Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Luis Manzano: "Never invalidate help or someone just because it is not posted online!"

by Jet Hitosis
Jan 15, 2020
Luis Manzano says the public should never invalidate help from people who do not post their humanitarian activities online: “Ang tatanggapin lang ng iba ay pagnakapost, ayaw nila ma comprehend na mas marami nangyayari sa likod ng social media :) binabase nila ang validation on social media which i think is wrong. Bawat hinga’t utot at galaw naka post dapat and i don’t agree with that :)”
PHOTO/S: Jet Hitosis, @luckymanzano on Instagram

Para kay Luis Manzano, hindi lahat ng ginagawa ay dapat i-post sa social media, lalo na ang pagtulong sa mga nangangailangan.

Ito ang pinanindigan ni Luis matapos niyang ipaliwanag sa isang Twitter user na hindi tamang i-invalidate ang pagtulong sa kapwa dahil lang hindi ito naka-post sa social media.

Ipinaliwanag ng 38-anyos na TV host ang opinyon niyang ito sa netizen na nagsabing “expensive” ang Cambridge Mask N95 at Cambridge Pro Mask N99 na mabibili sa online store ni Luis.

Suggestion ng netizen, ibinigay na lang sana ni Luis sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal ang mga ibinebenta niyang masks.

Tweet ng netizen (published as is): “@luckymanzano Sir Kung ibinigay niyo na lang po sana ang Laking tulong po sa kanila especially sa mga bata kasi kung yang Mask na yan is so expensive di po kayang bilhin ng isang mahirap na tao po maliban nalang kung Maraming pera siya Makakaafford for sure.”

Continue reading below ↓

Sagot ni Luis: “Like what i said, hindi lahat ng bagay kelangan makita o i post on social media.

“Ang ibang tao kase ang basis nila ng ‘legit’ o validation pagnakapost.

“Sabi ko nga, i post mo tulong mo - good! Ayaw mo post - good pa rin :)”

Continue reading below ↓

Sa isa pa niyang reply sa netizen, sinabi ni Luis na hindi naiintindihan ng karamihang “mas marami nangyayari sa likod ng social media.”

“BINABASE NILA ANG VALIDATION ON SOCIAL MEDIA”

Binigyang-diin ni Luis na hindi siya “agree” sa mga nagpu-post sa social media ng lahat ng ginagawa nila.

Saad sa kasunod na tweet ng TV host: “Ang tatanggapin lang ng iba ay pagnakapost, ayaw nila ma comprehend na mas marami nangyayari sa likod ng social media :)

“binabase nila ang validation on social media which i think is wrong.

“Bawat hinga’t utot at galaw naka post dapat and i don’t agree with that :)”

Continue reading below ↓

Sa huli, sinabi ni Luis na malaya ang sinumang ipaalam o hindi ipaalam sa publiko ang ginagawa nilang pagtulong sa kapwa.

Gayunman, mali raw na balewalain ang kontribusyon ng ibang nagbibigay rin ng ayuda sa mga nangangailangan dahil lang sa hindi ito naipo-post sa social media.

Tweet ni Luis (published as is): “With everything that has been said and done, do what you want to do

“gusto mo tumulong and post? Great job, gusto mo tumulong behind the scenes? Great job pa rin.

“But never invalidate help or someone just because it is not posted online!

“Laban tayo Batanguenos [heart emoji] God Bless !”

Continue reading below ↓

NETIZEN COMPARES LUIS WITH EX-GF ANGEL

Walang tinukoy si Luis kung may pinatutungkulan siya sa kanyang tweet.

Gayunman, nitong Martes, January 14, nauna nang nakipagsagutan ang TV host sa isang Twitter user na nag-akusa sa kanya ng pagsasamantala bilang negosyante, sa gitna ng matinding demand para sa N95 masks.

Sinupalpal ni Luis ang netizen matapos siyang ikumpara nito sa ex-girlfriend niyang si Angel Locsin.

Continue reading below ↓

Tweet ng netizen kay Luis “kaya pala hindi talaga kayo compatible” ni Angel dahil ang Kapamilya actress ay mayroong “good heart and helping hand.”

Kalakip ng tweet ang post ni Angel na nananawagan ng detalye tungkol sa mga evacuees sa Batangas na nangangailangan ng relief goods.

Sagot ni Luis: “Ineng, hindi lahat ng tulong kelangan makita, kung gusto mo ipakita - very good, kung ayaw mo ipakita - very good rin.

Continue reading below ↓

“Ang kaya lang kase ng utak mo social media, di mo gets na may buhay sa likod ng lahat to, 2020 na kami, nasa 19tanga ka pa.”

FORMER LOVERS

Taong 2007 nang unang magkaroon ng relasyon sina Angel at Luis, pero nagkahiwalay sila noong 2009.

February 2014 nang magkabalikan sila, subalit muling naghiwalay pagsapit ng January 2016.

Continue reading below ↓

Ngayong 2020 nakatakdang ikasal si Angel sa negosyanteng si Neil Arce, habang mahigit tatlong taon nang karelasyon ni Luis ang Kapamilya actress na si Jessy Mendiola.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Manzano says the public should never invalidate help from people who do not post their humanitarian activities online: “Ang tatanggapin lang ng iba ay pagnakapost, ayaw nila ma comprehend na mas marami nangyayari sa likod ng social media :) binabase nila ang validation on social media which i think is wrong. Bawat hinga’t utot at galaw naka post dapat and i don’t agree with that :)”
PHOTO/S: Jet Hitosis, @luckymanzano on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results