Sylvia Sanchez posts Arjo Atayde-Maine Mendoza sweet moment at family bonding

by Rachelle Siazon
Feb 3, 2020
Sylvia Sanchez posts photos of her son Arjo Atayde and his girlfriend Maine Mendoza (upper photo) filling the Ataydes' home with music and laughter.
PHOTO/S: @sylviasanchez_a Instagram

Saksi si Sylvia Sanchez sa pagmamahalan ng anak niyang si Arjo Atayde at girlfriend nitong si Maine Mendoza.

Parehong artista ng ABS-CBN ang mag-inang Sylvia at Arjo, habang si Maine ay mainstay ng GMA-7 shows na Eat Bulaga! at Daddy's Gurl.

Sama-sama silang nag-bonding sa bahay ng pamilya Atayde nitong Lunes ng umaga, February 3.

Base ito sa mga litrato at video na ibinahagi ni Sylvia sa kanyang Instagram.

Isa rito ay ang sweet moment nina Arjo at Maine.

Nakahilig si Arjo sa kanang balikat ni Maine habang nakatingin sa cellphone ng dalaga.

Continue reading below ↓

Tila tinitingnan nila ang videos kunsaan nanguna si Maine sa pagtuturo ng dance steps ng "Tala," ang viral dance craze na pinasikat ng ABS-CBN singer-actress na si Sarah Geronimo.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

May litrato rin kasama ang ama ni Arjo na si Art Atayde na pinanonood ang kulitan ng kanilang pamilya.

Continue reading below ↓

SYLVIA'S MESSAGE FOR MAINE

Tuwang-tuwa naman si Sylvia dahil ang mister niyang si Art ay napasayaw rin daw ni Maine ng "Tala."

Sa caption ng kanyang Instagram post, kuwento ni Sylvia:

"Yong ang saya lang ng monday morning ko na pinapanood ko ang pamilya ko, mamita pilar, gela at @marjso na tinuturuan ni maine mag tala lahat kami dito sa bahay [smile emoji]

"Coach @mainedcm thank you [smile emoji] at pinasaya mo kaming lahat sa kakulitan mong mapag tala kami haha ang cute mo maine at mahal ka ng buong pamilya dahil sa kabutihan mo at higit sa lahat nabully mo napahalakhak at napagtala mo ang asawa ko hahaha [hearts and kissmark emojis]

"#family #happiness #blessing #bonding #dancingtala #priceless #goodvibes
#thankuLORD Happy morning [smile emojis]"

Makikita rin sa video na pinost ni Sylvia na pati ang paternal grandmother ni Arjo na si Pilar Atayde ay tinuruan ni Maine ng "Tala" dance steps.

Continue reading below ↓

previous family dinner with maine

Huling nakitang kasama ni Maine ang pamilya Atayde nang mag-dinner sila sa isang restaurant sa mall sa Pasig City, noong November 17, 2019.

Lumikha iyon ng isyu dahil sa malisyosong akusasyon ng ilang netizens na "edited" lang umano ang mukha ni Maine sa litrato.

Kaugnay ito ng detractors sa relasyon nina Maine at Arjo.

Kung anu-ano pang pambabatikos ang ibinato kay Sylvia, pero hindi nagpatinag ang beteranang aktres.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong November 23, 2019, sinabi ni Sylvia na hindi niya hahayaang kontrolin siya ng anumang negatibong opinyon ng ibang tao.

Ang mahalaga ay alam daw niya ang totoo, at nakikita niyang masaya sina Arjo at Maine sa isa't isa.

Dagdag ni Sylvia, nakagawian na talaga ng magkasintahan ang mag-bonding kasama ng kanilang pamilya.

Sina Arjo at Maine ay nagdiwang ng kanilang anniversary bilang magkasintahan noong December 21, 2019.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sylvia Sanchez posts photos of her son Arjo Atayde and his girlfriend Maine Mendoza (upper photo) filling the Ataydes' home with music and laughter.
PHOTO/S: @sylviasanchez_a Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results