Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Alessandra de Rossi on friend who stole her boyfriend: "Wa sila career!" 

by Rachelle Siazon
Feb 13, 2020
Alessandra de Rossi says she's not the kind of girl who will engage in a fight over a man: "Ay! Ka-cheapan! Sa kanila na!"
PHOTO/S: Jayson Villafuerte

Inamin ni Alessandra de Rossi na dati siyang may kaibigang inahas ang kanyang boyfriend.

Naungkat iyon nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung naranasan na niyang mawalan ng tiwala sa isang kaibigang mang-aagaw ng karelasyon.

"Ay! Ka-cheapan! Sa kanila na!" bulalas ni Alessandra.

Maya-maya pa ay kinumpirma niyang nangyari na iyon sa kanya.

"Oo, naagawan na ako ng kaibigan ng boyfriend," pag-amin ng 35-year-old actress.

Hindi na raw niya pinag-aksayahan ng panahon na ipaglaban ang boyfriend.

"Kanya na! Wa sila career!" napahalakhak na sagot ni Alessandra.

Hindi pinangalanan ni Alessandra kung sino ang mga taong sumira sa kanyang tiwala.

Kaibigan pa rin ba niya ang nang-agaw ng kanyang boyfriend?

Kibit-balikat na sagot ni Alessandra, "Tagal na nun, three years old lang ako nun. Hindi pa ako artista nun."

Nakausap ng PEP.ph si Alessandra pagkatapos nitong sumalang sa PEP Live, Miyerkules ng hapon, February 12.

Nag-promote siya ng kanyang pelikulang Watchlist na ipalalabas na sa February 19.

Continue reading below ↓

SINGLE OR TAKEN?

Tikom ang bibig ni Alessandra tungkol sa estado ng kanyang love life.

Nauugnay sa kanya ang GMA-7 director na si Rico Gutierrez dahil sa kanilang beach photos noong June at October 2019.

Pero patay-malisya lang si Alessandra sa isyu.

Ang tanging sinagot niya ay hindi siya nagpapa-pressure sa kanyang ina kapag kinukulit siya nito kung kailan siya mag-aasawa.

Continue reading below ↓

"Sinasabi ko sa kanya, siya mag-asawa. Bakit ako? Okay ako, e!

"Sasabihin niya, 'Anak, mag-anak ka man lang.' 'Ikaw na. Kaya mo na iyan.'"

Hindi naman daw sa hindi niya priority ang pagpapakasal.

"Only for when I have a family. Wala pa ako nun," sabi ng dalagang kilala sa pagiging prangka.

EMPOWERED WOMAN

Nanindigan din si Alessandra na hindi nasusukat sa pagpapakasal ang purpose ng isang babae.

"That's not fair, e. Hindi naman lahat tayo iisa ng path.

"Sinasabi nila, women are born to have children. Ang dami diyang babae hindi magkaanak. So, that's not fair.

"May iba, choice na hindi magkaanak. May iba, hindi talaga nabigyan ng asawa para magkaanak.

"Hindi lang yun ang purpose ng babae."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alessandra de Rossi says she's not the kind of girl who will engage in a fight over a man: "Ay! Ka-cheapan! Sa kanila na!"
PHOTO/S: Jayson Villafuerte
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results