Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Kapuso actress Aiko Melendez reacts to criticisms after expressing support for ABS-CBN

by Bernie V. Franco
Feb 13, 2020
Aiko Melendez to critics of her message of support for ABS-CBN: “I will never rejoice on the thought that while my position is secured with GMA still madami ang mawawalan. Sana malinaw tayo sa ganyan."
PHOTO/S: Noel Orsal / ABS-CBN

Nangatuwiran si Aiko Melendez matapos siyang batikusin ng ilang netizens dahil sa pagpu-post niya ng suporta sa ABS-CBN sa gitna ng mga bantang pagsasara sa network.

Sa kasalukuyan ay napapanood ang 44-year-old actress sa GMA-7 afternoon drama series na Prima Donnas.

Bago lumipat sa Kapuso Network, napanood si Aiko sa mga teleserye ng ABS-CBN na Wildflower (2017-2018) at Bagani (2018).

Noong February 12, Martes, pinasalamatan ni Aiko ang ABS-CBN dahil malaki raw ang naitulong sa kanyang career.

Continue reading below ↓

Ilang netizens na nagkomento ang sinumbatan ang Kapuso actress dahil sa pakikisimpatya niya sa ABS-CBN.

Ngayong Huwebes, February 13, sa pamamagitan din ng Instagram, binuweltahan ni Aiko ang mga netizen na bumabatikos sa kanya.

Ayon sa aktres, isang malaking kasalanan ang matuwa sa pagkakaroon ng problema ng iba.

Simula niya (published as is): “Why are we pleased with Others Misfortunes???... The emotion of pleasure in one's misfortunes is an evil act.

“It is considered to be less acceptable than envy. Which is regarded as deadly sin.”

Nagdetalye si Aiko ng ilan sa mga natanggap niyang mensahe mula sa netizens.

“I was bombarded with messages in my IG account regarding my stand in ABS CBN’s shutdown.

“To quote some, Ms Aiko bat ka nagpopost ng ratings ng Primadonnas na mas mataas kayo sa kabila tas you are supporting Abs?”

Ibinihagi rin ni Aiko ang sagot niya sa mga sumbat sa kanya.

Continue reading below ↓

“My reply was, It is not about whose who anymore, ratings, who is better.

“It's for humanitarian reasons too why this is my stand.

“A lot of people will lose their jobs. And some of them i have worked with, so my heart bleeds for them.”

Panawagan pa niya, “Wag tayong maging mababaw sa oras na ganito.

“I will never rejoice on the thought that while my position is secured with GMA still madami ang mawawalan.

“Sana malinaw tayo sa ganyan.

“Madami akong kaibigan also sa ABS CBN.

“And while our network GMA 7 has never taught their talents to be happy about this current situation of their rival network.

“Infact they sympathize with them too. Its evident unspoken agreements.

“Iisang industry kami natural lang we got each other back.”

Continue reading below ↓

AIKO SYMPATHIZES WITH KAPAMILYA EMPLOYEES

May ilang komento ring sinagot si Aiko tungkol sa pagpapahayag niya ng suporta sa ABS-CBN.

Ayon sa aktres, iniisip lamang niya ang kapakanan ng maraming manggagawa na puwedeng mawalan ng trabaho sakaling matuloy ang pagsasara sa ABS-CBN, lalo pa’t nagtrabaho rin siya nang matagal doon.

Kung mayroon man daw pagkakasala ang network ay dapat itong idaan sa due process.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez to critics of her message of support for ABS-CBN: “I will never rejoice on the thought that while my position is secured with GMA still madami ang mawawalan. Sana malinaw tayo sa ganyan."
PHOTO/S: Noel Orsal / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results