ABS-CBN production executive reacts to Robin Padilla post on franchise issue

by James Patrick Anarcon
5 days ago
Kapamilya star Robin Padilla responds to ABS-CBN executive Ethel Manaloto-Espiritu's tweets about his post on the working conditions of Kapamilya talents.
PHOTO/S: Noel Orsal / Ethel Espiritu Facebook

Sinagot ng ABS-CBN production executive na si Ethel Manaloto-Espiritu ang recent post ng aktor na si Robin Padilla tungkol sa diumano'y working conditions ng mga talents ng TV network.

Kaugnay ito ng franchise issue na kasalukuyang hinaharap ng ABS-CBN.

Magtatapos na ang broadcasting franchise ng ABS-CBN sa March 30, 2020, ngunit wala pang katiyakan kung mare-renew ito para sa susunod na 25 taon.

Ito ay dahil hindi pa rin natatalakay sa Kongreso ang mahigit sampung panukalang batas na magbibigay ng panibagong prangkisa sa giant network.

Noong Lunes, February 10, naghain ng quo warranto petition ang Office of the Solicitor General (OSG) sa Supreme Court upang mapawalang-bisa ang prangkisa ng ABS-CBN at ng telecommunications unit nito, ang ABS-CBN Convergence, Inc.

Ang quo warranto ang ginagamit ng gobyerno upang kuwestiyunin ang “usurpation of a public office, position or franchise,” batay sa Rule 66 ng Rules of Court.

Ang OSG naman ang nagsisilbing law office ng Republic of the Philippines, at nirerepresinta ang gobyerno.

Continue reading below ↓

Matagal nang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin niya ang franchise renewal ng ABS-CBN.

Nag-ugat ito sa diumano'y hindi pagpapalabas ng kanyang campaign ads noong 2016 presidential elections, kahit bayad na ang mga ito.

Si Robin ay identified bilang isang Kapamilya dahil sa huli niyang mga proyekto, ang Pilipinas Got Talent at Sana Dalawa Ang Puso, na parehong umere noong 2018.

Si Robin ay naging Kapamilya noong 1999 - 2006 at 2010 - 2013.

Sa kasalukuyan, mas kilala si Robin bilang supporter at tagapagtanggol ni Pangulong Duterte.

Sa huling post ni Robin noong Huwebes, February 13, hinamon niya ang mga malalaking artista ng ABS-CBN at GMA-7, partikular na ang mga nag-post ng suporta para sa Kapamilya network, na ilabas ang kanilang kontrata at ikumpara ang kinikita sa mga talent ng network na nakakatrabaho nila sa shooting at taping.

Ayon kay Robin, ito ang panahon upang pag-usapan ang tamang suweldo at benepisyo sa mga empleyadong hindi regular sa mga TV network.

Continue reading below ↓

Sinabi pa ni Robin na siya ay pabor na ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN, subalit ito na rin daw ang panahon upang "mabago ang takbo ng working state nating lahat sa entertainment industry."

ABS-CBN PRODUCTION EXECUTIVE REACTS TO ROBIN PADILLA'S POST

Sa Twitter account ni Espiritu kahapon, February 14, sinagot nito ang mga tirada ni Robin tungkol sa pamamalakad ng Kapamilya network.

Si Espiritu ay isa sa business unit heads ng ABS-CBN content-providing unit na Dreamscape Entertainment.

Sa kasalukuyan, siya ang namamahala sa mga programang ipinoprodyus ng Dreamscape para sa iWant.

Sa tweets ni Espiritu, ipinaalala niya kay Robin ang matagal nitong pagtatrabaho sa Kapamilya network, kasama ang mga kamag-anak nito, tulad ng asawa niyang si Mariel Rodriguez, kapatid na si Rommel Padilla, manugang na si Aljur Abrenica, at pamangking si Daniel Padilla.

Tanong ni Espiritu kay Robin, bakit daw hindi nito ipinaglaban kung may napansin na pala siyang mali sa pamamalakad ng network?

Continue reading below ↓

Saad ni Espiritu (published as is): "Angel Locsin best said it, 'think before you click'. You cannot post something then blame it on being the ex-convict in you that overtook your emotions Mr. Robin Padilla. Its either pinanindigan mo misplaced emotions mo or never post at all. Ganun lang yun.

"Ganito na lang, mahabang panahon ka ding nagtrabaho sa ABSCBN(kasama ang asawa mo, kapatid mo, mga pamangkin mo at ang tinatawag namin nung Kamaganak Corp) sa haba ng panahon na yon if me napansin ka na palang mali sa pamamalakad esp sa mga trabahador, bakit hindi mo pinaglaban?

"Isa pa, kontrata pala hamon mo. Napakalaki ng per taping day sahod mo. Kung talagang makabayan at makatao ka, eh di dapat pala shinare mo sa kanila ang blessings mo. Lahat ng issues mo, dapat pala nun mo pa pinaglaban. San ka nun? Sino presidente nun? Ahhh. Okay. Noted."

Ayon pa kay Espiritu, lumilihis daw si Robin sa quo warranto issue na kasalukuyang kinakaharap ng network.

Continue reading below ↓

"Last, quo warranto ang issue

"Bakit lihis ka sa issue? Ahhh. Okay. Makabayan ka di ba? Panindigan mo ang real issues ng bansa natin. Let us practice what we preach."

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Nag-tweet din si Espiritu tungkol sa ilang netizens na binash siya dahil sa kanyang sagot sa post ni Robin.

Ayon sa Dreamscape Entertainment executive, matagal na silang magkakilala ni Robin bago pa man pumutok ang isyu tungkol sa franchise.

Bagamat nagpasalamat si Espiritu na pabor si Robin sa renewal ng prangkisa, bakit daw kinailangang ilabas at isali ang ibang mga isyu, tulad ng working conditions ng ABS-CBN para sa mga talent nito, gayong nag-aagaw buhay ang network.

Patuloy ni Espiritu, "Dun sa 4 na tinawag akong bobo at tanga, para sa inyo po ito.

"Robin and I know each other since 1991. And so with the other Kapamilyas he has worked with in ABSCBN. Madami siyang shows na ginawa. We always welcome him, we consider him family.

"If he says he is pro renewal. Thank you. Pero meron pala siyang ibang issues, bakit nakasabay? Di ba dapat ibang usapan na yun? Or let DOLE handle it? ABSCBN always takes accountability. We will take accountability if me complaint. Sabi nga niya, no one is above the law.

Continue reading below ↓

"And we agree. Kaya nalulungkot kaming Kapamilya niya. Puwede naman niya kaming kausapin. Madami siyang kaibigan sa amin kahit magkakaiba kami ng pinapaniwalaan at pinapanindigan sa buhay.

"Yun lang. Hindi ako bobo, at hindi din ako tanga. Kahit tanungin niyo pa ke Robin Padilla."

Continue reading below ↓

Kaninang umaga, February 15, muling nag-tweet si Espiritu na kinailangan lang niyang gumawa ng stand tungkol sa kinakaharap na isyu.

"Maraming salamat sa inyong suporta. I never thought we’d get so much and that it would escalate. I am emotional. ABSCBN has been my home for 28 years. And this makes me more sad knowing with my answers I might have hurt people too. I just had to make a stand.

Continue reading below ↓

"Sabi ko nga Robin and I have known each other for almost all of my ABSCBN life, he is a Kapamilya. His manager is a friend. And family should not hurt each other, but lift each other. In good times, and esp in very challenging times. Have a peaceful weekend everyone."

Continue reading below ↓

ROBIN PADILLA ANSWERS ETHEL ESPIRITU'S TWEETS

Ilang minuto pagkatapos ng mga huling tweets ni Espiritu, sumagot si Robin sa pamamagitan ng Facebook.

Inaasahan ito dahil kilala si Robin na mahilig makipagdebate nang mahabaan at halos magtalumpati tungkol sa mga bagay na isyu para sa kanya.

Sa Facebook, nilitanya ni Robin ang ginagawa niyang pagtulong sa mga empleyado ng ABS-CBN na nangangailangan nito.

Continue reading below ↓

Naikuwento rin niya ang naging pag-uusap nila ng yumaong si Gina Lopez tungkol sa working conditions ng mga talents, o non-regular employees, ng network.

Nabanggit din ni Robin ang isa pang ABS-CBN employee na si Rocky Ubana, na executive producer ni Robin sa dati nitong sitcom na Todamax.

Ito ay tungkol sa pagiging sub-contractor daw ng mga tent ni Ubana noong panahong gumagawa sila ni Robin ng palabas sa Kapamilya network.

Saad ni Robin (published as is): "God is great! Mam Sa lahat ng mas nakakakilala sa akin sa buong showbiz world lalo sa mga taga abs cbn batid nila ang aking pagtulong sa mga empleado nito lalo sa pangbili ng gamot , libing ng patay, utang na hindi mabayaran, papaopera ng anak na may butas sa puso etc etc

"Mam ethel pakitanong mo sa set ng sana dalawa ang puso kung sino ang kausap ko sa tent patungkol sa working conditions ng non regular employees ng abscbn walang iba kundi si mam gina lopez mahigit isang oras kami nag usap pati ang patungkol sa housing ng mga non regular employees.

Continue reading below ↓

"At sayo mam rocky ubana batid ba ng mga boss mo sa abscbn na ikaw mismo sa panahon ko ay sub contractor ng tent? Magkano ang sueldo mo sa tao? Minimum ba? May overtime ba? Registrado ba yun agency mo? Alam ba ng Dole na may mga laborer ka na nagpupuyat at walang working hours? Ano ang mga benepisyo?"

Ayon pa kay Robin, dapat daw pag-usapan ang mga bagay na ito kasabay ng pag-renew ng franchise dahil ito raw ang "tamang oras para magpakumbaba ang management sa kaniyang mga trabahador."

Sa huli, sinabi ni Robin na walang kinalaman ang mga hinaing niya sa pananaw ng iba niyang kamag-anak na nagtatrabaho sa ABS-CBN.

Habang buhay rin daw siyang nagpapasalamat sa ABS-CBN.

Patuloy ni Robin (published as is): "Ang dahilan kung bakit ngayon ito dapat pag usapan dahil magrenew ng franchise ang abscbn ito ang tamang oras para magpakumbaba ang management sa kaniyang mga trabahador at makinig sa hinaing ng mga tao sa ground.

Continue reading below ↓

"Ganon po talaga mga mam ang negosasyon sa mga multi billion companies na may labor issue hindi ko naman po yan imbento may mga kaso po sa korte patungkol sa mga empleado ng abscbn

"at patungkol naman sa mga artista na kamag anak ko maraming salamat po sa trabaho na naibigay niyo sa kanila Praise God pero hindi po sila ako at ako ay hindi sila may sarili silang mga isip at buhay they can join you in bashing me its their right.

"I will be forever thankful to abscbn and to the people who really know me. Ang issue dito ay franchise at labor yun ang harapin natin wag natin daanin sa drama i already apologized pero kung gusto niyo pa walang problema sa akin we can run the whole marathon."

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya star Robin Padilla responds to ABS-CBN executive Ethel Manaloto-Espiritu's tweets about his post on the working conditions of Kapamilya talents.
PHOTO/S: Noel Orsal / Ethel Espiritu Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results