Arjo Atayde admits to talking about marriage with girlfriend Maine Mendoza

by Rose Garcia
Feb 27, 2020
Arjo Atayde on Maine Mendoza's family: “Very welcoming din po and very protective rin po as well. I love them. Very mabait po sila, wala po akong masabi."
PHOTO/S: Rose Garcia / Instagram

Mas matatag at mas masaya ngayon ang relasyon nina Arjo Atayde, 29, at Maine Mendoza, 24.

Nagsimula man ang kanilang relasyon na maraming bashers at hindi tanggap ang relasyon nila, napatunayan ng magkasintahang kaya nilang maging matibay.

Mahigit isang taon na ang kanilang relasyon.

Base sa kanilang social media posts, kitang-kita rin kung gaano katanggap ng pamilya ni Arjo ang Kapuso star.

Natuwa pa nga si Arjo dahil kahit ang ama niyang si Art Atayde ay napasayaw ni Maine ng "Tala."

Kumusta naman si Arjo sa pamilya ng girlfriend?

“Okay naman po, sobrang mabait din po ng family niya,” tugon ng Kapamilya actor nang nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Beautederm noong Pebrero 25, Martes, sa Relish restaurant, Quezon City.

“Very welcoming din po and very protective rin po as well. I love them.

“Very mabait po sila, wala po akong masabi.

"Gayundin po ang mga kapatid niya. They’re very kind to me, very, very kind.”

Continue reading below ↓

Nangiti si Arjo sa tanong kung sakali at ikakasal sila ni Maine, isisikreto rin ba niya ito?

“Hindi ko po... I’m very private.

"I want it more private for myself, for my family, for everyone.

"We’ll see, we’ll see," saad niya.

Pero naiisip o napag-uusapan na ba nilang magpakasal?

“Obviously, I’m of age already. Nothing to hide.

"Yes, we got to talk about it," sagot ni Arjo.

Si Maine na kaya ang magiging Mrs. Atayde?

“Of course, of course,” mabilis na sagot ng aktor.

ARJO AS SCREENWRITER / MOVIE PRODUCER?

Pinapasok na ngayon ni Arjo ang production.

Sa katunayan, may isinusulat na siyang script para kay Maine.

Bago ang script na ginagawa niya para kay Maine, nakapagsulat na siya ng iba pa.

Ang script na nauna niyang nagawa ang nakaplano nang gawin ni Arjo sa sarili nitong produksiyon.

Natuwa rin si Arjo na makatrabaho si Julia Montes sa weekly TV series na 24/7.

Continue reading below ↓

“Finally, it’s a dream come true na makatrabaho si Julia. Oh my God!

"Ang husay niya talagang artista. She’s really good.

"She amazes me!” bulalas ni Arjo.

“Amazing! Magaling po talaga siya.

"Bilang actor, no issues or whatsoever, I mean, magaling talaga si Julia.

“When you’re in a scene with her, mata niya pa lang, ramdam mo na siya. And we appreciate her as a friend.

“How she is as a human being, how she keeps everyone together as well, I appreciate her talaga.

"She’s very kind, very respectful na tao."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arjo Atayde on Maine Mendoza's family: “Very welcoming din po and very protective rin po as well. I love them. Very mabait po sila, wala po akong masabi."
PHOTO/S: Rose Garcia / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results