PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rhap Salazar wants to keep relationship with partner private

Rhap Salazar on boyfriend: "I can’t wait to see you again.”
by Arniel C. Serato
Published Feb 28, 2020
Rhap Salazar on relationship with his partner: "I don't wanna tell more details po sana about my partner and our relationship. Gusto pa rin po namin ng privacy kahit papaano."
PHOTO/S: Courtesy: @rhapsalazar on Instagram and Twitter

Mula nang isapubliko ni Rhap Salazar ang sexual orientation niya noong Valentine’s Day, February 14, unti-unti na ring ipinapasilip ng 23-year-old singer ang kanyang love life sa publiko.

Kahapon, February 27, nag-post ang singer at voice coach sa Twitter ng larawan ng kanyang partner.

Yun nga lang, itinago niya ang mukha nito sa mga salitang “I can’t wait to see you again [hugging face emoji]”

Wala rin siyang inilagay na caption, kundi hugging face emoji lamang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilang followers ni Rhap ang kinilig para sa kanyang namumukadkad na love life.

Inilagay rin ni Rhap ang parehong larawan sa kanyang Instagram Stories kinagabihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pakikipag-ugnayan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rhap sa direct messaging (DM) sa Twitter ngayong hapon, February 8, sinabi nitong nais nila ng kanyang partner na maging pribado ang kanilang relasyon.

"I don't wanna tell more details po sana about my partner and our relationship.

"Gusto pa rin po namin ng privacy kahit papaano," pakiusap niya.

"LET US CELEBRATE LOVE."

Noong nakaraang Araw ng mga Puso, isinapubliko ng The Little Big Star alumnus ang totoong estado ng kanyang buhay pag-ibig sa kauna-unahang pagkakataon.

Ito ay sa pamamagitan ng pag-post ng dalawang larawan nila ng partner sa Twitter habang nakaharap sa isang waterfall.

Hindi kita ang kanilang mga mukha, ngunit mahihinuhang si Ralph ang isa sa nasa larawan.

Nakalagay sa kanyang caption: “Today, let us celebrate LOVE [heart emoji]”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ito rin ang naging daan ni Rhap upang aminin ang kanyang secual orientation na matagal na ring pinagdudahan ng marami.

Naglagay si Rhap sa kanyang verified Instagram account ng rainbow flag, na sumisimbolo sa lesbian, gay, bisexual, transgender, and queer (LGBTQ) community at LGBTQ social movements.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rhap Salazar on relationship with his partner: "I don't wanna tell more details po sana about my partner and our relationship. Gusto pa rin po namin ng privacy kahit papaano."
PHOTO/S: Courtesy: @rhapsalazar on Instagram and Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results