Isa na namang flawless performance ang ipinakita ni Morissette Amon nang umawit siya sa katatapos lang na 11th PMPC Star Awards for Music.
Inawit ni Morissette ang "I Don't Want To Miss A Thing," ang hit song ng American rock band na Aerosmith, pero sa version na pinasikat ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez.
Napahanga ang lahat sa mahusay na pag-awit ni Morissette lalo na sa mga matataas na bahagi ng kanta.
Kaya hindi kataka-taka kung bakit siya ang itinanghal na Star Awards Female Concert Performer of the Year ng mga miyembro ng Philippine Movie Press Club o PMPC dahil sa husay niya sa pag-perform.
Panoorin ang original YouTube upload ni Win Castro sa ibaba kung nahihirapang mag-play ang nauna nang video link na nasa itaas.