Watch Now

OSG asks Supreme Court to issue gag order on quo warranto case vs ABS-CBN

by Bernie V. Franco
Feb 18, 2020
Solicitor General Jose Calido, in a statement, enumerates why they are asking the Supreme Court to issue a gag order on ABS-CBN quo warranto case.
PHOTO/S: osg.gov.ph / ABS-CBN Facebook

Hiniling ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Supreme Court (SC) na mag-isyu ng gag order kaugnay ng quo warranto petition na inihain nito laban sa ABS-CBN.

Sa pamamagitan ng Twitter, inilabas ng ABS-CBN News ngayong Martes, February 18, ang kopya ng statement ng OSG hinggil sa gag order dahil sa umano’y “propaganda” na inilunsad ng Kapamilya network.

Ito ay may titulong “OSG WANTS PARTIES TO FOLLOW SUB JUDICE RULE IN ABS-CBN QUO WARRANTO CASE; ASKS SC TO ISSUE GAG ORDER.”

Binanggit sa statement na nagsumite ang OSG ng “Very Urgent Motion for Issuance of Gag Order” sa SC “to issue an order prohibiting the parties and persons acting on their behalf” ng anumang pahayag tungkol sa quo warranto petition.

Sa statement, inakusahan ni Solicitor General Jose Calida ang ABS-CBN na naglunsad ng “propaganda in a clear attempt to elicit public sympathy, sway public opinion, and, ultimately, to influence the resolution of the case.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naniniwala ang OSG na ang pagkomento tungkol sa quo warranto appeal na nasa judicial proceeding pa ng SC ay paglabag sa sub judice rule.

Sa isang kopya ng explanatory note na mababasa sa senate.gov.ph, ang sub judice rule “means that when a legal matter or controversy has come under the jurisdiction of a court (sub judice), nobody, including the press and other media should interfere by publication or public clamor with the court’s proper handling of the proceeding.”

Ayon pa sa statement, ang sinumang lumabag sa sub judice rule “may render him or her liable for indirect contempt under the Rules of Court.”

Inisa-isa rin ng OSG ang diumano’y paglabag ng ABS-CBN sa sub judice rule.

Kabilang dito ang tatlong videos na inilabas ng ABS-CBN na ang intensiyon diumano ay “influence public opinion and unfairly encourage the pre-judgment of the instant case,” at “influence the resolution of the instant case.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binanggit din dito ang pahayag ng ABS-CBN artists at iba pang mga personalidad na nagkomento sa social media tungkol sa quo warranto petition.

OSG FILES QUO WARRANTO PETITION

Noong February 10, nagsumite ng quo warranto petition si SolGen Calida laban sa ABS-CBN Corporation at subsidiary nitong ABS-CBN Convergence, Inc., dahil sa diumano’y nadiskubreng “highly abusive practices of ABS-CBN” sa operasyon nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinabukasan, February 11, ipinag-utos ng SC sa ABS-CBN Corporation na magkomento ito sa quo warranto petition ng OSG sa loob ng 10 araw.

Maliban dito, nanganganib ding hindi maaprubahan ang renewal ng franchise ng ABS-CBN dahil hindi pa ito natatalakay sa Kongreso.

Nakatakdang mapaso ang prangkisa ng ABS-CBN sa March 30, 2020.

Pinangangambahan din ng mga artista at empleyado ng ABS-CBN ang deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin niya ang renewal ng prangkisa ng network.

Idiniin ng Pangulo ang diumano’y panggagantso ng network sa kanya at ilan pang kandidato noong 2016 presidential elections.

Kasunod ng quo warranto petition at isyu ng franchise renewal, nagkaisa ang mga artista, talents, at mga empleyado ng ABS-CBN sa pagpu-post ng kanilang sentimyento via social media.

Sa pinakahuling update, itinakda ng Senate Committee on Public Services, na pinamumunuan ni Senator Grace Poe, ang pagtalakay sa franchise renewal ng ABS-CBN Corporation sa darating na February 27.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sisimulan ng Senado ang hearing sa counterpart bill nito para sa franchise renewal ng ABS-CBN, kahit hindi pa ito natatalakay sa Kamara.

Ngayong Martes, nagpadala ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe sa ABS-CBN Corporate Communications para hingan ng pahayag hinggil sa gag order na hinihingi ng OSG sa Supreme Court.

At press time ay hindi pa kami nakatatanggap ng sagot.

Ilalahathala ng PEP.ph ang panig ng ABS-CBN hinggil sa isyu sa oras na maglabas sila ng pahayag.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Solicitor General Jose Calido, in a statement, enumerates why they are asking the Supreme Court to issue a gag order on ABS-CBN quo warranto case.
PHOTO/S: osg.gov.ph / ABS-CBN Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results