Vice Ganda finally admits relationship with Ion Perez

by James Patrick Anarcon
Oct 26, 2019
Vice Ganda admits relationship with Ion Perez. On It's Showtime today, October 26, Vice says about their relationship, "Nakatagpo ako talaga na sinabi ko, you don't need to be loved by the whole world, you only need yourself and one person that you love to accept and love you back."
PHOTO/S: It's Showtime (ABS-CBN)

Umamin na si Vice Ganda tungkol sa relasyon nila ni Ion Perez.

Nangyari ito ngayong tanghali, October 26, pagkatapos ng performance ng grupo ni Vice sa "Magpasikat" segment ng It's Showtime, bilang parte ng ika-10 anibersaryo ng ABS-CBN noontime show.

Pagkatapos ng performance ni Vice ay nagkuwento ang TV host-comedian tungkol sa pagiging mag-isa, dahil wala siyang kaparehang host para sa kanyang "Magpasikat" performance.

Ayon kay Vice, lagi niyang sinasabing kaya niyang mag-isa sa mga meeting nila, pero ang totoo raw ay hindi niya ito kaya nang siya lang.

Sabi niya, "Mahirap sa buhay na maramdaman mong mag-isa ka at pinipilit mong kumbinsihin yung sarili mo na kaya mo mag-isa.

"In reality, sa totoong buhay, hindi po natin kayang mag-isa. Kailangan natin ng katulong.

"Maaaring pamilya o ang Panginoon, pero kailangan natin ng tulong. Hindi tayo puwedeng mag-isa."

Pagkatapos nito ay sinabi ni Vice na hindi siya nag-iisa, pagkatapos ng maraming taong naramdaman niyang siya ay mag-isa.

Continue reading below ↓

Ito raw ay dahil may katuwang na siya sa buhay.

Pagpapatuloy ni Vice, "At itong puntong ito, ang sarap-sarap sa pakiramdam na naramdaman kong hindi ako nag-iisa.

"Kasi, for so many years, for so many times in the past, I felt I was all alone.

"At itong pangsampung taon ng Showtime, ang suwerte ko kasi hindi na ako nag-iisa.

"Meron na akong katuwang sa buhay."

VICE'S PARTNER IN LIFE

Dito ay nagsimula nang magsigawan ang live audience na nanonood sa Resorts World Manila, kung saan ginaganap ang It's Showtime 10th anniversary special.

Tanong naman ng It's Showtime host na si Anne Curtis, "Sino yun?!"

Saad ni Vice, "I'm so happy. Hindi ko makakalimutan itong tenth year ng Showtime.

"Kasi dito sa tenth year, nakatagpo ako talaga na sinabi ko, you don't need to be loved by the whole world, you only need yourself and one person that you love to accept and love you back.

Continue reading below ↓

"And meron na ako noon."

Tanong naman ni Vhong Navarro, "Asan ba yun?"

Tugon naman ni Vice, "Andiyan, ayun o!"

Itinuro ni Vice si Ion, na nasa bandang likod ng stage.

Pinalipat ng mga host si Ion sa tabi ni Vice.

Sabi naman ni Anne kay Ion, "Uy, umiiyak siya!"

Paglapit ni Ion ay agad niyang hinalikan sa pisngi si Vice.

Continue reading below ↓

Tanong naman ni Vhong kay Ion, "Ion, may sasabihin ka ba?"

Sabi ni Ion, "Wala, kasi yun nga ang lagi kong sinasabi ko sa kanya, siguro minahal ko sa kanya yung nakikita niyo sa kanya.

"Siguro bonus lang na naging Vice Ganda, pero yun talaga yung minahal ko—si Tutuy."

"Tutuy" ang palayaw ni Vice sa kanyang pamilya at mga taong malapit sa kanya.

Pang-asar naman ni Jhong Hilario, "So, puwede na ba nating sabihin na happy anniversary?"

Sigaw naman ni Anne, "Kahapon! Kahapon yun!"

Hindi malinaw kung ang tinutukoy ba ng mga host ay ang anniversary nina Vice at Ion bilang magkarelasyon, o ang mismong anibersaryo ng It's Showtime.

Pero dati nang napag-usapang maaaring tuwing ika-25 ng buwan ang monthsary nila nina Vice at Ion dahil sa isang Instagram post noon ni Vice.

Subalit nang matanong siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong press conference ng It's Showtime nitong September 30, sinabi ni Vice na hindi tuwing 25 ang monthsary nila.

Continue reading below ↓

VICE GANDA-ION PEREZ RELATIONSHIP

Taong 2018 unang na-link sina Vice Ganda at Ion Perez.

Mas tumindi ang usap-usapan tungkol sa kanilang relasyon noong March 2019.

Noong panahon na yun, kapapasok pa lamang ni Ion sa It's Showtime bilang Kuya Escort sa segment na "Miss Q&A."

Bagamat walang diretsong pag-amin na nababanggit sina Vice at Ion tungkol sa kanilang relasyon, pareho silang vocal sa pagsasabing espesyal sila sa isa't isa sa kani-kanilang social media posts.

Noong May 5, sa isang concert ni Vice sa California, kung saan kasama niya si Ion bilang guest, sinagot ni Ion ang isang audience member na nagsabing mahal niya sa Vice Ganda.

Sagot ni Ion dito, "Me too, me too. Yeah, I love Vice Ganda!"

Sa isang interview naman noong June 7, 2019, sa book launch ni Vice Ganda ay natanong siya kung ano ang real score nila ni Ion.

Ang tanging sagot ni Vice, "Ion and I are both happy."

Nitong September 25 lamang ay nag-post si Vice ng litrato nila ni Ion na magka-holding hands.

Continue reading below ↓

Dito inakala ng netizens na tuwing ika-25 ng buwan ang monthsary nila Vice at Ion, subalit sinabi ni Vice noong press conference ng It's Showtime na hindi raw tuwing 25 ang monthsary nila.

Sa birthday celebration naman ng ina ni Vice noong October 6, makikitang sweet sina Vice at Ion sa Instagram stories na ipinost ng TV host-comedian.

Nakita pang tila hahalikan ni Ion si Vice sa pisngi, at dumampi ang labi nito sa buhok ni Vice.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda admits relationship with Ion Perez. On It's Showtime today, October 26, Vice says about their relationship, "Nakatagpo ako talaga na sinabi ko, you don't need to be loved by the whole world, you only need yourself and one person that you love to accept and love you back."
PHOTO/S: It's Showtime (ABS-CBN)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results