JC Santos now married, soon to be a dad

by Arniel C. Serato
Jan 17, 2020
Award-winning actor JC Santos reveals in a recent presscon that he is now married and that his wife will give birth to their first child in February 2020.
PHOTO/S: Noel Orsal

Kasal na si JC Santos sa kanyang non-showbiz wife na si Shyleena Herrera.

At sa Pebrero 2020 ay nakatakda nang magsilang ang kanyang misis sa kanilang panganay na anak.

Rebelasyon pa ni JC tungkol sa pagbubuntis ng asawa: “Eight months, next month na po. Girl.

“Sana Valentine’s."

Ano ang pakiramdam ngayong magiging tatay na siya?

Sagot ng 31-year-old Kapamilya actor, "Ang dami. Sa ngayon, kinakabahan muna ako."

Paano niya nakikita ang sarili bilang ama?

"Aalagaan, gusto kong nag-aalaga, e.”

Noong September 2019 pa ikinasal si JC kay Shyleena, na kanyang high school crush.

Kinumpirma ni JC ang petsa ng kasal nila ni Shyleena sa hiwalay na panayam ng entertainment news reporter na si Allan Diones.

Bago sila naging magkarelasyon, ang huling naging girlfriend ni JC ay ang stage actress na si Teetin Villanueva.

Naghiwalay sila bandang December 2018 pagkatapos ng apat na taong relasyon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media si JC sa grand media conference ng On Vodka, Beers, and Regrets sa Tipsy Pig, Timog Avenue, Quezon City, nitong Huwebes ng gabi, January 16.

Continue reading below ↓

THE MOVIE

Ang kuwento ng On Vodka, Beers, and Regrets ay sumesentro sa karakter ni Bela Padilla bilang si Jane Pineda, isang dating child star na malapit nang mawalan ng career.

Dahil sa kawalan ng trabaho at sa pagnanais na makatakas sa isang eskandalo, sa alak nilulunod ni Jane ang kanyang problema.

Hanggang sa makilala niya sa ang band vocalist na si Francis, ang karakter na ginagampanan ni JC.

Ang On Vodka, Beers, and Regrets ay ang pangatlong pagtatambal nina JC at Bela sa big screen.

Nauna na rito ang 100 Tula Para Kay Stella (2017) at The Day After Valentine’s (2018).

Mula sa Viva Films at sa direksiyon ni Irene Emma Villamor, ang On Vodka, Beers, and Regrets ay ipalalabas sa mga sinehan simula February 5.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Award-winning actor JC Santos reveals in a recent presscon that he is now married and that his wife will give birth to their first child in February 2020.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results