Nagtagpo sa isang gym ang dating magka-love team na sina Kris Bernal, 30, at Aljur Abrenica, 29.
Ito ay base sa video clip na ibinahagi ni Kris sa kanyang Instagram account nitong February 26, Miyerkules.
Sa video, maririnig na nag-congratulate si Aljur kay Kris.
Engaged na si Kris sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Perry Choi.
Natatawang sagot naman ng aktres, “Congrats din. Ang tanda na natin!
“Nice to see you!”
Sabi naman ni Aljur, “Happy for you. Looking forward sa wedding mo."
Pagkatapos nito ay inimbitahan ni Kris ang dating leading man sa kanyang magiging kasal.
Hiningi rin ng aktres kay Aljur na mangako itong darating sa kanyang wedding day.
“Naman! Promise. Oo naman,” ani Aljur.
Sinabi pa ni Kris na isama niya ang kanyang asawang si Kylie Padilla at ang kanilang dalawang anak.
Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang ibinibigay na petsa si Kris kung kailan ang kasal nila ni Perry.
Si Aljur ay kasal na sa aktres na si Kylie Padilla, at mayroon na silang dalawang anak na lalaki.
ALKRIS LOVE TEAM
Sina Aljur at Kris ay produkto ng Kapuso artista search na StarStruck: The Next Level (2006-2007).
Hinirang si Aljur bilang Ultimate Hunk, habang sina Kris at si Mart Escudero ay hinirang na Ultimate Love Team.
Si Jewel Mische naman ang nanalong Ultimate Sweetheart.
Ngunit sina Kris at Aljur ang ginawang magka-love team.
Kabilang sa mga pinagtambalan nilang proyekto sa GMA-7 ay ang mga sumusunod: All My Life (2009), The Last Prince (2010), The Coffee Prince (2012), at Prinsesa ng Buhay Ko (2013).
Ngunit noong 2017 ay lumipat si Aljur sa ABS-CBN.
