11-year-old son ni Derek—si Austin.

Sa parte ni Derek, nilinaw niya na noon lamang August 2011 nakumpirma na siya nga ang ama ni Austin at hindi niya raw agad isinapubliko ito upang proteksiyunan ang anak.

Ilang buwan ding nasangkot sa legal battle ang estranged married couple.

Pero noong October 2014 ay humantong sa "compromise agreement" ang magkabilang partido para raw sa ikabubuti ng kanilang anak.

Base sa mga naiulat noon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), bukod sa "support, visitation rights, at citizenship" ng kanilang anak ay tinalakay rin ang pag-file ng annulment sa kasal nina Derek at Mary.

Continue reading below ↓

Noong August 2019, unang nagpahiwatig si Derek na napawalang-bisa na ang kanyang kasal.

Sa kasalukuyan, nasa poder na ni Derek ang 16-year-old na ngayong anak na si Austin.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay confirms annulment of his marriage to Mary Christine Jolly whom he married in 2002. The two got entangled in a legal battle in 2014, but it ended with them engaging in a compromise
PHOTO/S: File / Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results