Jay-R and Mica Javier are now married

by Nikko Tuazon
Mar 1, 2020
Jay-R and Mica Javier tied the knot in an intimate wedding ceremony held at The Lind Hotel in Boracay on Sunday, March 1.
PHOTO/S: Courtesy of MAYAD Studios / @eventsbyamandatirol on Instagram

Ikinasal na ang R&B Prince na si Jay-R at ang GTmember na si Mica Javier.

Ginanap ang kanilang Christian wedding sa beachfront ng The Lind Hotel sa Boracay island ngayong Linggo, March 1, 2020.

Dinaluhan ito ng kanilang mga kamag-anak at kaibigan sa showbiz.

Isa si Coleen Garcia sa mga naunang bumati sa bagong kasal.

Continue reading below ↓

In-upload ni Coleen sa kanyang Instagram account ang isang bahagi ng wedding vows ni Mica para kay Jay-R matapos ang ceremony.

Caption dito ni Coleen: "This is true love [crying and heart emoji] We love you guys so much!!!!

"Sooooo happy for you, and forever here for you both! #JaMica2020."

Continue reading below ↓

Nag-post naman ang R&B singer na si Kris Lawrence ng larawan nina Jay-R at Mica mula sa kanilang kasal.

Ang caption nito: "Perfection #JaMica #2020 @rnbjayr @mica."

Ilan pang celebrities na dumalo sa kasal ay sina Jaya, Jason Dy, KC Concepcion, Kylie Verzosa, Jake Cuenca, KC Montero, at Billy Crawford.

Continue reading below ↓

SIMPLE WEDDING

Sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kina Jay-R at Mica, sinabi nilang isang simpleng kasalan lang ang kanilang nais, hindi isang engrandeng selebrasyon gaya ng nakagawian ng ibang celebrities.

Paliwanag ng R&B Prince, "I think it's great that they have the opportunity to have bongga weddings, and why not?

"And if that's what they like, there's no hate on that, kasi yun ang gusto talaga nila e."

Dagdag ni Mica, "Each to their own, right?

"Like, everyone has their own dream wedding. And maybe our dream wedding is just different."

Patuloy ni Jay-R, "The only thing I don't like is everyone trying to outdo each other.

"It's not like they're doing it on purpose, pero parang ganun yung nangyayari, e.

"That's what it looks like on social media.

"So kami, we don't really want to fall into that. You know, just chill lang."

Nabanggit din ng dalawa na mayroon silang civil wedding sa Los Angeles, California kung saan nakatira ang pamilya ni Jay-R.

Continue reading below ↓

Sa ngayon, hindi pa nababanggit nina Jay-R at Mica kung natuloy nga ang plano nilang ito.

Nagsimulang mag-date sina Jay-R at Mica noong mga huling buwan ng taong 2012.

Noong November 2013, kinumpirma ni Jay-R sa PEP.ph ang relasyon nito kay Mica.

Noong October 21, 2018, nag-propose ng kasal si Jay-R kay Mica habang nasu-shooting ng kanilang music video sa Nobu Hotel sa City of Dreams Manila.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jay-R and Mica Javier tied the knot in an intimate wedding ceremony held at The Lind Hotel in Boracay on Sunday, March 1.
PHOTO/S: Courtesy of MAYAD Studios / @eventsbyamandatirol on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results