Tila may pasaring si Vice Ganda sa bashers ng relasyon nila ng boyfriend na si Ion Perez.
Kasalukuyang nasa Amanpulo sina Vice at Ion para sa kanilang advance celebration ng Valentine’s Day.
Kahapon, February 10, nag-post si Vice sa Instagram ng larawan nila ng nobyo na tila nagkukulitan habang nasa Beach Casitas sa Amanpulo.
Sabi ng It's Showtime host sa caption: “Let this love bother those who hate.”
Sa comments section, naghayag naman ng suporta ang ilang celebrity friends ng dalawa, kabilang sina Karla Estrada, Bianca Gonzalez, Iza Calzado, Ruffa Gutierrez, at Rayver Cruz.


Nag-upload din sina Vice at Ion ng sweet photos nila sa kani-kanilang Instagram Stories.


Ilang araw nang hindi napapanood sa It’s Showtime sina Vice at Ion.
Nasa engrandeng bakasyon kasi ang dalawa sa isa sa pinakamahal na beach resorts sa Pilipinas—ang Amanpulo sa Pamalican Island, Palawan.
Sa in-upload na larawan nina Vice at Ion noong February 8, makikita rito ang pagmamahalan ng dalawa.
Halos lagpas isang taon na ang relasyon nina Vice at Ion na inamin lamang ng una noong ika-10 anibersaryo ng It's Showtime, Oktubre ng 2019.
