PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angel Locsin, Zsa Zsa Padilla, Agot Isidro, DJ Chacha take a swipe at Senator Bato dela Rosa's comment on ABS-CBN franchise

Bato dela Rosa on ABS-CBN franchise renewal: “What is 11,000 compared to the whole Filipino nation na matagal nang sinamantalahan ng isang kumpanya?”
by Jet Hitosis
Published Feb 19, 2020
Kapamilya talents (L-R) Angel Locsin, Zsa Zsa Padilla, Agot Isidro, and DJ Chacha react to Senator Ronald "Bato" dela Rosa's (center) comments on the ABS-CBN franchise renewal and the senator's "live and die" pledge of loyalty to President Rodrigo Duterte.
PHOTO/S: @therealangellocsin, @zsazsapadilla on Instagram, Senator Ronald "Bato" dela Rosa on Facebook, @agotisidro, @mor1019chacha on Instagram

Umani ng reaksiyon mula sa ilang Kapamilya stars ang naging pahayag ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa tungkol sa nakaambang tigil-operasyon sa ABS-CBN Corporation.

Ito ay makaraang hingan ng komento ng Senate reporters ang 58-anyos na dating Philippine National Police (PNP) chief kaugnay ng gagawing franchise renewal hearing ng Senado.

Unang itinakda ni Senator Grace Poe sa February 27 ang pagdinig sa pagbibigay ng panibagong 25-taong legislative franchise sa Kapamilya network.

Ang hearing ay isasagawa ng Senate Committee on Public Services, na pinamumunuan ng senadora.

Pero nitong Miyerkules, February 19, sinabi ni Poe na gagawing mas maaga ang pagdinig, na sisimulan na sa Lunes, February 24.

SENATE HEARING FOR FRANCHISE RENEWAL

Sisimulan na ng Mataas na Kapulungan ang hearing kahit na hindi pa natatalakay ng Kamara ang alinman sa 11 franchise renewal bills ng ABS-CBN.

Sa March 30, 2020 mag-e-expire ang broadcasting franchise ng pinakamalaking media conglomerate sa bansa.

Tatalakayin ng komite ni Poe ang Senate Bill No. 981, isang panukala upang i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN para sa susunod na 25 taon, na sponsored nina Senators Ralph Recto at Leila de Lima.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Miyerkules, February 19, nabalitang kinumpirma ni Senator Manny Pacquiao na co-author na rin siya ng SB 981.

Bukod dito, may posibilidad na matalakay rin sa hearing ang Senate Resolution 11 ni Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Inihain ni Drilon nitong Lunes, February 17, ang joint resolution na humihiling na palawigin ang prangkisa ng ABS-CBN hanggang December 31, 2022.

Kaagad na naiendorso sa komite ni Poe ang resolution ni Drilon.

QUO WARRANTO PETITION, GAG ORDER PLEA

Sa video na ipinost ng DZMM Teleradyo sa Twitter nitong Martes, February 18, sinabi ni Senator Bato sa reporters na makikinig siya sa gagawing pagdinig ng Senado para sa prangkisa ng ABS-CBN.

Tuloy ang Senate hearing sa isyu kahit pa nitong Martes, February 18, ay umapela ng gag order ang Office of the Solicitor General (OSG) kaugnay ng quo warranto petition na inihain nito laban sa network.

Bilang abogado ng gobyerno, inihain ng OSG nitong February 10 sa Korte Suprema ang quo warranto petition upang bawian ng prangkisa ang ABS-CBN.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Giit ng OSG, nilabag ng network ang ilang probisyon sa prangkisa nito sa pag-aalok ng paid broadcast sa KBO (Kapamilya Box Office) nang walang permiso ng gobyerno, at sa pagpayag ng foreign ownership sa kumpanya.

Sa isang official statement, itinanggi ng ABS-CBN ang mga alegasyon ng OSG.

Kasunod nito, sa pamamagitan ng social media ay nagpahayag ng suporta sa network ang maraming Kapamilya talents at ilang artists at media groups.

Ang pagbuhos ng suportang ito para sa ABS-CBN ay itinuring ng OSG na “propaganda in a clear attempt to elicit public sympathy, sway public opinion, and, ultimately, to influence the resolution of the case.”

Ito raw ang dahilan kaya humiling ng gag order ang OSG sa Korte Suprema nitong Martes.

Layunin ng isang gag order na maiwasang maimpluwensiyahan ng media o ng publiko ang magiging desisyon ng Kataas-taasang Hukuman sa quo warranto petition.

BATO OKAY WITH SENATE HEARING

Sa harap ng mga alegasyon ng paglabag ng ABS-CBN sa inilalaban nitong legislative franchise, sinabi ni Senator Bato na mahalaga ang magiging papel ng pagdinig ng Senado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dapat may hearing, para ma-prove talaga ano iyong totoo,” sinabi ng senador sa mga nakapaligid sa kanyang mamamahayag.

“Mahirap kung puro allegations lang.

“Kung mabigat yung akusasyon na talagang maraming viniolate ABS-CBN, bakit mo pa ni-renew?

“Kung talagang ma-prove sa hearing na grabe iyong sinamantala nang husto ng ABS-CBN ang sambayanang Pilipino, bakit mo pa i-renew?”

Sakaling tuluyan na hindi mabigyan ng panibagong prangkisa ang network, titigil ang operasyon ng lahat ng television at radio stations nito sa bansa.

“WHAT IS 11,000 COMPARED TO THE WHOLE FILIPINO NATION?”

Dahil dito, binanggit ng mga reporter sa senador na mahigit 11,000 sa network ang mawawalan ng trabaho.

Tugon ni Bato: “What is 11,000 compared to the whole Filipino nation na matagal nang sinamantalahan ng isang kumpanya? Kung talagang ma-prove iyan sa hearing, na pinagsamantalahan ang sambayanang Pilipino?”

Hindi naman direkta ang naging sagot ni Senator Bato sa tanong kung boboto ba siya pabor sa ABS-CBN franchise renewal sakaling magpasya na ang Senado tungkol sa panukala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero inamin ng senador na “may bias” siya pagdating kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kilalang kritiko ng ABS-CBN ang Presidente.

Sa katunayan, ilang beses nang nagbanta ang Pangulo na haharangin ang franchise renewal ng network.

Inakusahan ni Pangulong Duterte ang ABS-CBN ng hindi pagpapalabas sa kanyang presidential campaign ads noong 2016, kahit pa nabayaran na niya ang mga ito.

PRESIDENT DUTERTE AND SENATOR BATO’S FRIENDSHIP

Sabi ni Senator Bato sa harap ng Senate reporters: “Ako, I will live and die with President Duterte.

“I will sink and swim with him.

“Hindi ako plastic na magsabing wala akong bias.

“Totoong tao ako na magsabi na may bias ako towards the president.”

Malalim ang pinagsamahan nina Duterte at Dela Rosa.

Noong aktibo pa sa PNP, nagsilbing hepe ng Davao City Police si Bato, sa ilalim ng liderato ni noon ay Mayor Rodrigo Duterte.

Nang mahalal na presidente ang dating Davao City mayor noong 2016, itinalaga niya si Bato bilang PNP chief.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Taong 2018 nang magretiro sa PNP si Bato, at in-appoint naman siya ni Pangulong Duterte bilang director-general ng Bureau of Corrections (BuCor).

Nagbitiw sa BuCor ang opisyal noong unang bahagi ng 2019 para kumandidato sa pagkasenador noong Mayo ng parehong taon.

KAPAMILYA TALENTS POST THEIR REACTIONS

Gaya ng inaasahan, hindi naging positibo ang reaksiyon ng ilang Kapamilya talents sa mga sinabi ni Senator Bato.

Ibinahagi ng singer-actress na si Agot Isidro ang excerpt ng komento ng senador nang magpahayag ang opisyal ng loyalty kay Pangulong Duterte sa isyu ng franchise renewal.

Tweet ni Agot: “Sir, allegiance to country first!

“Dapat di kayo nag-senador kung biased kayo.

“Nakakapanlumo.

“Paano na, Pilipinas. Tayo-tayo lang ito. [frowning face emoji]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Simpleng “I cannot” naman ang reaksiyon ng broadcast journalist na si Karen Davila sa pahayag ni Senator Bato tungkol sa posibilidad na mawalan ng trabaho ang 11,000 empleyado ng ABS-CBN.

Ni-retweet ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla ang parehong excerpt, ‘tsaka nagtanong kung may ibibigay bang trabaho sa libu-libong mawawalan ng hanapbuhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa komento ng writer-filmmaker na si Kip Oebanda, binalikan nito ang pagpapatupad noon ni Bato sa anti-drug war bilang PNP chief.

Saad sa tweet ni Direk Kip: “Of course Bato won't care about the 11,000 employees of ABS-CBN.

“It's the same guy who said ‘shit happens’ when asked about a 3 year-old getting killed in the drug war.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It's the same guy who led the bloody drug war.

“For him, people's lives have no value.”

JOKES, A MEME FOR SENATOR BATO

Sa Instagram, may simpleng parunggit ang post ng Kapamilya actress na si Angel Locsin.

Nagbahagi siya ng litrato ng tri-band ribbon ng ABS-CBN, na ang background ay ang building ng network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maikli pero madaling makuhang caption ni Angel: “Ding! ang bato. #chos #JustLove #NoHate”

Batay sa mga mababasa sa comments section, pabirong banggit kay Senator Bato ang post ng aktres, na minsang nagbida bilang Darna.

Ang “Ding, ang bato!” ang sikat na linya ng fictional Pinay superheroine character ni Mars Ravelo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapag nalulunok ang mahiwagang bato ay nagta-transform ito bilang Darna.

Taong 2015 nang sumikat si Angel matapos siyang magbida sa Darna teleserye ng GMA-7.

Ang singer-comedienne-TV host na si K Brosas, nag-post naman ng chorus ng kantang “Pusong Bato.”

Gayunman, binago ni K ang lyrics bilang pagsimpatiya sa mga empleyado ng ABS-CBN:

“Kung ako’y muling boboto Sana’y di maging katulad mo Tulad mo na May pusong... BATO!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang screenplay writer na si Mel del Rosario, nag-post ng meme tungkol sa karakter na si Kokey.

Si Kokey ang cute na alien na nagbida sa fantaserye ng ABS-CBN na may kaparehong titulo, at ipinalabas noong 2007.

May apat na frame ang litrato.

Tatlo sa mga ito ay mga eksena ni Kokey.

Nasa ikaapat na frame ang quote kay Bato tungkol sa mga empleyado ng ABS-CBN, at may picture din ang senador.

Mistulang pabirong inihahawig si Kokey kay Bato, dahil pareho silang moreno at walang buhok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DJ CHACHA ASKS SENATOR BATO TO RESIGN

Kasabay nito, nagpakawala ng sunud-sunod na tweets ang MOR 101.9 FM disc jockey na si DJ Chacha—Czarina Balba ang tunay na pangalan—laban sa senador.

Pinuna ng DJ ang pahayag ni Senator Bato tungkol sa loyalty nito kay Pangulong Duterte.

Sa una niyang tweet, direktang nanawagan ang DJ na “mag-resign na dapat si Senator Bato sa pagiging senador at mag-apply na Bodyguard ng Presidente tutal naman ang loyalty niya ay sa Pangulo at hindi sa taong bayan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-tweet din si DJ Chacha na “mas mahal ni Bato ang Pangulo kaysa sa asawa niya.”

Tungkol naman sa mga “politikong PUPPET ang role sa gobyerno” ang ikatlong tweet ng DJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang fourth tweet, pabirong sinabi ni DJ Chacha na gagawa siya ng vlog para sa senador.

Ang vlog, aniya, ay magbibigay ng tips kay Bato “kung paano ako nakakuha ng 10-years Multiple Entry US Visa. Para di’ na siya mag-tantrums.”

Tinukoy ni DJ Chacha ang pagkansela kamakailan ng gobyerno ng Amerika sa US visa ng senador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pagkansela sa visa ni Senator Bato ay may kaugnayan sa pinaigting na crackdown ng U.S. government laban sa human rights violators.

Pinaniniwalaang may kinalaman ito sa naging pamumuno noon ng dating PNP chief sa anti-drug war campaign ng pulisya.

Huling tweet ng DJ ang tungkol sa pagkuwestiyon sa loyalty ng isang public servant na sa iisang tao, at hindi sa bayan, sumusumpa ng katapatan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BATO ANSWERS DJ CHACHA

Sinagot naman ni Senator Bato ang mga tweet ni DJ Chacha laban sa kanya.

Sa ulat ng Philippine Daily Inquirer ngayong Miyerkules, ipinaabot ng senador ang reply niya sa suggestion ng DJ na mag-resign na lang siya sa tungkulin.

“Sabihan mo si DJ Chacha baka ang alam lang niya ay magchacha,” sabi ni Bato sa text message niya sa reporter na si Maila Ager.

Dagdag ng senador: “Mali ba ang maging loyal sa isang duly elected President who is after the welfare of his people and who is willing to confront the oligarchs who have been bastardizing this country for so long?”

Dugtong pa ni Senator Bato: “Sabihan mo siya, I am willing to hear her answer.”

Wala pang bagong tweet si DJ Chacha tungkol sa senador hanggang sa mailathala ang report na ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya talents (L-R) Angel Locsin, Zsa Zsa Padilla, Agot Isidro, and DJ Chacha react to Senator Ronald "Bato" dela Rosa's (center) comments on the ABS-CBN franchise renewal and the senator's "live and die" pledge of loyalty to President Rodrigo Duterte.
PHOTO/S: @therealangellocsin, @zsazsapadilla on Instagram, Senator Ronald "Bato" dela Rosa on Facebook, @agotisidro, @mor1019chacha on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results