Vice Ganda, Ion Perez celebrate early Valentine's in Amanpulo

by Arniel C. Serato
Feb 9, 2020
Vice Ganda and boyfriend Ion Perez celebrate Valentine's a week early in Amanpulo, a private luxury resort in Palawan.
PHOTO/S: Courtesy: @pereziion27 / @praybeytbenjamin on Instagram

Ilang araw nang hindi napapanood sa It’s Showtime ang magkarelasyong Vice Ganda at Ion Perez.

Ito ay dahil nasa engrandeng bakasyon ang dalawa sa isa sa pinakamahal na beach resorts sa Pilipinas—ang Amanpulo sa Pamalican Island, Palawan.

Kahapon, February 8, nag-upload si Vice sa Instagram ng tatlong larawan kasama ang nobyo.

Nasa may beach sila kung saan kitang-kita ang magandang sinag ng lampara mula sa nakadaong na barko sa isang isla.

Naging mas madrama pa ang dating ng larawan dahil sa dalawang lampara na kanilang dala habang nag-e-enjoy sa magandang tanawin ng beach.

Nakalagay sa caption ni Vice: “When LOVE wins we win.”

Continue reading below ↓

Ilan sa celebrity friends ni Vice ang nagpahayag ng kasiyahan para sa blooming love life nito.

Kabilang sa kanila sina Anne Curtis, Bea Alonzo, Maja Salvador, KC Concepcion, Kim Chiu, Bela Padilla, at Mariel Rodriguez.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

“KALUGURAN DAKA”

Makikita naman sa Instagram Stories ni Ion na sa Beach Casitas sila naka-check in.

Continue reading below ↓

Ayon sa website ng Amanpulo, ang bawat isa sa mga Beach Casitas ay "68-square-metre (731-square-foot) set along Amanpulo’s white-sand beach, with wooden sundecks and beach-side hammocks for private lounging."

Nasa $1,900 o halos P100K ang bayad kada araw sa nasabing accommodation.

Samantala, si Ion ay nag-post sa kanyang Instagram account ng dalawang larawan na nagpapahiwatig ng kanyang pagmamahal sa It's Showtime host.

Saad niya sa caption, “Wala akong maisip na caption babe basta KALUGURAN DAKA!!!”

Ang “kaluguran daka” ay salitang Kapampangan na ang ibig sabihin sa Tagalog ay “I love you.”

Continue reading below ↓

#VICEION LOVE STORY

Noong October 26, 2019, kasabay ng ika-10 anibersaryo ng It's Showtime, umamin si Vice sa relasyon nila ni Ion.

Taong 2018 unang na-link sina Vice at Perez.

Mas uminit pa ang usap-usapan tungkol sa kanilang relasyon noong March 2019.

Noong panahong yun, kakasimula pa lamang ni Ion sa It's Showtime bilang Kuya Escort sa segment na "Miss Q&A."

Kahit hindi nila tahasang inaamin noon ang kanilang relasyon, bukambibig sa dalawa ang pagsasabing espesyal sila sa isa't isa sa kani-kanilang social media posts.

May 5, 2019 sa concert ni Vice sa California na kasama si Ion bilang guest, sinagot ni Ion ang isang nasa audience na nagsabing mahal niya sa Vice.

Sagot ng binata, "Me too, me too. Yeah, I love Vice Ganda!"

September 25, nag-post si Vice sa kanyang Instagram ng larawan nila ni Ion na magka-holding hands.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda and boyfriend Ion Perez celebrate Valentine's a week early in Amanpulo, a private luxury resort in Palawan.
PHOTO/S: Courtesy: @pereziion27 / @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results