Is Sharon Cuneta taking a social media break?

Feb 13, 2020
Sharon Cuneta's latest Instagram post on February 13: “I will be back. Remember that I love you all and will forever be grateful to you for all your love and support. May God bless us all, always. Your Sharon."
PHOTO/S: Noel Orsal, @reallysharoncuneta on Instagram

Pansamantala bang mamamahinga si Sharon Cuneta sa social media?

Ito ang mistulang pahiwatig ng latest Instagram post ni Sharon ngayong Huwebes ng umaga, February 13.

Ang post ay nasa porma ng maikling note na nakadirekta sa 1.1 million followers ng 54-anyos na singer-actress sa Instagram.

Bungad sa mensahe ng Megastar: “I will be back.”

Nagpasalamat din si Sharon sa pagmamahal at suporta ng kanyang fans.

“Remember that I love you all and will forever be grateful to you for all your love and support.

“May God bless us all, always.

“Your Sharon. [heart emoji]”

Continue reading below ↓

Hindi makumpirma kung pansamantala ngang mamamahinga si Sharon sa social media, at kung ano ang dahilan niya.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Disabled kasi ang comment feature ng naturang post ng actress-singer, kaya walang sinuman sa followers niya ang makapagtanong o makapagbigay ng reaksiyon.

Nauna rito, nagbahagi si Sharon sa Instagram ng isa pang quote card tungkol sa misinterpretation sa kanyang social media posts bilang pagpaparinig.

Mababasa ang quote: “People who have done you wrong will always think your posts are about them.”

Pero gaya ng huli niyang post, naka-disable rin ang comment feature nito.

Continue reading below ↓

SHARON POSTS ABOUT SURRENDERING ALL TO GOD

Bago ang magkasunod na posts na ito ni Sharon ngayong Huwebes, huli siyang naging aktibo sa Instagram at Twitter noong Linggo, February 9.

Sa Twitter, ipinost ni Sharon ang poster ng Valentine concert nina Regine Velasquez at Sarah Geronimo, ang Unified.

Caption ng Megastar: “Malapit na po. Get your tickets now!”

Sa February 14 at 15 ang concert nina Regine at Sarah sa Smart Araneta Coliseum.

Continue reading below ↓

Sa Instagram naman, ibinahagi ni Sharon ang isang quote: “Dear Lord, I surrender all to you.”

Ang quote ay mula sa religious products online seller na God Cares Bro.

Caption niya: "Goodnight everyone. God bless us all. Love you guys. [three heart, three praying hands emojis]"

Pero gaya noong nakalipas na mga linggo, muling iniugnay ng netizens ang post na ito ni Sharon sa panganay niyang si KC Concepcion.

Continue reading below ↓

SHARON AND KC’S MISUNDERSTANDING

Si KC ay anak ni Sharon sa unang asawang si Gabby Concepcion.

Ilang linggo nang usap-usapan sa social media ang alitan ng mag-inang KC at Sharon.

Ito ay makaraang akusahan ng netizens si Sharon ng pambu-bully at pagpaparinig umano sa panganay na anak.

Dahil dito, pinutakti ng bashers ang Megastar.

Reaksiyon ito ng social media users sa sunud-sunod na appreciation posts ng singer-actress para sa mga mas nakababatang celebrities, na nagbigay raw ng respeto sa kanya.

Kabilang sa mga binigyan ng singer-actress ng appreciation post si Angel Locsin.

Nabunyag nitong January 2020 ang tampuhan ng mag-ina matapos hindi dumalo si KC sa birthday tribute ng ASAP Natin ‘To para kay Sharon noong January 5.

Sa pamamagitan ng Instagram post kinabukasan, January 6, nag-sorry si KC sa ina.

Sinagot naman ito ng Megastar sa ipinost na open letter na nagdedetalye ng mga tampo niya sa anak.

Ayon kay Sharon, hindi na sila nag-uusap ni KC dahil hindi na ito sumisipot sa mahahalagang gathering ng kanilang pamilya.

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy na pamilya ni Sharon ay ang second husband na si Senator Francis Pangilinan, at ang mga anak nilang sina Frankie, Miel, at Miguel.

FANS HOPEFUL ABOUT A SHARON-KC RECONCILIATION

Sa Instagram post ni Sharon nitong Linggo, nagpahayag ng pag-asam ang mga tagasuporta niya, na sa bandang huli, maaayos din ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mag-ina.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ang isang Instagram follower ng Megastar, pinayuhan siyang unawain ang kaligayahan ng kanyang mga anak.

Continue reading below ↓

Opinyon naman ng isang netizen, hindi tamang nananahimik lang si KC habang bina-bash si Sharon, at dapat daw na depensahan nito ang ina.

SOCIAL MEDIA BREAK

Ang isa namang fan, sinabing Sharon "probably realized and contemplated kung ano man yun pinagdadaanan nya,” at nag-suggest na magpahinga muna sa social media ang Megastar dahil “hindi makakatulong sa health mo.”

Continue reading below ↓

Walang sinagot si Sharon sa alinman sa mga nagkomento sa naturang post niya.

Pero kung pagbabasehan ang latest post ng actress-singer ngayong Huwebes, mistulang sinunod niya ang payong ito ng fan.

Mukhang pansamantala nga munang mamamahinga ang Megastar sa social media.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta's latest Instagram post on February 13: “I will be back. Remember that I love you all and will forever be grateful to you for all your love and support. May God bless us all, always. Your Sharon."
PHOTO/S: Noel Orsal, @reallysharoncuneta on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results