Are Alessandra de Rossi and director Rico Gutierrez already a couple?

by Arniel C. Serato
Jun 18, 2019
Director Rico Gutierrez posts sexy photos of rumored girlfriend Alessandra de Rossi on his Instagram account.
PHOTO/S: Courtesy: @ricogutierrez / @msderossi on Instagram

Usap-usapan ngayon sa social media ang tila namumuong magandang relasyon sa pagitan ng aktres na si Alessandra de Rossi at ng Kapuso director na si Rico Gutierrez.

Sa Instagram account ng Daig Kayo ng Lola Ko at The Boobay and Tekla Show director, mapapansing ilang linggo na itong nagpu-post ng mga larawan ni Alessandra sa kanilang out-of-town trips.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Mayroon din itong kaparehong posts sa Instagram account naman ni Alessandra.

Continue reading below ↓

Sa isang post ni Direk Rico noong June 7, pabiro niyang sinabi na siya ang “future” ni Alessandra.

Caption niya sa isang larawan: “knock, knock. who’s there? ang future mo!

"Last ko na yun. Haha.”

May katulad din itong post sa Instagram ng aktres.

Continue reading below ↓

Ilang mga kaibigan nila ang nagkomento sa kanilang posts, ngunit heart emojis lang ito.

May isa pang post si Rico na naka-silhouette lamang sila ni Alessandra.

Ang huling napabalitang nakarelasyon ni Alessandra ay ang singer-actor na si Marc Abaya.

Ang last known showbiz girlfriend naman ni Direk Rico ay ang modelong si Michelle Paloma, ngunit noong 2010 pa ito.

Continue reading below ↓

Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon sina Alessandra at Direk Rico tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Rico Gutierrez posts sexy photos of rumored girlfriend Alessandra de Rossi on his Instagram account.
PHOTO/S: Courtesy: @ricogutierrez / @msderossi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results