PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kiray Celis speaks up about first breakup, new boyfriend

Kiray Celis wishes to marry her new boyfriend in the future: "Ayoko kasi nung paiba-iba."
by Arniel C. Serato
Published Jan 9, 2020
Kiray Celis on new boyfriend Stephan Estopia: "Mabait, magalang, napakalambing. Mas nauuna pa nga siyang umiyak kapag nag-aaway kami. Sobrang bait talaga. Ako yung moody. Ako yung masama sa aming dalawa.”
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @kiraycelis on Instagram

Wala pang isang buwan ang relasyon ng Kapuso comedienne na si Kiray Celis, 25, sa kanyang boyfriend ngayon.

Inakala ng marami na ang lalaki sa Instagram posts ni Kiray noong November at December 2019 ang kanyang first boyfriend.

Pero second boyfriend na pala ito ng Kapuso star.

Paglilinaw ni Kiray, “Hindi, iba na siya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I had a relationship, magti-three years din kami, going three.

“Pero yun nga, sabi ko kanina sa presscon, is may mga taong darating sa atin to teach us lang a lesson.

“Hindi yung para makasama natin habang buhay.

“So, siguro siya yung tao na yun for me.

“Ang dami ko rin kasing natutunan.”

KIRAY'S EX-BOYFRFIEND

Hindi kasi ipinakilala ni Kiray ang kanyang ex-boyfriend sa publiko kahit umabot sa halos tatlong taon ang kanilang relasyon.

“Never ko ipinakilala kaya akala nila yung ngayon, e...

“Kaya yung akala nila, matagal na kami nung pinu-post ko ngayon, kasi nga never ko pinost yung una.”

Bakit sila naghiwalay ng ex-boyfriend niya?

Saad ni Kiray, “Hindi siya tungkol sa pera, pero tungkol siya sa private matters naming dalawa, tungkol sa aming dalawa.

“Nagkaroon ng problema.

"Na-realize ko na kahit gaano katagal mo kilala yung isang tao, pag hindi talaga para sa 'yo, hindi talaga para sa 'yo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi siya nabi-base sa tagal mong kakilala yung tao na yun.

“Pero nagbi-base siya kung gaano ka nirerespeto nung tao sa buhay mo.”

Kasunod ng kanilang breakup, kumalas na rin si Kiray sa business partnership nila ng ex-boyfriend.

Kuwento niya, “June [2019] pa lang, hindi na kami okay, struggle na talaga.

“Pero pinipilit naming ayusin kasi nga meron kaming business together, which is yung Chicks and Fins.

“But I just wanna tell to everybody na I’m no longer part of Chicks and Fins. Umalis na po ako sa restaurant namin.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kiray pagkatapos ng presscon proper ng D’Ninang kagabi, January 8, sa Valencia Events Place, Quezon City.

Ang pelikulang D’Ninang ang opening salvo ng Regal Entertainment, Inc. ngayong taong 2020.

Ito ay pinagbibidahan nina Ai-Ai delas Alas, Joey Marquez, Kisses Delavin, McCcoy de Leon, Kelvin Miranda, Angel Guardian, Lou Veloso, at ni Kiray.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula sa direksiyon ni GB Sampedro, ipalalabas ito sa mga sinehan simula sa January 22.

KIRAY'S NEW BOYFRIEND: STEPHAN ESTOPIA

Matagal na raw kakilala ni Kiray ang bago niyang nobyo na nagngangalang Stephan Estopia, 23.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Medyo may kilig na kuwento niya, “Best friend siya nung kapatid ko.

"Matagal ko na siyang kilala, pero hindi lang kami nag-uusap.

“Parehas kaming heartbroken 'tapos nakapag-usap kami.

“'Tapos parang, ewan ko, bigla na lang nag-click. Parang, ‘Ay, okay pala! Ay, mabait ka pala!’

“'Tapos lahat ng hinahanap ko sa isang tao, sa isang lalaki, nasa kanya talaga.

“Like, super mabait, sobrang marespeto lalo na.

"Kasi family-oriented ako, sobrang nirerespeto niya ang magulang ko and ang mga kapatid.

“Like, parang pag hindi puwede sa parents ko, kahit i-push pa namin, hindi kami pupunta dun.

“Kunyari magmu-mall kami, hindi kami papayagan ni Mama, hindi kami pupunta.

“Ganun siya karespeto sa desisyon ng pamilya ko.

“Mabait, magalang, napakalambing."

Sabi pa ni Kiray, "Mas nauuna pa nga siyang umiyak kapag nag-aaway kami.

“Sobrang bait talaga. Ako yung moody. Ako yung masama sa aming dalawa.”

Taliwas sa unang report ng PEP.ph na halos dalawang buwan na ang kanilang relasyon, wala pa palang isang buwan mula nang maging sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kailan ba naging official ang kanilang relasyon?

Tugon ni Kiray, “Nung December [2019] lang. Like, bago lang, super bago lang.

“Ayoko nang sabihin yung date, pero ngayong December lang.

“Super fresh, like, second week ng December. OA na yun kapag sinabi ko pa yung date ha.”

Hinulaan naming December 14 ang official date ng kanilang anniversary, ngunit tumawa lamang nang malakas si Kiray.

Yun pala, lumampas ng isang araw ang aming hula.

December 13, 2019 sinagot ni Kiray si Stephan, base na rin sa Facebook account ng aktres.

So, sa January 13 pa magsi-celebrate ang dalawa ng kanilang first monthsary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

IT MIGHT BE HIM

Sa isang punto ng pakikipag-usap namin kay Kiray, naibulong niyang si Stephan na ang gusto niyang makatuluyan at mapangasawa.

Paliwanag niya, “Oo, kasi ako naman talaga yung type na...

"Di ba, kahit nung first boyfriend ko, sinasabi ko naman sa inyo yun na yun naman na talaga ang gusto ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang, never naman tayo nag-dream na gusto natin makasama sa buhay ay di natin makasama forever.

“Ayoko kasi nung paiba-iba.

“Ayoko kasi na naririnig ko na sarili ko na, ‘Ex ‘yan ni Kiray, naging ex ‘yan ni Kiray.’”

Mahirap daw kasing magsimula muli ng isang relasyon kapag pabagu-bago ka ng mamahalin.

Aniya, “Ang hirap kayang mag-start ulit sa panibagong tao.

“Kikilalanin mo kung anong gusto niya. Aalamin mo kung anong ayaw niya.

“Tatanggapin mo kung sino siya. Ang hirap.

“Parang bagong tao na naman.

“Bagong pagsubok, bagong kikilanin na pamilya. Bagong mga kaibigan niya.

“Ang hirap para kapag from the scratch.

“Para kang baby na nagku-crawl 'tapos matuto ulit na maglakad, magsalita, parang ganun.

“So, ayoko na nung ganung experience.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kiray Celis on new boyfriend Stephan Estopia: "Mabait, magalang, napakalambing. Mas nauuna pa nga siyang umiyak kapag nag-aaway kami. Sobrang bait talaga. Ako yung moody. Ako yung masama sa aming dalawa.”
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @kiraycelis on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results