Regine Velasquez speaks up about threats to shut down ABS-CBN

by Bernie V. Franco
Feb 11, 2020
Regine Velasquez on possible ABS-CBN shutdown: "Parang tinanggalan tayo ng kalayaang pumili ng gusto natin mapanood?"
PHOTO/S: Photo from YouTube (ASAP Natin 'To)

“Naliligalig din po ako dahil nakasalalay din po ang aming kabuhayan sa ABS-CBN.”

Bahagi ito ng post ni Regine Velasquez, 49, kaugnay ng petisyon ng Office of the Solicitor General (OSG) na bawian ng prangkisa ang Kapamilya network.

February 10, Lunes, nagsumite si Solicitor General Jose Calida sa Supreme Court ng quo warranto petition laban sa ABS-CBN Corporation at sa subsidiary nitong ABS-CBN Convergence, Inc.

Ito ay dahil diumano sa “what we discovered to be highly abusive practices of ABS-CBN.”

Mariin namang pinabulaanan ng ABS-CBN ang mga alegasyon ni Calida sa pamamagitan ng official statement na inilabas nila kahapon din.

Kasunod nito ay nagpakita ng suporta ang ilang Kapamilya artists at employees sa pamamagitan ng pagpu-post ng ABS-CBN logo and tagline, at ang kopya ng official statement ng kanilang home network.

Kabilang sa mga nag-post nito ay si Regine.

REGINE VELASQUEZ: "TOTOO BANG MAGSASARA NA ANG ABS-CBN?"

Ngayong umaga ng Martes, February 11, isang mahabang Instagram post ang ibinahagi ng Asia’s Songbird sa kanyang followers.

Continue reading below ↓

Dito ay nanawagan si Regine na huwag isara ang kanyang home network.

Si Regine ay lumipat sa ABS-CBN noong October 2018 pagkatapos ng 20 taong pananatili sa GMA-7.

Simula ng singer-actress (published as is): “Pano ako kakanta kung wala ng ASAP???

“Totoo bang magsasara na ang ABS-CBN??

“Isa po ito sa mga tanong ng nakakarami.

“TOTOO PO!!!!!!!”

Sa kasalukuyan, ang regular project ni Regine sa Kapamilya network ay ang Sunday musical-variety show na ASAP Natin ‘To.

Sa kanyang post, inisa-isa ni Regine ang posibleng senaryo na mararanasan ng mga loyal Kapamilya viewers kapag nagsara ang ABS-CBN.

Saad niya (published as is): “Anong ibigsabihin nito????

“Hindi na po natin mapapanood si Cardo!!!!!!!

“Hindi na natin malalaman pa kung ano ang mayayari sa Love thy woman at Iba pang teleseryeng napalapit na sa mga puso nating lahat.

“Hindi na natin makikita si Sarah umawit at yumugyug saliw ng TALA.

“Hindi na natin makikita sila Mori,Ange,KZ ,Moi Jona at iba pang magaling na mangaawit bumirit ng libre.

Continue reading below ↓

“Hindi na tayo matatawa kay Alex at Ate nya.

“Hindi na tayo mapapatawa at mabibigyan ng kasiyahan ni Vice Ganda!!!!!!

“Hindi na tayo makaka discover ng mga bagong mang aawit, bagong idolo. Na makapagbabago sa buhay ng mga napaka talentong mga kabataan natin.

“Hindi na natin mapapanod ng libre ang KathNiel, LizQuen at MayWard.

“Higit sa lahat wala ng BALITA at importating impormasyon tayong mapapanood.”

Ang mga binanggit ni Regine ay ang ilang artista at programa ng ABS-CBN na kasalukuyang napapanood sa ere.

"Cardo" ang pangalan ni Coco Martin sa long-running primetime series na FPJ's Ang Probinsyano.

Ang Love Thy Woman ay ang bagong primetime series ng ABS-CBN na pinagbibidahan ng real-life couple na sina Kim Chiu at Xian Lim.

Sina Sarah Geronimo, Morissette Amon, Angeline Quinto, KZ Tandingan, Moira dela Torre, at Jona ang ilan sa kasamahan ni Regine sa ASAP Natin 'To.

Ang magkapatid na Alex at Toni Gonzaga ay tampok sa weekly comedy series na Home Sweetie Home: Extra Sweet.

Continue reading below ↓

Ang KathNiel ay ang love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla; LizQuen ang tawag sa tambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil; at MayWard ang bansag sa love team nina Maymay Entrata at Edward Barber.

REGINE LAMENTS SUPPRESSION OF FREEDOM TO CHOOSE

Sa pagpapatuloy ng kanyang post, sinabi ni Regine na ang bantang pagsasara ng ABS-CBN ay nangangahulugang matatanggalan ng kalayaang pumili ang mga manonood.

Dugtong ni Regine (published as is): “Alam kong sasabihin nyo meron pa namang ibang networks tama kayo and akin lang naman diba parang tinanggalan tayo ng kalayaang pumili ng gusto natin mapanood??

“Maganda rin may pinag pipilian ka dahil alam ng networks yun kaya pinagbubuti talaga ang bawat palabas na mapapanood natin.

“Higit pa dun may laya ang bawat mamamayan pumili kung ano ang makapagpapasaya sa kanila.

“Ang ibig sabihin TAYO ANG PANALO dahil ito ay LIBRE [smile emoji]

“Bagamat ako po ay bago pa lamang naninirahan sa tahanang Ito ako naman po ay itinuring totoong kapamilya.”

Continue reading below ↓

Aminado si Regine na nangangamba siya sa bantang pagsasara ng ABS-CBN, pero nababahala rin daw siya dahil maraming empleyado sa TV network ang mawawalan ng kabuhayan.

Aniya, “Naliligalig din po ako dahil nakasalalay din po ang aming kabuhayan sa ABS-CBN.

“Naisip ko tuloy..... na kung ako ay naliligalig pano pa ang iba na dito talaga nakasalalay ang buhay nila at pamilya nila.

“Siguro hindi natin mararamdaman agad pag wala at tuluyan na ngang isara ang network.”

Hinaing pa ni Regine sa isyung ito: “Pero sa kalaunan mararamdaman natin na tayo pala ay natanggalan ng KARAPATAN."

Sa huling bahagi ng kanyang post ay ito ang mensahe ni Regine: “Siguro maliit na bagay ito para sayo pero sa amin personal Ito. #wagisaraangabscbn” pagtatapos ni Regine.

Continue reading below ↓

Mula pa kahapon ay naging masigasig si Regine sa pagpu-post hinggil sa isyung pagsusumite ng quo warranto ng OSG laban sa ABS-CBN.

Ganito rin ang ginawa ng maraming Kapamilya stars sa pamamagitan ng kanilang social media accounts.

Continue reading below ↓

Mag-e-expire ang franchising broadcast ng ABS-CBN sa March 30, 2020.

Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin dinidinig sa Kongreso ang bills na naglalayong maaprubahan ang panibagaong 25-year franchise to broadcast ng ABS-CBN.

Nangangamba rin ang marami dahil sa ilang ulit na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin niya ang pagre-renew ng franchise ng ABS-CBN.

Nag-ugat ito sa hindi umano pag-ere ng network ng kanyang campaign ads noong 2016 presidential elections, kahit bayad na ang mga ito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Regine Velasquez on possible ABS-CBN shutdown: "Parang tinanggalan tayo ng kalayaang pumili ng gusto natin mapanood?"
PHOTO/S: Photo from YouTube (ASAP Natin 'To)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results