Matteo Guidicelli denies blotter report that he punched Sarah Geronimo's bodyguard

by Rachelle Siazon
Feb 22, 2020
Matteo Guidicelli denies blotter report saying he punched Sarah Geronimo’s bodyguard. The alleged incident happened after the celebrity couple’s civil wedding on the night of February 20. Seen on the left photo is Sarah; on the right, Sarah is flanked by parents Delfin and Divine Geronimo.
PHOTO/S: @matteog Instagram / screengrab from Sarah G Live

"Wala akong sinuntok."

Pinasinungalingan ni Matteo Guidicelli ang kumalat na blotter report na nagsasabing sinuntok niya diumano ang bodyguard ni Sarah Geronimo.

Base ito sa ulat ng entertainment reporter na si Mario Dumaual sa TV Patrol, ang primetime news program ng ABS-CBN, nitong Biyernes, February 21.

Ayon pa sa report, nagpasalamat daw si Matteo sa lahat ng well-wishers nila ni Sarah.

Pero tumanggi ang aktor na magpaliwanag kung anuman ang naging mitsa ng pagpapa-blotter sa kanya ng bodyguard ni Sarah.

Hindi rin nagdetalye si Matteo tungkol sa kasal nila ni Sarah.

Ginanap ang civil wedding nina Sarah at Matteo sa Shangri-La at the Fort sa Bonifacio Global City, Taguig, noong Huwebes ng gabi, February 20.

Ginanap ang reception sa isang restaurant sa parehong hotel.

Biyernes ng hapon, February 21, iniulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nabahiran ng kontrobersiya ang masayang pag-iisang dibdib nina Sarah at Matteo.

Diumano, nagkaroon ng engkuwentro sa pagitan ni Matteo at ng bodyguard ni Sarah na kinilalang si Jerry Cortes Tamara.

Continue reading below ↓

THE BLOTTER REPORT

Nakakuha ang PEP.ph ng kopya ng blotter report na isinumite ni Tamara sa Taguig police station bandang 3:37 a.m. ng Biyernes, February 21.

Sabi rito, sa gitna ng pagdiriwang ng pribadong kasalan nina Sarah at Matteo ay hindi inaasahang dumating ang ina ni Sarah na si Divine Geronimo, o kilala sa showbiz bilang Mommy Divine.

Lumalabas na hindi imbitado si Mommy Divine sa okasyon, at nais daw nitong sandaling makausap ang anak.

Hindi malinaw kung nagkaharap ba sina Sarah at Mommy Divine.

Pero ayon sa blotter, kinumpronta ni Matteo si Tamara at sinapok ito sa bandang leeg.

Pinaghinalaan diumano ng aktor na ang bodyguard ang nagsabi kay Mommy Divine tungkol sa lihim na pag-iisang dibdib nila ni Sarah.

Bagamat nagpa-blotter, hindi naman pormal na nagsampa ng reklamo si Tamara laban kay Matteo.

SARAH'S COUSIN REACTS

Sinubukan ng PEP.ph na hingan ng komento si Matteo, pero tumanggi itong magsalita tungkol sa isyu.

Continue reading below ↓

Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang opisyal na pahayag mula kay Sarah.

Pero kumalat sa social media ang isang screenshot ng Instagram Story ng pinsan ni Sarah, na malapit sa singer-actress at kay Matteo.

Ibinahagi ng pinsan ni Sarah ang kopya ng isang ulat tungkol sa insidenteng kinasangkutan ni Matteo at ng bodyguard ni Sarah.

Kalakip nito ang written caption ng pinsan ni Sarah.

Sabi rito: "Why so many pakialameros/pakialameras when in fact they DO NOT know the whole story."

Sa isa pang Instagram Story ay binansagan nitong "POWER COUPLE" sina Matteo at Sarah.

COMPLICATED RELATIONSHIP WITH SARAH'S PARENTS?

Marami ang nagulat sa kontrobersiyang bumalot sa lihim na pagpapakasal nina Sarah at Matteo.

Nang isapubliko nila ang kanilang engagement noong November 2019, napag-alamang isang taon na ang lumipas mula nang hingin ni Matteo ang kamay ni Sarah sa kasal.

Hindi malinaw kung kailan at ano ang naging reaksiyon ng mga magulang ni Sarah nang malaman ang tungkol dito.

Continue reading below ↓

Pero noong November 14, 2019, idinaan ni Matteo sa isang madamdaming open letter ang mensahe niya para kay Mommy Divine at Daddy Delfin Geronimo.

Ipinost ito ng aktor sa kanyang Instagram account.

Dito ay siniguro ni Matteo na lumaki siya sa isang masayang pamilya, na nagturo sa kanya ng "solid family values."

Iyon din daw ang nais ng binata para sa magiging pamilya nila ni Sarah.

Sinabi rin ni Matteo na parang anak ang turing kay Sarah ng sarili niyang mga magulang, sina Gianluca at Glenna Guidicelli.

MATTEO'S OPEN LETTER TO MOMMY DIVINE AND DADDY DELFIN

Kung mayroon mang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni Matteo at mga magulang ni Sarah, nagsumamo ang binata na sana balang-araw ay maging isang pamilya raw sila.

Madamdaming pahayag ni Matteo (published as is):

"Mahal na mahal ko po si Sarah.

"Mahal ko din po kayung magulang nya at mga kapatid nya.

"Hangad ko po na maging isang pamilya tayo.

Continue reading below ↓

"Pangako ko po na aalagan ko si Sarah na kapareho ng pangangalaga nyo sa kanya."

Huling nagkasama sina Matteo at mga magulang ni Sarah noong gabi ng February 14, sa Unified concert nina Sarah at Regine Velasquez sa Araneta Coliseum.

Si Matteo ay nakapuwesto sa front row sa harap ng stage, habang ang mga magulang at mga kapatid ni Sarah ay nanatili sa backstage.

Sa second night ng concert noong February 15, nanood ulit si Matteo at mga magulang nito.

Pero hindi malinaw kung nagkaroon ng pagkakataong magsama-sama ang pamilya ni Matteo at ang pamilya ni Sarah doon.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matteo Guidicelli denies blotter report saying he punched Sarah Geronimo’s bodyguard. The alleged incident happened after the celebrity couple’s civil wedding on the night of February 20. Seen on the left photo is Sarah; on the right, Sarah is flanked by parents Delfin and Divine Geronimo.
PHOTO/S: @matteog Instagram / screengrab from Sarah G Live
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results