Lea Salonga supports ABS-CBN franchise renewal; signs online petition

by Jet Hitosis
Jan 20, 2020
Lea Salonga signs the National Union of Journalists of the Philippines's online petition for ABS-CBN franchise renewal: “Yes, I have personal and professional reasons for this one. Not gonna lie.”
PHOTO/S: @MsLeaSalonga on Twitter, @msleasalonga on Instagram

Suportado ni Lea Salonga, 48, ang #NoToABSCBNShutdown.

Para sa international singer-theater actress, mayroon siyang “personal and professional reasons” para suportahan ang online petition upang ma-renew ang broadcasting franchise ng ABS-CBN Corporation.

Ibinahagi ni Lea sa Twitter nitong Linggo, January 19, ang link ng panawagan sa online petitionin site na Change.org.

Layunin ng petisyon na kumalap ng isang milyong pirma pabor sa panibagong 25-year franchise ng broadcasting giant.

Ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang naglunsad nitong Biyernes, January 17, ng naturang petisyon, na nakadirekta sa mga miyembro ng House of Representatives.

Caption ni Lea: “Yes, I have personal and professional reasons for this one. Not gonna lie.”

Continue reading below ↓

Maraming Twitter followers ni Lea ang sumuporta sa kanya, at nagsipirma rin sa online petition.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

FIRST KAPAMILYA “TO TAKE A STAND”

Mayroon ding pumuri sa singer bilang unang Kapamilya artist “to take a stand” para sa network.

May netizen pang nagtanong kung bakit hindi nagbibigay ng suporta sa petisyon ang iba pang “big stars of ABS-CBN like Vice Ganda, Gonzaga sisters and Sarah G.”

Tinutukoy ng netizen sina Toni at Alex Gonzaga at si Sarah Geronimo.

Continue reading below ↓

Sagot ng isa pang Twitter follower ni Lea, walang “bravery” ang ilang Kapamilya talents, “Kasi takot silang ma bash.”

Continue reading below ↓

Pero mayroon ding mga kumontra kay Lea.

Komento ng isang netizen: “You should have told your network to follow the law.”

Suggestion ng isa pa, hindi raw ba aapela ang singer sa pamunuan ng ABS-CBN upang makipag-ayos sa gobyerno, at nagpaalalang “franchise is a privilege not a right.”

Continue reading below ↓

Ito rin ang ipinaalala ng isa pang Twitter user kay Lea, at idinagdag na, “If ABS-CBN pays up and answers all the allegations, then by all means, a renewal should be considered.”

Walang reply si Lea sa mga nagkomento sa kanyang post.

FRANCHISE VIOLATIONS OR POLITICS?

Isa namang netizen ang nagsabi na kung totoong may mga paglabag ang broadcasting giant, dapat ay kinasuhan ito, dahil “politika lang nakikita kong dahilan kung bakit ayaw i-renew ang franchise.”

Continue reading below ↓

Tinukoy ng netizen ang ilang beses nang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin niya ang pagkakaloob ng panibagong prangkisa sa ABS-CBN.

Abril 2017 nang unang ihayag ni Pangulong Duterte na pipigilan niya ang franchise renewal ng network dahil umano sa “swindling.”

Giit ng Presidente, hindi raw inilabas ng network ang campaign ads niya noong 2016, nang kumandidato siya sa pagkapangulo, kahit pa bayad na ang mga ito.

Continue reading below ↓

Nitong mga nakalipas na linggo, ilang Kapamilya talents na ang nanawagan sa Presidente kaugnay ng pagkakaloob ng panibagong prangkisa sa ABS-CBN, kabilang sina Sharon Cuneta at Yeng Constantino.

LEA GETS SUPPORT FROM BROTHER GERARD

At press time, may mahigit 6,100 likes at 1,000 retweets na ang post ni Lea.

Nang silipin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bandang ala-una ng hapon ang petisyon ng NUJP sa Change.org, kabilang na ang musical director na kapatid ni Lea na si Gerard Salonga sa halos 57,000 pumirma.

ABS-CBN FRANCHISE RENEWAL

Sa March 30, 2020 nakatakdang mapaso ang prangkisa ng ABS-CBN, na inaprubahan noong March 30, 1995, sa bisa ng Republic Act 7966.

Mahigit limang panukala para sa pagre-renew ng prangkisa ng Kapamilya network ang nakabimbin ngayon sa Kamara.

Ito ay makaraang hindi mailusot sa 17th Congress ang unang panukalang sumusuporta sa prangkisa, ang House Bill 4349 ni Nueva Ecija Congresswoman Micaela Violago.

Muli naman itong inihain ng kongresista sa pagbubukas ng 18th Congress noong July 2019, kasabay ang iba pang kaparehong panukala.

Continue reading below ↓

Ngayong Lunes, January 20, nakatakdang magbukas ang sesyon ng Kamara.

Inaasahang ngayon din itatakda ng Mababang Kapulungan ang mga deliberasyon para sa mga nakabimbing panukala, kabilang ang sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Nitong Huwebes, January 16, lumabas ang media report na maghahain umano ang Office of the Solicitor General (OSG) ng petition for quo warranto sa Korte Suprema kaugnay ng paglabag daw ng ABS-CBN sa “terms and conditions” sa umiiral na prangkisa nito.

Ayon sa report, pangungunahan ni Solicitor General Jose Calida ang paghahain sa Supreme Court ng naturang petisyon anumang araw ngayon.

Ang Office of the Solicitor General ay nasa ilalim ni Pangulong Duterte.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lea Salonga signs the National Union of Journalists of the Philippines's online petition for ABS-CBN franchise renewal: “Yes, I have personal and professional reasons for this one. Not gonna lie.”
PHOTO/S: @MsLeaSalonga on Twitter, @msleasalonga on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results